**********Eula's POV
Isa isa kong hinagis ang mga damit na nakatupi sa loob ng closet ko.
"Waaaah!! Asan na yun?!"
Tapon dito tapon dito ang ginagawa ko."Bwehehehehe."agad kong inangat ang bagay na kanina ko pa hinahanap na nahanap ko din.
"Walang makakaagaw sayo ,sakin dyosa my labs ,yow mine . . Bwahahahaha!!"
Nagbihis ako ng mabilis at patakbong pumunta sa unang clasi ko ,kung saan classmates kami ni dyosa my labs.
Agad akong umupo sa upuan ko at luminga linga. Lima palang kaming nandito. Isang nerd na nakaupo sa pinakaharap ,dalawang magkalandian na naglalaplapan sa kanang bahagi at isang tulalang adik na tawa ng tawa na umuupo sa malapit sakin. Bakit kaya napunta ako dito?
Kasi nga maganda ako. Yun yun .
"Booom!!" biglang sigaw ng adik kaya napasigaw din ako. Lumingon ako sa kanya at nakitingin ito sakin at malakas na tumawa.
"Kaltukan kita diyan eh" tumigil naman siya sa pagtawa at masamang tingin ang pinukol niya sakin. "Ano? Lalaban ka?"
Umiwas siya ng tingin at bumalik sa pagkatulala at tumawa ulit ng tumawa.
May nagsidatingan na ding iba. Apat na babae at limang lalake. Isang grupo sila at umupo ng magkakatabi.
Habang tumatagal ay umiingay ang loob ng classroom . At yung nerd na kaninay tahimik na nagbabasa ,nakikihithit na din sa mga kasama niyang nerd din. Ibang klasi talaga dito.
Binuklat ko ang librong nasa harap ko kunwari nagbabasa pero bukas ang tenga ko sa chismis. Napingisi ako ng may madetect ang chesmax detector ko.
"Guys ,narinig niyo ba ang latest news ngayon?"sabi nung isang lalake na mula dun sa grupo na super arte ng tuno. Bakla yata.
Narinig yata ako kaya . ."Kabaklaan mo talaga ,Nguyen "at pinagtawanan nila yung Tinawag nung babae na Nguyen. Ano namang klasing pangalan yun.
"Spyuk na dyugels"sabi ng kasama nilang binabae ,na magsalita kana bakla yata ang ang meaning kasi dumakdak na yung naunang bakla.
"Naalala niyo ba yung Hanna Escobar? Yung co-captain ng girls basketball team noon?"
"Wag pabitin bakla ,you will tanggap batok to me maya ,continuing . .?" sabat naman ng paconyong maarteng babae na mukhang tinapay ,mukhang kasing ensaymada madaming asukal sa mukha.
"Yun nga diba? Si Hanna nung baseball team?" tsaka tumili ng nakakairita. "Bumalik na siya!!"sigaw niya sabay kaway kaway ng kamay parang excited na excited .
Tumahimik naman ang buong classroom .
Ok ,wachagon on? Sinong Hanna yan at mukhang sikat yun ah.
Nagkatinginan naman silang lahat at mukhang nagkakaintindihan naman dahil napatungo sila. Pati na rin yung baklang tiling tili. Yung adik na katabi ko naman napatahimik. Naguguluhan kong nilibot ang tingin ko at nakita kong hindi lang sila ang tahimik ,kundi lahat ng nasa loob ng classroom .
Ng mapatingin ako sa pinto ,nakita ko si dyosa my labs kaya di ko naiwasang mapangiti.
Nakatungo parin ang lahat ng Magda umpisa siyang maglakad papunta sa tabi ko na upuan niya. Sinundan ko lang siya ng tingin.
"Anyone in this room ,or anywhere outside of this place ,that will speak about that bitch . . Will be punish ,and suffer for the action ,understood?!" ma otoridad niyang sabi.