CHAPTER TWO

742 37 21
                                    

Chapter 2

"What happened after the proposal?"

Napaismid ako sa tanong ni Dra. Olive. Paano ko ba mai-kukuwento sa kaniya ang mga pangyayari after the proposal, na hindi ako nasasaktan? paano ko ikukuwento kung saan nagsimulang maging miserable ang buhay ko.

"Kim and Dave... uhm, naging magkaibigan sila, wala naman na magagawa si Kim, pareho silang mahalaga sa buhay ko that time. Ayokong pareho silang mawala. Until this Day happened."

********

"Leigh, Leigh! Gising!" napabalikwas ako dahil sa malakas na pagyugyog sa akin ng kaibigan kong si Kim. Isang yugyog na nagpagising at nagpabalik sa aking katinuan.

Heto na naman ako! Panaginip na naman pala. Isang magandang panaginip ang naunsiyame. Akala ko totoo na, akala ko totoong nag-propose na si Dave sa akin. Wala sa sariling napatingin ako sa mga daliri ko. Wala. Wala akong sing-sing na suot, nagpapatunay lag na isang panaginip lang ang lahat. Bakit ba ang unfair ng mundo para sa akin?

"Leigh, ano bang nangyayari sa'yo, ha? lagi ka na lang nakakatulog sa klase ah, muntik ka na nga makita ni Pro. Salinel" inis na Sita nito sa akin.

"Napagod lang siguro ako, alam mo naman na hanggang alas dose ng umaga ang shift ko, anong oras na ako nakakatulog" tugon ko.

"Kahit pa, kung hindi mo kayang i-balance ng sabay ang pag-aaral at pagtatrabaho, mag quit ka na. Willing naman kita pautang in ayaw ko naman!" inis pa rin ito bagamat mahihimigan mo sa boses ang pag-aalala.

Isa iyon sa mga pinaagusto ko sa ugali ng kaibigan ko, masyado itong malambot pagdating sa akin. Kahit na pilit niyang itinatago ang kalambutang meron siya, hindi maaalis ang pagiging mabait nito. kakaiba sa mga anak mayaman na ka-eskuwela namin. Kim is more than a friends to me, she is the sisiter that i never had.

Lately kasi ay lagi na lang akong nakakatulong sa mga klase ko, this day is the worst. Isa kasi ang klase ni Prof. Salinel na nanganganib na akong lumagapak. Hindi ko kasi mapigilan ang antok ko, may hangover pa ako sa puyat at pagod sa nagdaan trabaho ko.

Nagtatrabaho ako bilang isang cashier sa isang Convenience store, na kilala na bilang isa sa pinakadinadagsang pamilihan ng mga mamahaling sigarilyo sa buong lugar.  Halos puro mayayaman din ang customer dito. 24hrs. na rin kasi itong bukas,  kaya kinailangan na magdagdag sila ng tauhan. Masuwerte ako at isa ako sa mga natanggap sa dami ng mga kasabayan ko na nag-apply. 

Kinailangan ko na kasing mag working student. Hindi na ako kayang pag-aralin ni Papa at lahat ng kinikita nya sa pagtatrabaho ay iniintrega niyang lahat sa stepmother ko. Ngayon ay umaasa na lang ako sa susuwelduhin ko sa Convenience store para sa mga pangangailangan ko. Mayroon pa rin naman akong Full scholarsip kaya hindi pa ako masyadong hirap sa tuition fee. Iyon ay kung hindi mabawi sa akin ito.

May mga palyado na akong grade na sa tingin ko ay kaya ko pang habulin, pero kay Prof. Salinel mukhang tatagilid ako ng wala sa oras. Mabuti na lang at nag dismiss na ang klase nila. hindi siya nahuling natutulog sa klase, salamat kay kim. Nag-aayos na kmi ng gamit ng mag salita na naman ito.

"Baka napupuyat ka lang kaka-date ninyo ni Dave? at pang front mo lang sa akin yang trabaho mo?" usisa ni kim sa akin.

Napabuntong hininga ako, bakit feeling ko, against si Kim sa  amin ni Dave? I gave her a cursing look.

"What?!" manghang tanong niya. "Kanina pa kita nahahalata ah, baka may ginagawa na kayong milagro at kahit sa panaginip mo dala mo!" sikmat niya  sa akin.

"Masyado ba'ng obvious?" nakangiti ng tanong ko. Ang sarap lang nitong asarin. "Gutom na ako."

"Don't tell me buntis ka?!" asik niya sa akin. nanlalaki pa ang mata nito. 

Buntis?

Bigla akong kinabahan, delayed nga pala ako. hindi pa nga pala nababawasan ang stock kong napkin s bahay. Expected kong Last week ang dating ng monthly period ko. Bakit ko nga ba inaakala yun? nangyayari naman na ma Late ng dating, isang linggo palang nmn.

"Sira! hindi no, ang OA mo naman," sabi ko na lang.

Sa totoo lang kinakabahan ako, ngayon ko lang naisip yun. Ilang beses na rin na may nangyayari sa amin ni Dave, hindi ko nmn pinagsisissihan iyon at ginusto ko rinnaman. That's what love can do to me. I can surrender myself  easily to the man i love without thinking of the concequences after all.

Pinag-isipan ko nmn mabuti ang lahat bago ako pumayag. Hindi ako gagawa ng desisyon na makakapahamak sa akin, lalo na sa pag-aaral ko. Gusto kong makatapos para kay tatay. At kung sakali na may mabuo kami ay nangako at handa naman akong panagutan ni Dave. Graduating na si Dave ilang buwan na lang, after noon ay kailangan niyang mag review para sa darating na Board exam at pagpumasa siya ay magiging isa na siyang Engineer. ako naman ay magiging asawa ng isang Engineer. Asawa ni Engr. David Montecillo. Ang sarap lang pakinggan.

"Tara na, gutom na ako, saan tayo?" anyaya ko sa kaniya. Gutom na talaga ako.

"Pass muna ako, I need to check on my cousin. Bagong transfer yun dito, baka nangangapa pa si Riley."

"Eh 'di, isama natin!" pangungulit ko.

"'Wag na, masyadong boring kasama yun. Una ka na lang sunod na ako, bye!" humalik pa ito sa pisngi ko bago umalis.
Matapos maayos ang gamit niya ay basta nalang ako iniwan. ang galing!

Naka-transfer na pala ang pinsan niya na madalas niyang ikinukuwento sa akin, a Brother kim never had. Solo kasi siyang anak kaya malapit ang puso niya sa katulad naming mababa lang. napangiti ako sa isiping iyon. I am Lucky to have kim as my friend. 

kaya nang matapos kong ligpitin ang mga gamit ko ay napagdesisyunan ko na umalis na. Gutom na rin ako kaya nag punta na Kao sa canteen para kumain.

habang kumakain ay hindi pa rin mawala sa alalahin ko ang sinabi ni kim kanina, paano nga pala kung buntis ako? parang hindi pa ako ready. bigla akong natakot ng maisi ko iyon. Nag mental note na lang ako nabago umuwi ay bibili ako ng pregnancy test. mabuti na yung sigurado para mapaghandaan pa ang mga susunod na mangyayari.

WIFE SERIES : The Life I Chose (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon