Aminin

4 0 0
                                    

"Ma may aaminin po ako sa inyo, huwag po sana kayong magalit o magulat." Aniya ni Christine habang nagdadalawang-isip.

"Ano 'yun anak?" Pagtatanong nito sa kanyang anak. Itinigil niya muna ang kanyang ginagawa at inihanda ang sarili sa maririnig niya mula sa kanyang anak.

Ngunit dala ng kaba hindi na napigilang magtanong ng nanay ni Christine sa kanya.

"Buntis ka ba anak? Ano ba 'yun?" Aniya nito.

"Kasi po..." Pagpapatuloy na sana ni Christine ang kanyang sasabihin ng biglang may kumatok sa kanilang pinto.

"Teka anak, may bisita ata." Dali-daling dumiretso sa pintuan ang kanyang nanay.

"Jessica ikaw pala pasok ka... anak andito si Jessica " pagtawag ng kanyang nanay kay Christine.

"Bakit andito ka? " pagtatanong ni Christine kay Jessica.

"Hindi ba sinabi ko sasamahan kita sa pag-amin mo nito sa mama mo" pagsagot ni Jessica kay Christine na mas nagpagulo sa isipan ng kanyang nanay.

" Anak, Jessica ano ba 'yun? Kanina pa hindi masabi sa akin ni Christine e" Pagdududa nito.

Walang anu-ano'y nagsalita si Jessica.

"Tita, magkarelasyon po kami ni Christine. "

Mabilisang KwentuhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon