CHAPTER THREE

688 42 38
                                    

Chapter 3

It's Dave's Graduation day. May celebration sa bahay nila. Sa mga sandaling ito, for sure ay nagkakasiyahan na sila. Hindi na ako nag-abalang pumunta pa, hindi rin naman niya ako inimbita. Alam ko na ipinaiiwas niya lang ako sa nanay niya. Ayoko rin naman na magkasalubong kami ni Tita Carina. Hindi ko rin naman kasi kayang tagalan ang mga titig nito, iyong tipo na parang gusto na akong kaninin ng buhay sa tuwing naroon ako sa kanila.

Kagabi pa ako hindi mapakali.  Isa pa, hindi rin maganda ang pakiramdam ko. Umaga pa lang ay duwal na ako ng duwal, masakit ang ulo ko at nahihilo ako. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko para i-text na lang si Dave. Kailangan ko na talagang makita siya, hindi ko na dapat pang pinatagal pa. Buo na ang pasya ko'ng makipagkita sa kanya. It's now or never.

Pinilit ko ang sarili ko na pumunta sa Park na madalas naming puntahan para makipagkita sa kaniya. Mas kinakabahan ako sa magiging reaction ni Dave. Hawak ko ang pregnancy test na ginamit ko para makumpirma ang hinala ko. Hindi lang isa kundi tatlo ang sinubukan ko. Pinakatitigan ko'ng maigi ang dalawang guhit na pula rito na akala mo'y mabubura ko iyon sa pagtitig na ginagawa ko, pero hindi. Hindi mabubura ang mga linya na katibayan at patunay ng pagkakamaling ginawa ko.

Minsan naisip ko na sana isang linya na lang sana para walang problema, pero nandito na ito...blessing para sa amin ni Dave. Kailangan na lang na tanggapin. Pareho naman namin ni Dave na ginusto ang kung anumang ito. Siya na lang ang kailangan na alalahanin ko, paano kung hindi niya tanggapin? paano kung iwan niya ako sa ere? hindi ko maiwas pero iyon ang pilit na sumisiksik sa isipan ko.  ganito ba talaga ang  nagbu-buntis, paiba-iba ng emosyon.

"Babe!"

Napalingon ako sa taong nagsalita sa likuran ko, Kilala ko ang boses na iyon. Si Dave. Nakangiti siya habang papalapit sa akin. Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko, sa totoo lamang ay gusto ko na lagi siyang nakikita at nakakatabi lang siya sa maghapon, pero hindi pwede. Kailangan ko lang makuntento sa kung ano'ng meron kami sa ngayon.

Agad na hinalikan n'ya ako sa pisngi nang makalapit siya sa akin, isa sa mga gesture na nagustuhan ko sa kaniya. Napaka-sweet niya at hindi nakakalimot na humalik sa akin sa tuwing magkikita kami. Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. He smelled of liquor. Naaamoy ko pa ang amoy-alak sa hininga niya ng halikan niya ako. Isa sa pinaka-ayaw ko'ng gawain niya, ang pag-inom ng alak. Hindi ko na lang pinansin at sumandig  na lang ako sa balikat niya. Ang sarap sa pakiramdam when Dave is always beside me. Sana nga ay gumaan na ang pakiramdam ko.

"Bakit hindi ka nagpunta? hindi ka na nga sumama sa sa Graduation ko hindi ka pa pumunta sa bahay para sa celebration ko" malungkot na wika nito. " May problema ba?"

Nginitian ko siya ng mapakla. "Wala, masama lang ang pakiramdam ko," nainis na sabi ko. 

"Bakit nakipagkita ka pa dito sa akin? sana nag pahinga ka na lang" nag-aalalang wika niya.

Hindi ko alam kung paano sisimulan. Ang totoo, nainis ako sa kaniya. Nakuha pa niya ako'ng tanungin gayong hindi naman niya ako inimbita. Hindi naman ganoon kalakas ang loob ko na pumunta ng hindi niya alam at hindi naimbita.  Napabuntong hininga na lang ako, baka kung ano pa ang masabi ko sa kaniya. 

"May kailangan ka kasing malaman," mahinahong sabi ko sabay abot ko sa kanina ko pang hawak na pregnancy test.

Napakunot ang noo niya. Hindi ko inaasahan na ganoon ang magiging  reaksyon niya. Para pa nga'ng ayaw niyang abutin ang inaabot ko sa kaniya. Nandidiri ba siya? I'm starting to get nervous, the way he acts seems like he's againts it. Hindi ko na gusto ang hilatsa ng mukha ni Dave.

"A-ano to?" tanong niya. "Joke 'to, right?

Parang gusto ko'ng magmura. Sa lagay ko'ng 'to mukhaba ako'ng nag jo-joke lang? Hindi ba obvious na pregnancy test kit iyon? at may dalawang lines?

"It's positive. I'm pregnant! magiging Daddy ka na, Dave!" I smiled. Pilit ko'ng pinasaya ang boses ko, kaiba sa itsura ni Dave. I knew it, hindi nga ako nagkakamali. He's not Yet ready for it, and I saw it in his eyes. kasabay ng unti-unting pagkawala ngpinipilit ko'ng ngiti.

Matagal na katahimikan ang lumukob sa aming dalawa. Hindi ko alam kung paano o ano ang dapat gawin, kung paano ako kikilos sa harap ni Dave. Naramdaman ko na lang ang pamamasa ng mga pisngi ko. wala ako'ng masabi, masyadong mabilis ang mga pangyayari. I composed myself, trying to ease away the pain that was about to burst inside.

Tumikhim ako, pambawi sa pagkapahiya na nararamdaman ko ngayon. Expected ko naman na ganito ang magiging reaksyon ni Dave, pero bakit ang sakit? masakit tanggapin na hindi niya kami kayang panindigan ng magiging anak namin. I guess, that's it! Goodbye Dave na. Dapat ko na rin sigurong harapin ang kalagayan ko ng ako lang mag-isa.

I'm about to leave when Dave calls me and pulls My arm "Leigh, wait!" He pulls out his wallet into his pants and handed me some cash. Pilit na niyang isinisiksik sa palad ko ang perang hawak niya. "Next time na natin pag-usapan 'to, mag pa-check up ka muna, siguraduhin mo kung positive ya--"

"Hindi ka pa ba kumbinsido na buntis ako?" Inis na sabi ko.

"Hindi naman sa gano'n kaya la--"

"Kaya lang ano? Hindi mo ako kayang panindigan, ganon ba? kami ng magiging anak mo? O baka naman gusto mo lang itanong na baka hindi ikaw ang ama?"

"Just wait for my call, okay!" Aniya bago dahan-dahan lumabo na sa paningin ko ang bulto ni Dave.

Doon na ako biglang  napahagulgol. Hindi ko na napigilan pa. I cried my heart out. Inilabas ko na ang lahat ng sama ng loob ko sa pamamagitan ng pag-iyak ko. Ganoon na lang. Ganoon na lang kabilis  ako'ng iniwan ni Dave sa park na ito ng nag-iisa.

Pakiramdam ko, isa akong basahan na basta na lang itinapon sa isang sulok. Kung sana ay inunahan ko ang pag-alis ni Dave, baka hindi pa ganito ang mararamdaman ko.   

Ito ang isa sa pinaka-ayaw ko'ng maramdaman, ang iwan ng mga taong mahalaga at malapit sa akin. To be left alone, numb, dumb and broken.

WIFE SERIES : The Life I Chose (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon