Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko, sakay ako ngayon ng kotse na ipinahiram sa akin ni Ramn. Sa totoo lang, hindi ko na nagawang magpaalam pa sa kaniya, basta naisipan ko na lang umalis. hindi ko nga rin alam kung saan ako pupunta. Bahala na kung saan ako dalahin ng mga paa ko. Magulo ang isip ko. I felt guilty when Ramn is around me, masyadong nagugulo ang isip ko kapag kasama ko s'ya. Mali ang makasama ko siya, mali para sa amin ang lahat.
Namalayan ko na lang na nasa isang establisment na ako sa Makati. Hindi ko matandaan kung paano ako nakapunta sa lugar na ito, basta nag drive lang ako, ang alam ko lang ay minsan na akong nakapunta roon, kasama si Ramn. Mabuti na lang at hindi ako naligaw, kahit laking siyudad ako ay hindi ko nagawang galugarin lahat ng sulok nito.
Pinatay ko na ang makina ng sasakyan. Chi-neck ko muna ang wallet ko bago ako bumaba, may sampung libo rin ang laman nito, Salamat kay Ramn para sa lahat ng meron ako ngayon, dahil kung ako ang tatanungin, wala ako kahit na anong matatawag 'kong sa akin, kahit driver's license wala ako. Lahat si Ramn ang nagbigay, lahat si Ramn ang nag provide, ang lahat ay galing kay Ramn, lahat puro si Ramn at tanging kay Ramn lang umiikot ang buhay ko ngayon.
Naglakad na ako papasok sa isang single detached establisment. Maaliwalas ang labas nito, may mga halaman sa gilid nito at may malaking parking space, sa gitna nito ay may water fountain na talaga namang nakakaagaw ng pansin. All is screaming wealth and glam. Kung hindi dahil sa karatulang nagsasabing isa iyong Clinic ay hindi ko iisipin na isa iyong clinic ng isang sikat na psychiatrist sa buong kamaynilaan. Mas mukha iyong mini Hotel kung titignan.
Magbabaka-sakali lamang ako na makakausap ng isang doctor, kahit na sinong doktor na naroon. Hindi ko na kasi kinkaya ang bigat ng nararamdaman ko, gusto kong ilabas lahat. Tama si Ramn, I need Professional help.
Hindi naman ako nabigo at nakakuha ako ng slot para sa isang session ngayong araw. Maswerte ako at hindi ko na kailangan ng appointment, wala na rin kasi akong balak na bumalik pa pagkatapos nito. Once is enough for me. I need someone to talk to, someone that i barely known. Minsan mas masarap makipag-usap sa taong hindi mo kilala, that way i can show the real me.
Tumayo ako at lumapit sa bintana, kung saan ako dinala ng sekretarya ni Doctora Olive Ramirez, isang sikat at kilalang Psychiarist. Hindi ako mapalagay, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa ngayon. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, parang na-stress ako sa puntong ito ng buhay ko. Hindi ko pa yata kaya'ng isiwalat sa iba ang lahat ng pangyayari at bawat detalye sa buhay ko. Hindi ko yata kaya, kanina lang ay gustong-gusto ko ng kausap, ngayong narito na ko sa mismong loob ng clinic, parang gusto ko ng mag back out.
"Miss Annie Leighton Mercader?" lumapit sa akin ang isang babaeng nakasuot ng scrub Suit at may hawak na isang clipboard. "Puwede na po kayo'ng pumasok sa loob ng Clinic ni Dra. Ramirez," anito at iginiya na'ko papasok sa loob.
Minimalist type ang loob ng clinic na pinasukan ko, kumpara sa labas nito, masasabi kong simple at elegante ito. Ang cozy ng ambiance, busog na busog ang mga mata ko sa mga nakikita ko. Pagpasok pa lang ay umagaw na sa atensyon ko ang floor to ceiling na glass window, may potted plant sa tabi nito na nakadagdag sa maaliwalas na atmosphere ng silid. Mayroon ding isang bookshelf na puno ng libro at isang pang cabinet na pinaglagyan ng mga trophies at Achievements na natanggap ng doctora, sa gilid na bahagi.
"Paki hintay na lang po muna si Dra. Ramirez dito, nasa kabila lang po siya, maiwan ko na po kayo." aniya at ngumiti ng tipid sa akin.
"Okay, Salamat" isang tipid na ngiti rin ang isinukli ko sa kaniya. iginala ko pa ang mata ko sa loob ng opisina.
May isang mahabang couch na nakaharap sa isang kahoy na mesa na sa hinuha ko ay Narra at dalawang single sofa na magkaharap. Payak lamang ang ayos nito, bagay na hinangaan ko. Agad namang gumaan ang pakiramdam ko. Naupo ako sa isa sa mga singlr sofa na naroon. Ang komportable ng pakiramdam sa opisinang iyon, kasabay pa ng malamig na hangin na mula sa aircon. Inaantok ako bigla.
Bumukas ang pinto sa pumasok ang isang maganda pero petite na babae. nakasuot it ng white coat at sa hinuha ko ay si Dra. Olive Ramirez na. Nakangiti itong bumaling sa akin. Ang cute n'ya lang talaga. Pino ang kilos nito na at halata ng may sinasabi sa buhay.
"Miss Mercader? I'm Dra. Olive Ramirez," she extend her hands to me, ngumiti naman ako at inabot ang kamay nito. "Please, have a seat."
nanatili naman ako sa kinauupuan ko, inabot nito ang isang clipboard sa mesa at umupo sa katapat kong single sofa. Isa-isa niya itong binuklat at malakas binasa.
"Annie Leighton Mercader, 27--"
"Please, I'm not sick." putol ko sa pagbabasa niya.
Tahimik na lamang nitong binasa ang chart, siguro ay iyong pina-fill-up-an sa akin ng mga staff nito sa labas knina. Masuwerte ako at nakakuha ako ng slot ngayon, knowing Dra. Olive, lahat ng sessions na meron ito ay kinakailangan ng appointment.
"Wala akong sakit, It's just that I need someone to talk to...a friend perhaps, Just don't... i don't like to be treated as a patient, hindi pa ako nasisiraan ng ulo."
Ibinaba nito ang hawak sa mesa, l diretso na itong nakatingin sa akin. hindi ko alam pero parang bigla akong nahiya sa inasal ko.
"Okay, where should we begin?" she ask wryly.
Saan nga ba namin sisimulan?
"I... I don't know where to start, hindi ko alam kung paano ko sisimulan."
"Maybe, start introducing yourself to me. Mas kilala mo ang sarili mo kesa sa akin," she gave me a sweet smile.
Hindi ko alam kung bakit, nginginig ang maga kamay ko sa kaalamang kailangan ko pang ungkatin ang buhay ko, Just to ease what was in my head. I hate that thought.
"You know what i like about my job? kailangan ko lang makinig tapos nalalaman ko na ang lahat ng sagot sa pakikinig lang, that's what i love about it."
Inabot niya ang kamay ko at marahang pinisil-pisil. I felt somehow relieved. Para akong batang musmos na pilit na inaamo ng kaniyang ina. Because of that gesture, nawala lahat ng agam-agam ko at mas pinili kong mag tiwala na lang dito.
"Okay, let's start my story from where it all begins,"
Napalunok ako.. Walang sinuman ang nakakaalam sa lahat ng pinagdaanan ko. Mga pangyayari na nagdulot ng sakit sa akin. Mga sakit na kay hirap ng hilumin.
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES : The Life I Chose (UNEDITED)
RomanceKailan nga ba masasabi na tama ang isang pagkakataon? O, kailan din nga ba masasabi na mali ang isang desisyon? At kailan din ba masasabi na mali ang isang relasyon? Iyan ang mga tanong na pilit hinahanapan ng sagot ni Leigh. Paano ba niya masasa...