bituin (hiling 2)

0 0 0
                                    

Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nang maghiwalay kami ni Dave pero walang palya pa rin ako sa paghiling sa mga bituin gabi-gabi. Masyado pa rin akong umaasa na maging maayos ang lahat. Kahit bumalik man lang sana siya para magpaliwanag kung bakit siya nawala ng gano'n-gano'n na lang?

"Sabay tayong pumikit at humiling sa mga bituin ngayon mahal ko." Mga salita na palaging binabanggit sa akin ni Dave kapag pareho kaming nakatambay sa labas ng bahay nila at nakatulala sa kalangitan.

Palagi ko siyang tinatanong kung anong hinihiling niya sa mga bituin, pero ayaw niya sabihin dahil baka hindi raw magkatotoo. Ako naman sinasabi ko sa kanya na sana pareho kami ng hinihiling na sana kami talaga hanggang dulo.

Bigla na lang din nagbago ang lahat nang bigla hindi na nagparamdam sa akin si Dave. Ang isang araw ay naging mga buwan, at hanggang sa naging taon. Sobrang hirap makalimot at umabante lalo na kung hindi mo alam kung dapat mo na ba siyang kalimutan o ilalaban mo pa. Bigla siyang nawala na hindi ko alam kung kami pa ba o hindi na.

Wala siya, siguro nga dapat kong isipin na hiwalay na kami.

"Anak, anong oras na pumasok ka na dito gabing-gabing na e nasa labas ka pa rin." Sa araw-araw ko na ginagawa ito si nanay hindi pa rin nasanay.

"Opo, 'nay" agad na pagsagot ko sa nanay.
"Pumasok ka rito anak, bilisan mo may tumatawag sa selpon mo." Teka, sinong tatawag ng ganitong oras?

Dali-dali akong pumasok. Narinig ko nga na tumutunog ang ringtone ng aking selpon at sinagot agad ito kahit hindi pamilyar ang number na tumatawag.

"Hello, sino po sila?" Agad na tanong ko sa tumatawag.

"JC, ang tita Esme mo ito..." Hindi pa tapos magsalita si Tita Esme ay nagsalita na ako, dala na rin siguro ng pagkagulat.

"Ahh... Hello po tita, napatawag po kayo?" Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako.

"Si Dave wala na..." Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng mga luha ko matapos kong marinig ang mga sinabi ni Tita Esme. Wala na akong ibang narinig matapos nito. Nabalot ng katahimiman ang paligid. Wala na siya.

Mabilisang KwentuhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon