Andrea

1 0 0
                                    

"Nakita kita kahapon kasama mo si Jessica, tapos kanina si Ana naman. Sino ba sila sa'yo?" Pagbungad ni Andrea kay Lenard.

"Mga kaibigan ko sila, masama ba na kasama ko sila?" Sa sagot ni Lenard ay may ibinato rin si Andrea na tanong sa kanya.

" Oo, masama kasi nagseselos ako." Pagtatapat ni  Andrea.

"Ha? Anong ibig mong sabihin Andrea? May gusto ka sa akin? Pero alam mo naman... " Walang mabigkas na tamang salita si Lenard dahil sa mga narinig niya.

Punong-puno ng tanong ang isip ni Lenard, Kaibigan lang at halos kapatid lang ang turing niya kay Andrea.

"Oo, alam ko Lenard. Mahirap tanggapin pero hindi ko mapigilan. Mahal kita, anong magagawa ko?" Mangiyak-ngiyak na pagsambit ni Andrea sa harap mismo ni Lenard.

Lalo pang lumapit si Andrea kay Lenard at aktong yayakapin ito ngunit pinangunahan na siya nang pag-iwas ni Lenard.

"Andrea, sis hindi tayo talo. Bakla ako. Lalaki rin ang gusto ko."

Mabilisang KwentuhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon