Awa

4 0 0
                                    

Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Parang ayaw na ata matapos sa pagbuhos.

"Hindi na kita mahal, ano bang mahirap intindihin doon? Wala akong iba, sadyang hindi na kita mahal James. Kaya tama na, tumayo ka jan." Aktong hahawakan ko na ang braso ni James para itayo siya sa pagkakaluhod niya pero itinaboy niya ang mga kamay ko.

"Hindi, huwag mo akong iwan Mae, ginagawa ko naman lahat ng gusto mo, at handa pa akong gawin lahat para sa'yo" Pagmamakaawa niya sa akin.

Ayaw ko siyang nakikitang ganito. Pero ayaw ko naman pilitin ang sarili ko na mahalin pa siya. Punong-puno ng emosyon ang paligid na para bang hindi na ito matatapos.

"Wala na akong magagawa James. Nagmamahal tayo ng walang dahilan, na hindi natin alam kung bakit minahal natin ang isang tao, kung bakit minahal kita. Siguro pwede rin na mawala ang pagmamahal na hindi natin alam ang dahilan. Dahil 'yun ang nararamdaman ko ngayon James. Hindi na kita mahal." Binigkas ko ang bawat salita  na sa paraang maririnig niya ang bawat letra.

"Pero Mae... "

" James tama na, nakikita mo ba ang sarili mo ngayon? Gugustuhin mo na lang ba na maging tayo dahil naawa ako sa'yo at hindi dahil mahal kita? Ayaw ko na pilitin ang sarili ko sa'yo James, sa isang bagay na wala ng pag-asa. I loved you James, sadyang hindi ko lang alam kung bakit hindi na kita mahal ngayon kung gaano kita minahal noon. "

Mabilisang KwentuhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon