Chapter 4
Ganoon na lamang, mas mabilis pa sa kidlat nang ako ay iwan ni Dave na nag-iisa sa park na iyon. Para akong pinagkaitan ng langit at lupa, sobrang awa para sa sarili ko ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Akala ko tanging si Dave lamang ang magiging pag-asa ko sa mga panahong ganito, na kinakailangan ko ng karamay. Lalo na sa situwasyon ko ngayon. Akala ko may aasahan ako wala rin pala.
Hindi ko rin pala dapat inasahan na tatanggapin n'ya agad ang lagay ko. Alam ko naman na priority n'ya ang magiging career niya ngayong nakatapos na siya sa kursong engineering. Pero nandito na ito, nangyari na at hindi ko na maibabalik pa.
Noon si Dave ang pinakapaborito kong tao, maliban sa Papa ko at mga kaibigan ko. Iba si Dave sa lahat ng nakilala ko, bukod sa bestfriend ko ay siya lang ang nakakapagpatawa sa akin sa mga mga panhong down ako at wala kong malapitan. Lagi siyang nandiyan kapag kailangan ko ng karamay kapag ako ang napagdidiskitahan nang madrasta at mga kapatid ko.
Hindi siya madamot sa oras gaya ng tatay ko at ibinibigay niya ang lahat ng meron siya na hindi naibibigay ng tatay ko sa akin. Minahal ko si Dave ng sobra pa sa kailangan, minahal ko siya ng walang pag-aalinlangan. Minahal ko siya ng buo at mamahalin ko siya higit pa sa buhay ko.
Sa kaniya ako masaya. lahat nga magandang bagay na ibinigay niya sa akin ay susuklian ko lahat ng pagmamahal kahit pa ibigay ag sarikli ko kay Dave. sa kanya ako masaya. Sa kaniya ako natuto at sa kanya ko lamang ibibigy ang sariko ko at sa kaniya ko lamang bibigay ang buong puso at pagkatao ko.
Isang maling desisyon ba ang ginawa ko? na ibigay ang lahat kay Dave at hindi nagtira ng para sa sarili ko? oo, siguro. hindi siya nagdamot sa akin, ni hindi siya nagrereklamo kung minsan nakakatulog na lang ako kapag may date kami, ni hindi siya nag-demand ng kahit ano sa akin. Nararamdaman ko rin naman na may panangailan siya sa akin kaya ibinigay ko na ang alam kong makakapagpapasaya sa kaniya.
hindi ako nagkamali o nagkamali nga ba? na isuko ang bataan kay Dave. That was the biggest decision i ever did in my life, that was I chose. We did it once, twice, thrice, until we forgot how to stop that lingering intense pleasure that we shared. Enjoyed every moment well spent together.
Hindi naman ako nagkulang ng paalala sa kaniya pag-usaping pag-i-ingat pero dahil sa mahal ko s'ya hinahayaan ko na lang minsan kapag nakakalimot siya sa pagsusuot ng proteksyon. Hindi ko rin naman gusto ang feeling pag mayroon.
Sa bagay na ito ako ang may kasalanan ng lahat, kung sana ako ang nag-ingat. Naisip ko sana na ako ang mag-control sa aming dalawa. Sana hindi pa kami malalagay pa sa alanganing sitwasyon, kami ni Dave. Hindi sa ayoko sa batang dinadala ko, It's a blessing. It's just that I've already learned my mistakes.
Nanlulumo akong uuwi sa bahay ngayon. Mula sa kinauupuan ko ay pinilit kong payapain ang isip ko, baka bukas ay iba na ang pananaw ni Dave sa buhay. Napatingin ako sa perang pilit isiniksik ni Dave sa kamay ko.
Tama, walang iba na mas dapat na isipin ngayon kundi ang pinagbubuntis ko. My Little Angel. Siya at wala ng iba ang dapat na pagtuunan ko ng pansin. For now, iisantabi ko muna ang sarili kong nararamdaman bagkus ay ang kapakanan na lang ang bata ang dapat na priority ko. Bukas na bukas din ay magpapa-check up muna ako sa malapit na lying-in cinic sa amin.
****
Ibinagsak ko ang hapo kong katawan sa kama ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa loob ng kwarto ko. Sobrang sama ng pakiramdam ko pero kailangan ko pang magtrabaho. Saglit lang akong naligo para guminhawa ang pakiramdam ko. Hindi puwedeng hindi ako pumasok ngayon at malaki na ang utang na loob ko kay Sybil na kahalili ko sa Convenience store.
Ilang beses na n'ya na-cover ang oras ko sa trabaho, nahihiya na ako at alam kong estudyante s'ya sa gabi. Hindi ko alam kung paano ipaaalam sa trabaho ang lagay ko ngayon, hindi pa ako nagtatagal sa trabaho ko roon pero heto ako ngayon...mukhang mapapa-aga yata ang pag-re-resign ko.
Nang makapagbihis ay agad na akong lumabas ng kwarto ko. Isang matalim na tingin naman ang tinamo ko mula sa step sister kong si Sophia, ewan ko ba kung bakit sa tuwing magkikita kami ay ang lamig ng pkikitungo niya sa akin. mas bata ako sa kniya ng dalawang taon.
Katabi niyang nakaupo sa sofa ang nag-iisang kapatid ko sa pangalawang asawa ni Papa na si Tita Carina, masyadong istrikta si Tita Carina pagdating sa akin pero pagdating kay Sophia at JR ay ang lambot niya. Sabagay, sino ba naman ako sa pamilya niya? kung tutuusin ay para akong outcast sa bahay na ito.
Ang totoo ay kay papa lang ako nakakaramdam nang pantay-pantay na pagmamahal para sa aming magkapatid, pero wala siya dito ngayon...mas pinili niyang magtrabaho sa labas n bansa para sa kapakanan naming lahat, na pamilyaa niya.
Lahat ng ginusto ng mga kapatid ko ay sinusunod ni Tita Carina. Lahat ng luho ni Ate Sophia ay ibinibigay nito. Nagkasya na lang ako sa mga pinagliitan at piaglumaang gamit nito, iyon ay kung meron. Kaya mas pinli ko ang mag-working student na lang para matustusan ko ang mga pangangailangan ko.
Hindi ko na lang pinasin si Sophia at nagpatuloy na sa pag-alis. Kailangan ko na mag doble kayod at mag-ipon para may maipantustos ako sa vitamins at pagpapa-check up ko. Ayoko ng umasa pa sa kahit sino lalo na kay Dave. Tama na ang sakit na naramdaman ko kaninang nagkita kami.
Pagkadating ko sa sakayan ay mabilis na akong pumara ng jeep, ayoko na masyadong mag-isip at dalhin sa trabaho ang dinaramdam ko. Ilang sandli pa ay nakarating na ako store, hindi kalayuan ang store sa bahay at kaya isang sakay ng jeep lang nandoon na ako. Maaga pa ako ng dalawapung minuto para sa shift ko kaya tutulong na muna ako kay Sybil, na naabutan kong nag-aayos ng shelf.
Hindi napansin ni Sybil ang pagdating ko, kaya naman tuloy-tuloy akong pumasok sa staff room para iwan ang gamit ko. Nagmamadali kong pinasok ang bag ko sa locker para makauwi na si Sybil na alam kong may klase pa.
"Ako na diyan, Sybil. Pwede ka na umuwi, kaya ko na ito." Mabilis kong kinuha sa mga kamay niya ang hawak niyang box.
"Maaga pa ah, bakit nandito ka na, Leigh?" manghang tanong niya sa akin. Sabay tingin sa pambisig na relo.
Ang cute lang pagmasdan ni Leigh, gandang-ganda ako sa Aura niya. Sobrang hinhin ng mga kilos niya na akala mo ay hindi makabasag pinggan. Araw-araw ay napapansin ko ang mga pagbabago sa kaniya, ayoko naman magtanong at panghimasukan pa ang personal niyang buhay.
"Okay lang, nahihiya na ako sa iyo at ilang shift ko na ang na cover ng oras mo, "
"Ayos lang, wala naman kami masyadong gawa dito,"
"I insist! sige na, ako na bahala dito. P'wede ka na umuwi." Inigaw ko ang isang pakete ng sigarilyo na hawak nito at inilagay ko sa shelf ang iba pang pakete ng sigarilyo na kanina ay inaayos ni Sybil.
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Sige na," pagtataboy ko pa sa kaniya
"Okay, tamang-tama may praticum kami ngayon. Salamat, Leigh." Nginitian niya ako at dumiresto na sa staff room.
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES : The Life I Chose (UNEDITED)
RomanceKailan nga ba masasabi na tama ang isang pagkakataon? O, kailan din nga ba masasabi na mali ang isang desisyon? At kailan din ba masasabi na mali ang isang relasyon? Iyan ang mga tanong na pilit hinahanapan ng sagot ni Leigh. Paano ba niya masasa...