Chapter 1

586 28 16
                                    

Cassandra's POV




Ano ako? Tanga na maniniwala sa mga kasinungalingan niya? He hurt me once at hindi na 'yon mauulit pa!

How dare him call me as his?! I'm not his property, he doesn't own me. I'm nobody's property. Walang nagmamay-ari sa akin.

Irita akong napasubsob sa unan ko. Naiinis ako, kumukulo ang dugo ko sa kaniya. Bakit ba kasi sa lahat ng school na pinagtuturuan niya pa e doon pa sa pinapasukan ko?

Hindi ba niya alam na ayaw ko na sa kaniya? Hindi ko na siya gusto, hindi ko na siya mahal!

Akala ba niya ay makukuha niya ako ng basta basta na lang? Hindi na ako katulad dati na marupok at bibigay sa kaniya.

Makalaglag panty nga ang ngiti niya pero kakapitan ko ang garter ng sa 'kin. Sisiguraduhin ko na hindi ito maluwag. Hindi ito lalaglag ng dahil sa kaniya!

"Wala, iniinis niya lang ako." Kausap ko ngayon si Ashley sa phone, tinatanong niya kung anong nangyare sa room noong naiwan kaming dalawa. Hindi ko na kasi kinuwento sa kaniya kanina dahil nabadtrip ako bigla.

"Sus, 'yung totoo?" May halong pagtutukso sa kaniyang boses.

Napairap na lang ako. "Tumigil ka nga, wala talaga."

"Anong sinabi niya?"

"Basta."

Bakit ko naman kasi sasabihin sa kaniya na inaangkin na ako ng propesor namin? Akala naman ng lalaking 'yon e madadala niya ako sa kagwapuhan niya. Anong akala niya sa 'kin, marupok?

"Ewan ko sa 'yo, bye na nga! Akala ko naman magkukwento ka na! Napakamakwenta mo talagang kausap," sarkastiko nitong sabi at binabaan ako ng tawag. Napailing-iling na lang ako, nahiga sa kama at tumulala sa kisame.

Napapikit ako nang mariin. "Kainis naman!" Naiisip ko na naman kasi siya, paulit ulit kong tinatatak sa isip ko na sinaktan ako ng lalaking 'yon kaya hindi ko dapat siya iniisip ng ganito.

Mali naman kasi talaga, nagkaroon ako ng relasyon sa isang lalaki na hindi ko karapatdapat na gustuhin. Being in a relationship with your professor is prohibited. It will surely damage his reputation, masisira ang karangalan niya ng dahil lang sa akin at ayaw niya 'yon. And I already accepted that part. Pero bakit ngayon ay nandito siya sa pinapasukan ko at ginugulo na naman ako? Bakit gusto na naman niya akong angkinin? Bakit gusto niyang bumalik na ako sa kaniya? Mahal niya na ba ulit ako? Siguro nga, maganda ako e.

Ipinikit ko na lang ang mata ko at pinilit na matulog, pero hindi, ayaw akong dalawin ng antok. Nagbilang na ako ng isang libo't tatlong daan at pito'm put siyam na tupa pero wala pa rin. I blinked my eyes one hundred times pero wala, mulat na mulat pa rin ako. Hindi talaga ako makatulog.

Bumangon na lang ako sa kama at lumabas ng kuwarto. Tinungo ko naman ang kusina upang uminom ng tubig, binuksan ko ang ref, kailangan ko na talagang maggrocery, wala ng ka laman laman ang ref namin.

Inayos ko ang robe ko at umalis na sa kusina, napagdesisyunan ko rin na lumabas muna ng bahay, bibili na lang muna ako ng ice cream sa 7/11 na malapit dito sa 'min.

Habang naglalakad ay napapalingon ako sa mga nakakasabay ko, mga magjowa na magkaholding hands.

Napaikot tuloy ang eyeballs ko. Hindi nila alam na magbebreak din sila, puro sila kacornyhan, padate-date pang nalalaman e iyakan din naman ang patutunguhan, pwe.

Nang makapunta na ako sa 7/11 ay bumili ako ng isang gallon na ice cream at kinain 'yon habang naglalakad. Tumigil ako sa park na nadaanan ko, kahit na gabi na e maliwanag pa rin dahil sa mm ga street light. Tahimik ko lang 'yung kinakain nang biglang magdilim ang paligid.

Claiming HerWhere stories live. Discover now