37 - Crush

912 29 0
                                    

Chapter 37

Shine's Pov

"Hi babe", ani pa mula saking likuran. Kasalukuyan ako ngayong naghihintay sa magkapatid na Valdemorr dahil ang sabi susunduin nila ako dito sa school gate, gusto ko mang tanggihan ang gusto nila pero wala akong magagawa. Para akong robot na de susi na minamanipula ng magkapatid

" Iwan mo na ako dito Rheyver", turan ko pa habang nakayuko. Simula ng magsimula akong mag aral ay nililigawan nya na ako. Si Rheyver Tuazon.

"Ihahatid na kita", alok pa nito na ikinailing ko. Kailangan na nyang umalis dito baka makita pa sya ng magkapatid? Baka mapahamak lang sya dahil sakin. Hindi ko sya gusto pero bilang kaibigan ayoko syang mapahamak

" Maam", ani pa ng isang boses na ikinapitlag ko. Si Samuel? Nakita nya kami baka magsumbong sya?

Kabado akong naglalakad kasunod ni Kuya Samuel. Jusko wag lang sanang madamay si Rheyver dito

Valdemorr Series: Valdemorr's AddictionWhere stories live. Discover now