35 - Agree

955 32 0
                                    

Chapter 35

"Wow ang ganda ng singsing mo bes", ani pa ni Crisel Park, kaklase ko
"Sanaol mayaman ang jowa", komento pa ni Mikaela Sue, kaklase ko din.

Sana nga inyo nalang sya dahil ako hirap na hirap na. Kahapon lang nakita ko si Papa sa isang pribadong hospital na pagmamay-ari ng kaibigan nilang si Sasori Takada.

Halos manlumo ako sa nakita ko kahapon. Ang daming machine na nakakabit kay Papa. Sobrang naaawa ako sa kalagayan nya.

Bukas na ang graduation namin, at pagkatapos naman ng isang buwan ikakasal na ako. Sana di nalang ako isinilang sa mundo kung ganito lang din naman ang sasapitin ko.

"Ring...ring...", tunog ng cellphone ko hudyat na may tumatawag. Di ko na kailangan pang tingnan ang caller dahil alam kong ang magkapatid nanamsn ang tumatawag.

"Hellow", ani ko pa habang garalgal ang boses. Gusto kong umiyak pero hindi pwede baka itigil nila ang paggagamot sa papa ko.

"Susunduin ka namin mamaya para kumain tayo sa labas", turan pa ng kabilang linya. Alam kong si Vann ito dahil medyo kalmado. Pero pag si Zacc halos manginginig na ako sa takot

" Okay", maikling sagot ko at ibababa na sana ang tawag ng biglang nagsalita si Zacc

"Iloveyou Little Thing", ani pa ni Zacc mula sa kabilang linya

" hmm---SHINE!", galit pang wika ni Vann na ikinapitlag ko ng kaunti

"I L---ove you too!", ani ko pa sabay baba ng tawag

Valdemorr Series: Valdemorr's AddictionWhere stories live. Discover now