Chapter 9

147 7 6
                                    

***********

Violet's POV

“Dalhin mu nayan sa pinsan mo ,make it fast” utos sakin nii Dad.

Tumalikod na ako sa kanya at lulugo lugong binuksan ang pinto.

“I said make it fast ,Violet. Nagmomonolog ka nanaman diyan.”

“Yes ,daddy. Your princess is going na. Kdie.”

Utusan lang ang beauty ko pagdating ke Daddy. Whatever. Kahit pagod ako talaga ,no consideration talaga si Dad. Urgh!!

Nagpaalam na ako at naglakad tungo sa girls dormitory.

Inutusan niya akong ideliver itong maliit na bag kay Pipperoni ko. Yes pinsan ko siya. And who cares. If i know ikaw din naman incest ka rin naman sa pinsan mong pogi diba? Che!

Rumarampa ako sa daan ngayon and ang lahat ng mga loosers ay napapanganga lang at napapatulala sa lakas ng appeal na meron ako.

Habang sumuslowmo pa ako dito sa hallway ,let me tell you a secret. Swear to me na this is just between you and me. Understood?

Good.

I am inlove ,inlove with someone that who can't love me back.

Nagmahal kasi siya ng taong sobrang angat kesa sakin ,ang layo abutin kumbaga. Lulunok kaya ako ng magnet? Maaatract ko kaya siya?

Malakas talaga makahugot ang mga taong walang lablayf.

Bitter bako pag sinabi kong mas nauna akong makilala siya? Na masasaktan lang siya kung yung taong yun ang pipiliin niya? Ayokong mag isip. Hindi ako tanga para saktan ang sarili ko sa isang bagay na walang katuturan.

Magrereview nalang ako at ang finals namin coming na ,madaming lipstick ang mabibili ni Dad ngayon. Madaming humuhugoat eh.

Nang makarating sa dorm ni Pipperoni ko ,kumatok ako ng tatlong beses at naghintay ng ilang sandali.

Kumatok ulit ako ng walang sumasagot.

“Sino yan?!”sigaw ng isang boses babae mula sa loob.

Bumukas ang pinto at bumungad sakin ang taong pinaka ayaw kong makita hawak ang kamay ng taong dahilan kung bakit bleeding ako ngayon. Sa lahat ng kakalimutan . Ito pa.

“Oh ,hi Vio ,pasok ka” sabi niya at niluwagan ang bukas ng pinto.

“Wag na Euls ,pinabibigay ni Dad” baling ko sa pinsan ko sabay abot sa kanya ng bag.

“Teka ,yuno each other?”

“Pinsan ko siya” tinanggap niya ang bag at tinalikuran kaming dalawa ng bestfriend ko. Bestfriend .

“Oy ,oy ,bakit hindi mo sinabing magpinsan kayo ni my labs ha? Hangdaya!” dinuro duro niya ko.

“May pasok pa ko ,Euls ,kailangan ko ng umalis”

‘Dahil kung hindi ,hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman ko’

“Ayaw mo pumasok muna? May thirty minutes kapa ,wag mo ko maechus diyan”

Hihilahin niya sana ako pero mabilis kong iniwas ang kamay ko at tumalikod. Sa pagtalikod ko ,ang mga luha kong pinipigil ,kusang nagtuloy tuloy.

May sinasabi pa siya pero tumakbo nako.

Dinala ako ng mga paa ko sa garden ng SU. Ang sobrang tanga ko lang kung bakit dito ako pumunta. This place ,dito ko siya unofficial na pinakilala sa pinsan ko ,na hindi ko inakala na magiging karibal ko sa taong mahal ko.

This Dyosa Girl  [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon