Chapter 20

647 21 0
                                    

LUMABAS naman ako sa bahay at linapitan si Caliever na ngayo'y nagwawala para makausap ako. Sumama lang sa akin si kuya. Nakangiti naman si Caliever nang nakita ako aakmang yayakapin ako pero lumayo ako sa kanya.

"What are you doing? Hindi ka dapat nandito."

"I want to explain everything to you, just listen to me right now please?" I rolled my eyes to him and crossed my arms.

"Why do I listen to you? Again, you are with Alystrid"

"She's just my friend and–" napatigil naman siya sa sinabi niya nang sumuka ito sa gilid at biglang natumba.

"Cal? Hoy Cal, kuya help!" binuhat naman nila kuya si Cal at inihiga nila ito sa sofa. Agad na rin akong nagkuha ng panyo at mild na tubig sa maliit na timba para ipamunas ko sa kanya.

Naghintay lang ako ng ilang oras na magising siya, idinilat naman nito ang mga mata niya kaya nakangiti lang ako sa kanya. Babangon sana siya pero bigla ko siyang pinigilan at pinahiga muna.

"Kailangan mong magpahinga. You're so drunk, masakit pa ang ulo mo. I'll give you a tea na pampawala ng hang over mo. Inuutusan ko pa si yaya kaya antayin mo na lang. Saka may pagkain rin akong niluluto para sayo–" my eyes went wide when he kissed me.

Tiningnan naman niya ako at para akong baliw na nakatulala.

"I miss you" saad niya habang nakangiti.

"Hoy Caliever, hindi kita pinayagan na pumunta dito para halikan sa harap ko ang kapatid ko. And Grace, don't worry about him he's alright." tumawa naman ako sa sinambit ni kuya.

"Miss, ito na po yung tea" tinanggap ko naman yung tea na binigay ni yaya at bumangon si Caliever saka ko binigay sa kanya ang tea.

"Osiya nga pala, aalis muna ako may aasikasohin lang ako. Caliever, wag mong bibigyan ng sakit ng ulo ang kapatid ko" saad ni kuya habang hinalikan ako sa noo.

"Sure. Thanks, Vlad" umalis naman si kuya saka ko binaling ulit kay Cal ang tingin ko.

"May gagawin lang ako" tatayo na sana ako ng hinawakam niya ang braso ko.

"Please, let me explain" I took a deep breathe.

"Okay" maikling sagot ko sa kanya.

Nilagay naman nito sa mesa ang baso at hinawakan niya ang kamay ko.

"Hahawakan ko lang baka tatalikuran mo ako." hindi ako sumagot.

"Gracey, it's time to let you know the whole truth. I left you because my mom needs me, I didn't bother to say goodbye to you dahil akala ko makakabalik ako. Pero nung babalik na sana ako sa Russia, hindi na ako pinabalik ni dad dahil kailangan niya ako. At oo, dito na ako nakapagtapos mg college. Hindi ako ulit nagmessage sayo dahil hinanap ko ang mga social accounts mo kaso hindi ko mahanap. Nang nabalitaan kong nandito ang kuya mo sa Pilipinas agad ko siyang pinuntahan pero ang sabi niya sa akin, wala siyang masyadong balita sayo dahil ayaw mo na kausapin ang kuya mo nung mga panahon na iniwan kita.." napatigil lang ako at nakikinig lang sa mga sinasabi niya.

"Maniwala ka man o sa hindi bumalik ako sa Russia para puntahan ka pero nung mga kakilala mo dun sinabi nila na wala ka ma raw dun sa Russia hindi nila alam kung saan ka nagpunta. At dun ko naramdaman na sobra na ang galit mo sa akin. Masaya ako nung nabalitaan ko na bumalik ka dito sa pinas nung nagkita tayo ulit sa cruise pero hindi ko na kinapalan ang mukha ko para kausapin at mg explain sa lahat dahil alam kong hindi mo rin naman ako paniniwalaan. I know you Grace."

"But then when I realized how much I want to talk to you, hang out with you, laugh with you I said to myself that I have to do something. Not until you said that everything that I planned won't work. But Grace, promise me yung unang nag away tayo about sa plans ko hindi na talaga yun kasama sa plano ko wala na akong pakialam kung hindi mo ako mapapatawad kasi.." my heart stopped for a moment when he is about to say something that would make me happy.

"I know in my heart that the woman that I left before, I love her. I love her so much, even though she's my bestfriend. And honestly, that kissed was the one made me realized that I'm falling in love with you Grace" hinimas naman nito ang pisngi ko at dun ko na lang napansin na umiiyak na pala ako.

"I love you" I didn't hesitate to kissed him, niyakap naman niya ako habang hinihimas ang likod ko.

"I love you too Cal"

FEW DAYS AGO, Caliever is now courting me. Hindi ko siya sinagot agad dahil alam kong marupok ako pero hindi ako ganun kamarupok.

Kuya is happy about us kasi napagod na raw siyang tulungan si Caliever para mapansin ko siya. Nakakatuwa lang rin syempre.

"Morning Ms. Ivanov" ngumiti naman ako nang tinawag ako ng sekretarya ko na may dalang pagkain.

"Oh hi, ano yan? Saan galing?" nilapag niya ito sa mesa ko.

"Pinapadala mo ni Sir Caliever sabi niya hindi na raw siya papasok dahil may aasikasohin raw siya." tumango lang ako sa kanya at nilabas yung mga pagkain na nasa loob ng paper bag.

"Thank you" tumalikod naman siya sabay alis sa opisina ko. Nakakita naman ako ng letter sa loob kaya pinulot ko ito bago ko binasa.

I cooked that for you, it's your favorite food and of course, a drink. I hope I made your day. See you later I'll be at your place. I love you.
                                           – First of all it's Cal

Ngumiti lang ako habang binasa yung letter. Maya maya ay nagring ang phone ko, unknown number.

I don't know why but I have a feeling na parang mat masamang mangyayari. Dahan dahan ko lang na sinagot yung tawag at bumuntong hininga ako.

"Hello?" mahinang sambit ko.

"Wow, it's nice to hear your voice again Grace Ivanov. I missed you, so how months left? 13 months.."

Oh no.

Obsession Series 3: Caliever Roztov Where stories live. Discover now