*************†**************
Eula's POV
". . .My ghad! Eugene Lassandra!! Geez!! Sa lahat ng tao bakit si Pipperoni ko pa!? Hindi ibig sabihing hinahayaan kitang pagpantasyahan si Pipperoni ko may paganun ganun na kayo!! At for all the timing timing ,kasama pa si Dad sa nakakita!? Alam mo bang pwede kang ma-expel sa ginawa mo ha!? Tengnang libog meron ka vestprend!! Naka-ilang rounds kayo ha? Pacheka naman. ."
Pagkatapos ng mahaba-haba niyang speech eh ora orada ko siyang finull swing.
"Araay!! Aba! Namimihasa ka na ha! Porke't nahawaan mo na si Pipperoni ko ng kung anong virus meron ka pwede mo na kong mabatuk batukan!"
"Sshhhhh!! TAHIMIK!!"
Tumahimik na din naman siya kaya nagpatuloy na ko sa paglalakad. Isang linggo na din mula nung makita kami nila Vio doing you know what ,with you know who.
Pinatawag Kami syempre.
Ako naman tong si parang tanga eh tahimik lang ng nag uusap sila dean at dyosa my labs. Hindi ko nga halos narinig ang pinag usapan nila dahil walang wala ako sa hwesyo ng panahon na yun.
Sinong makakapag isip ng matino kung muntik kanang magahasa ng crush mo! My gahad! Tulala lang ako buong oras sa detention room ni hindi ko nga magawang tumingin sa dyosa my labs ko.
Napag alaman din na siya at ang gang na Reaper's Apprentice ang may kagagawan ng marathon ni Manong Bulldog. Kaya sama-sama Kami sa loob ng detention room sa mahigit kalahating araw.
Pero ang pinagtataka ko eh di man lang sila pinagalitan ng Dean at dineretso lang kami doon sa mabahong Lugar na yun.
O siguro amoy lang yun ng mga kasama namin.
Pagkalabas na pagkalabas namin ay agad akong pinutak putak ng biatch na to. Ngayon nga yung eksaktong pang isang linggo na kakadak dak niya. Simula din ng araw na yun lahat ng estudyante binibigayan na ko ng special treatment.
Oo maganda ako pero naisip ko kung bakit nila ginagawa yun
Dahil ba maganda ako? O magandang maganda ako? Ang hirap talaga isolve ng logic.
Pero naisip ko rin na baka nga dahil sa na-detention ako. Dito kasi ,the cooler you are ,the higher respect students give you.
Panu maging cool sa SU?
5 ways.
1st: Be a Jock
2nd: Be a daughter/son of a billionaire (be their pet)
3rd: Bully everyone
4th: Involved your self with trouble/be with a gang
5th: Get Pipper Grey's attention (even just once)
Hindi ko lang alam kong saan sa lima bakit nila ako sinasamba.
"Kame hame full swing!!"
Booogsshh!!
Natauhan ako ng bigla akong batukan ng kung sinong hayop.
"Haarrray!!"
"Wag na wag mo Kong maiwan sa kung saan man yan papuntang planeta yang pag iisip mo Eugene Lassandra! Naku!" nakaduro niyang sabi sakin.
"Tumigil ka na nga Vio. Wala ako sa mood okay?"tumalikod ako sa kanya at umupo sa isang bench malapit sa garden ng SU. Nakita ko namang sumunod siya na nakapamewang.
"Anong drama yan ha!?"pabagsak siyang umupo sa tabi ko.
"Gulong gulo lang kasi ako Vio ,please kahit ngayon lang naman oh" pagmamakaawa ko.