liham (huling hiling)

0 0 0
                                    

Ipinadala sa akin ni Tita Esme ang mga regalong inipon ni Dave simula nang maghiwalay kami. Hiling ni Dave na ibigay lamang ito kapag nawala na siya sa mundo. Kasama rito ang isang liham.

"Mahal,

Pasensya na kung sa ganitong paraan mo pa ako maalala muli. Andami kong gustong ipagpahingi ng tawad sa'yo at hayaan mong sabihin ko lahat 'yun sa liham na ito.

Pasensya na kung hindi ko sinasabi sa'yo ang hiling ko sa tuwing hihiling tayo sa mga bituin. Ayaw ko lang din na hindi magkatotoo ang hiling ko dahil naniniwala pa rin ako na natutupad ang hiling sa mga bituin. Pero dahil binabasa mo na ito, sasabihin ko na sa'yo ang hiling ko. Ang hiling ko ay sana, gumaling na ako sa sakit ko. Meron akong Carcinoid syndrome, bihira lang ang tinatamaan nito at mahirap ang gamutan. Ang akala ko na normal asthma pala e isa na pala sa mga sintomas. Pasensya na kung inilihim ko ito sa'yo, marami ka na rin kading problema kaya ayaw ko na rin dumagdag pa sa mga iisipin mo.

Kaya sa bawat gabi na humihiling tayo sa mga bituin, paulit-ulit ko rin na hinihiling na sana gumaling pa ako o makasama pa kita ng matagal dahil gusto ko rin matupad ang hiling mo na sana maging tayo pa hanggang dulo.

Pasensya na kung iniwan kita, pumunta kami sa ibang bansa para gamutin ang sakit ko. Hindi ko na naipagpaalam sa'yo. Sobrang hirap pero kailangan gawin para sa'yo.

Ngayon na nababasa mo ito mukhang hindi nagkatotoo ang hiling ko sa mga bituin. Pero may isang hiling pa ako,  sana kahit wala na ako maniwala ka pa rin sa paghiling sa mga bituin. Dahil nawala man ako ngayon naniniwala akong ikaw pa rin ang mahal ko at mamahalin ko hanggang dulo. Mahal na mahal kita JC.

                                                                 -Dave"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mabilisang KwentuhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon