Chapter 3: "Do you really want to know?"

228 0 0
                                    

Chapter 3: "Do you really want to know?"

Luhan's POV

"Luhan-hyung! Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong sa akin ni Sehun.

Tch. Hindi ako pwedeng magkamali. Naaamoy ko sa kanya ang sphere ng mga imortal na lobo. Pero... paanong magkakaroon siya nun eh isa siyang mortal?

"W-wala naman Sehun, na-nagugutom lang ako. Tama nagugutom lang ako. Haha." tanging nasabi ko na lang.

Kailangang malaman ito ni pinunong Suho at Kris. Hindi ako maaaring magkamali, may nagbigay sa kanya ng sphere ng hindi namin nalalaman.

-

Iris' POV

*yawn* Nakakaantok naman magturo 'tong teacher na 'to. (¬_¬) Tsk.

"Hoy huwag kang matulog!" narinig kong may nagsalita.

ƪ(‾.‾")┐*tingin sa kaliwa* *tingin sa kanan*

Seryoso naman silang nakatingin sa teacher na nagtuturo kaya hindi naman sila yung nagsalita.

Tch. Sa sobrang kaantukan ko kung anu-ano na yung naririnig ko. *yawn*

"Ms. Wade, would you mind listen to OUR LESSON?" biglang sulpot naman netong teacher na kalbo sa harap ko. (¬_¬)

Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na lang ng deretso sa harapan.

Tch. Walang kwenta!

"Ang bastos mo namang estudyante. Gumalang ka sa guro mo." narinig ko na namang may nagsalita.

ƪ(‾.‾") *tingin sa kaliwa* *tingin sa kanan*

Wala namang nagsalita sa mga kaklase ko kasi naka-focus sila sa walang kwentang teacher sa unahan.

Tch. Konsensya ko lang siguro 'yun.

Pero... bakit lalake yung boses?

Arghhh! Huwag niyo sabihing nababaliw na ako?

"Tanga!" narinig ko na naman. Hindi kaya may mga kaluluwa dito sa bago kong eskwelahan? ヽ( '¬') Creepy. Geh manakot lang kayo. I'm not scared anyway. (¬_¬)

"Tch. Tanga ka talaga!" narinig ko na naman.

Lalala~! Huwag mo na lang pansinin Iris. Huwag mo na lang pansinin. Lalala~!

"Hindi ka lang tanga, sira ulo ka pa!" sabi na naman.

"Buti naman pala at naririnig mo ako. Nandito lang ako sa labas ng eskwelahan mo." sabi na naman nung boses na nagsasalita. T-teka... parang... parang pamilyar yung boses eh.

"Tch. Hindi mo pa rin ba nahuhulaan kung sino ako? Tanga ka talaga!" sabi na naman niya.

Eto ba yung tinatawag na 'Mental Telepathy'?

Nakakatakot pala 'to. Pero 'di na bago saken yung mga imposibleng bagay na posible pala talaga sa realidad. Katulad na lang ng mga nakilala kong imortal na nilalang, totoo pala talaga sila. *sigh*

What's with this world? ಠ_ಠ

"S-sino ka ba?" 'yan kinausap ko na siya. Pakiramdam ko kasi konektado kami sa isa't isa. Weird.

"Tatlong letra Iris." sabi niya.

3 letters? Suho? Ah hindi, 4 letters eh. Chen? 4 letters din eh. Lay? Ah tama tama 3 letters. Si Lay nga! (>y<)

"Hindi ako si Lay!" sabi naman niya.

Kung ganun, siya si...

"K-kai?"

"Tch. Ganun ba kadaling kalimutan yung pangalan ko?" sabi naman niya. Ako lang ba o talagang parang nagtatampo siya?

"Hoy hindi ako nagtatampo. Mukha mo!" sabi naman niya through telepathy. Edi hindi na!

-

"Hoy ikaw! Sabihin mo nga! Ano bang meron sa utak ko at nakakausap kita gamit ang isip ko?" sigaw ko sa kanya. Mukha tuloy kaming may LQ dito sa daan. (¬_¬)

"Tch. Ayaw mo nun? May kapangyarihan ka?" tanong naman niya pabalik. Aba pilosopo 'to ah.

"Eh kung isubsob ko kaya 'yang mukha mo sa putik? Pwede ba! Umayos ka nga ng sagot!" tch. Kung mag-usap kami parang ang tagal na naming magkakilala eh noh? (¬_¬)

"Gusto mo ba talagang malaman?" tanong niya sa akin.

"O-oo n-naman. Ha-ha-ha!" nauutal kong sabi kasi unti-unti niyang inilalapit yung mukha niya sa akin. Ano namang trip neto sa buhay? (¬_¬) Pero tinigil rin niya kasi baka magdanak ang dugo dito sa daan.

Sa tahimik naming paglalakad ay bigla niya akong hinila dito sa mapunong lugar malapit sa lugar namin. A-ano bang gagawin niya?

"Anong g-ginagawa na-natin dito?" tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako sa gagawin nito ah? Pero bakit parang komportable pa rin akong kasama siya?

"Diba gusto mong malaman yung kakaibang nangyayari sa'yo?" tanong niya sa akin ng wala man lang emosyon ang mukha.

"Oo nga! Pero anong kinalaman ng pagpunta natin di---hmmmp!!"

⊙︿⊙

Bi-bigla niya akong hinalikan sa labi ko. T-teka... ito ang unang beses na halikan ako ng isang lalake. F-first kiss ko 'to! Kinuha niya nang hindi man lang ako ready! ╥﹏╥

Sinusubukan kong ilayo siya sa akin pero mas lalo lang niyang inilalapit ang sarili niya sa akin.

"T-teka K-kai ta-tama n---hmmmp!" inilayo ko ulit siya sa akin pero mas lalo niya ulit pinapalalim ang halik niya. WAHHHH!

Ilang segundo ang lumipas ay may naramdaman akong kakaiba sa sarili ko habang magkalapat ang aming mga labi. Isang kakaibang enerhiya na dumadaloy sa buo kong katawan. A-ano bang gusto niyang ipahiwatig?

Nang maghiwalay ang aming mga labi ay doon lang ako nakahinga ng maluwag.

"Naramdaman mo ba ang sphere ko?" tanong niya sa akin. Sphere?

"Katumbas yun ng buhay ko, ibinigay ko sa'yo ang kalahati ng sphere ko para sa sarili mong proteksyon." pagpapaliwanag niya.

Wait lang!! Nasa state of shock pa rin ako!!!

"Para ka talagang tanga!" sabi niya sabay pitik sa noo ko.

"Bakit... bakit mo ako hinalikan?" 'yan natanong ko na!

"Bakit masarap noh? Gusto mo ulitin natin?" tanong niya pabalik. /(≧ x ≦)\

"H-hoy! Umayos ka nga diyan! Gusto mo bang tusukin kita ng ballpen?" pananakot ko sa kanya.

"Tch. Ang sabihin mo nagustuhan mo rin." pang-aasar niya. Abat ang yabang naman pala nito eh. \(;'□`)/

"Ginawa ko lang yun para mas maramdaman mo yung sphere ko sa katawan mo. Ingatan mo 'yang mabuti dahil kung hindi, maaaring ikapahamak nating dalawa." sabi niya ng wala na namang emosyon ang mukha.

"Sa susunod na mga araw malalaman mo rin ang kahalagahan niyan. Pero sa ngayon maipapangako mo bang huwag munang sabihin kay Suho at Kris hyung ang lahat ng 'to?" tanong niya sa akin.

"Gagawin ko, pero paano napunta sa katawan ko yung sinasabi mong sphere?" naguguluhan kong tanong.

"Mahabang kwento, ang mahalaga makakaiwas ka na sa peligro ngayon. May araw na mahahanap kami ni Minho at hindi rin imposibleng mahanap ka rin niya. Magsisilbing proteksyon mo 'yan laban sa kanila." pagpapaliwanag niya.

May kakaiba akong nararamdaman sa maaaring mangyari sa mga susunod na pagkakataon. Ano ba 'tong napasok ko?

Marami pa akong gustong malaman sa propesiyang sinasabi nila. Kung bakit ba... bakit ako ang nakatakdang maging kasama nitong mga nilalang na ito. Ang alam ko lang ngayon, kailangan kong maghanda sa maaaring maging mangyari.

[EXO] Wolves In The CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon