"Are you pregnant?"
Shocked is written on Doc. Olive's face. Hindi niya siguro in-e-expect na mahahalata ko ang munting umbok sa tiyan niya, na sa tingin ko ay pilit niyang itinatago.
"No, you don't have to answer." I can't help but stare at her belly. The way she caresses it, proves that she is happily pregnant. I can't help but smile. Naaalala ko na naman ang sakit noong malaman ko'ng nagdadalang-tao ako.
"How did you know?" manghang tanong nito.
"I know when I see one." Napatawa ako, hindi ko inaasahan ang reaksyon niya, I am expecting her to deny it, pero para siyang bata sa tanong niya sa akin. Ako ang mas na-e-excite sa pagbubuntis niya.
"You know, I am once a mother, technically. . . twice."
"Huh? What do you mean?"
Inilibot ko ang tingin sa loob ng kuwarto bago sumandal sa kinauupuan ko. Ayoko sana siyang sagutin pero ano pa ang silbi ng pag-upo ko at pakikipag-usap sa doktor kung hindi ko rin naman ikukuwento rito ang lahat ng mga naipon sa dibdib ko. huminga ako nang malalim bago sagutin ito.
"Hindi lahat ng bagay na ibinibigay sa atin ay nagtatagal, minsan yung akala nating ibinigay na atin ay ipinahiram lang pala. They just come and go."
Matamang nakatingin sa akin ang doktor. Umayos pa ito ng upo at na sa tingin ko ay inihahanda ang sarili makinig sa akin. Wala akong nagawa kundi ang huminga nang malalalim. I compose myself. Siniguro kong may makakapitan ako kung sakaling mag-breakdown ako sa harap ni Doc. Olive.
Ipinikit ko ang aking mga mata para sariwain ang ala-ala ng pagbubuntis ko. Kahit ako sa sarili ko ay hindi sigurado kung kaya ko bang pigilan ang magiging emosyon ko. Parang kailan lang nagyari ang hapdi at sakit na dulot ng nakaraan.
Pagdilat ko, ang nakangiting mukha ni Doc Olive ang nasilayan ko. Hindi ko alam kung bakit iba ang epekto ng ngiti niyang iyon sa akin. Magaan sa pakiramdam, para akong nahihipnotismo at wala sa sariling Nagkuwento na rito.
*****
ISANG linggo ang matuling lumipas magmula nang malaman kong buntis ako. Walang ibang nakaka-alam maliban sa akin, kay Dave, at Sybil na katrabaho ko. Maayos na lumipas ang mga araw, atnakita kong unti-unting natatanggap ni Dave ang situwasyon ko. Hindi man niya ako nasasamahan sa mga check up ko pero hindi naman siya nagkulang sa pagbibigay ng mga kakailanganin ko sa pagbubuntis.
Nitong nakaraang araw lang ay binilhan niya ako ng gatas para sa pinagbubuntis ko, kahit sa mga ganoong bagay lang ay nakakasama ko siya. Hindi man lagi pero dama ko na ang importansya ng anak namin sa kaniya.
Gaya nang inaasahan, hirap na naman ako sa pagbangon para pumasok sa trabaho. Medyo umuumbok na rin ang tiyan ko. Kailangan ko ng bumangon para ayusin ang mga gamit na dadalhin ko para sa check up ko kinabukasan, paniguradong gagahulin ako sa umaga dahil madaling-araw na ako nakaka-uwi.
Mabilis na akong naghanda para pumasok sa trabaho, palabas na sana ako ng dumungaw si Sophia sa pinto. Malaking himala na sinilip niya ako sa mismong kuwarto ko, ni ayaw niyang itapak ang paa niya sa dugyot na maid's quarter na kuwarto ko raw.
"Hi, Phia!" bati ko
tuloy-tuloy naman itong pumasok sa loob at di pa nakuntento, para naman itong sekyu na nakapamewang pang rumonda sa apat na sulok ng kuwarto ko at kung ano-anong binubuting-ting. Humugot ito ng isang libro sa shelf at binuklat-buklat.
"Phia?"
"What?" maarteng sagot nito at binitawan ang hawak na ngayon ay picture frame naman at animo'y diring-diri.
"May kailangan ka ba?"
"Tawag ka ni Mama!" anito sabay labas ng silid.
Ano pa nga ba ang dapat kong asahan? mapapailing ka na lang talaga, wala naman akong magagawa. Ibinalik ko sa ayos ang lahat ng ginulo nito bago lumabas, binilisan ko ang pag kilos at baka bumuga ng apoy ang dragon na naghihitay.
***
"Maupo ka." Iminuwestra pa ni Tita ang mga braso sa sofa na may kalayuan sa kaniya, tahimik naman akong umupo na lang at hinintay ang sasabihin nito.
"Alam mo naman na dalawang buwan na noong huling nagpadala ang papa mo di ba?"
Nakakapanibago ang seryosong tono nito. parang hindi iyong Tita Carina na kilala ko. Sa loob ng dalawang buwang wala kaming natatanggap na tawag mula kay Papa, mukhang may nasagap nang balita ito.
"Opo," ang tanging naisagot ko,
"Naaksidente pala siya sa trabaho sa Saudi at pauwi na s'ya mamaya," maluha-luha pang sabi nito, sabay punas sa mga mata nito ng panyong dinukot nito sa bulsa.
"Po? bakit ngayon lang natin nalaman? tumawag na po ba si Papa?"
"Malamang hindi, yung isang katrabaho niya ang tumawag at pinasasabi raw ng employer nila na uuwi na ang papa mo at di na makakapagtarabaho pa, malaki na rin daw ang nagagastos nila sa pampa-ospital. Ngayon uuwing walang dala ang papa mo, Paano na tayo?"
Hindi ko naiintindihan pa ang ibang litanya ni Tita Carina, di ko malaman ang mararmdaman ko sa ngayon, basta ang alam ko lang ay nagsisiskip ang dibdib ko, bakit hindi man lang tumawag si Papa para sabihin ang kalagayan niya, Ayos lang kaya siya? may nag-aalaga kaya sa knya? hindi ko man lang siya maalagaan ngayong kailangan niya ako, hindi na bale, sa pag-uwi na lang niya.
"Leigh!" sigaw nito
Napatigin ako sa kanya nang maramdaman ko ang panyo sa mga braso ko na di ko napansin na ibinato niya pala sa akin, masyado akong nahulog sa agam-agam ko kay Papa.
"Po?"
"Anong po na naman? sabi ko uuwi ang papa mo na walang dalang kahit ano, paano ko susunduin yon wla akong pera?"
kinuha ko sng bag ko at kumuha ng pera sa bulsa nito. hindi ako mahilig mag wallet at wala rin nmn akong ilalaman. may natitira pa akong two thousand na pang budget ko sana hanggang magkatapusan at para sa check-up ko kinabukasan, pero para masundo na si Papa ibibigay ko na, may matitira pa nmn. Kahit masama sa loob kong iabot kay Tita Carina ang pera ay ibinigay ko na, nitong huli kasi ay nababalitaan kong nahihilig sa pagsusugal ito, baka imbes na sunduin si Papa ay ipangsugal nito.
"Ito lang po ang meron ako,"
"Ayun naman pala eh, sakto na yan. teka, bakit hindi ka pa nag-iintrega sa akin ngayon? kailangan pa bang ipaalala sa iyo?" inis na turan nito.
Ay, wow! demanding na ang buwan? napailing ako sa naisip ko, ang bilis naman nitong magpalit ng mood, kanina may paiyak-iyak pa wala namang luha sobrang pagmamadali nito sa pera eh alam nmn nitong katapusan pa ang sweldo ko.
"Eh, Tita kas--"
"Wag mo akong ma tita-tita dyan, pera ang kailangan ko leigh!" sigaw nito.
napapikit na lang ako, kaysa naman masagot ko lang si Tita Carina. Huminga muna ako nang malalim bago sumagot.
"Next week pa ho ang katapusan, Tita. Sa katapusan pa ako su-suweldo"
"Katapusan pa? bakit ang tagal. Tandaan mo utang mo sa akin ang suweldo mo ngayon kung gusto mong masundo ko pa aNg Papa mo!"
"Opo," sagot o na lang para hindi na humaba pa ang diskusyon. "Alis na po ako, late na ako. kayo na po ang bahala kay Papa.
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES : The Life I Chose (UNEDITED)
RomanceKailan nga ba masasabi na tama ang isang pagkakataon? O, kailan din nga ba masasabi na mali ang isang desisyon? At kailan din ba masasabi na mali ang isang relasyon? Iyan ang mga tanong na pilit hinahanapan ng sagot ni Leigh. Paano ba niya masasa...