Chapter 23
Shine's POV
Nang masigurado naming wala ng mga tauhan ng Valdemorr ay mabilis naming inihagis ang mga gamit namin sa labas.
"Careful Iha", ani pa ni Papa saka ako naghahanda para tumalon sa bintana. Di naman kalakihan ang bahay namin, di rin gaano kalaki dahil mas gusto naming ang sakto lang.
Maingat akong tumalon sa bintana at tiniyak na wala akong maaapakang bagay na pagmumulan ng ingay baka kase makatunog ang mga tauhan ng mga hay*p na yun.
Nang matiyak Kong ligtas na ako ay agad na akong lumayo ng kunti para si Papa na naman ang tumalon.
Gaya ko ay maingat din itong tumalon mula sa bintana at saka kinuha ang mga gamit namin. Di naman kami nahirapang magbitbit dahil kunti lang naman ang dinala naming gamit.
Nang medyo nakalayo na kami ay mabilis akong hinawakan ni Papa at saka hinila para mas lalong mapabilis ang takbo ko.
Jogging Pants, at Jacket ang suot ko ngayon tulad ng suot ni Papa para mas kumportabli kaming tumakbo. Nagsuot na din ako ng sapatos para di masakit sa paa
Batid naming alam nila ang sasakyan namin kaya humiram ng isang kotse si Papa kahapon para magamit namin sa pagtakas.
Matinding pag aalala ang iniisip ko ngayon, baka kase pag nahuli kami ay si Papa ang malalagot sa lahat. Pero bago nila masaktan ang ama ko, mamam*tay muna ako
YOU ARE READING
Valdemorr Series: Valdemorr's Addiction
Action#WHSSAA_STORY #REPLY_BOX_POLICY GENRE: Obsession & Possessive AUTHOR: Me USERNAME: EFHOsweetheart07 TITLE: VALDEMORR SERIES: Valdemorr's Addiction PROLOGUE Author's POV "Please maawa kayo sakin!! Ayoko please! Let me go please", pagmamakaawa pa ng i...