(Happy New Year, my LilNinaas!)
Cassandra's POV
"Oo na, maganda ka na Ninang." Napalingon ako sa pinto at nakita ko roon ang ate ko na nakaputing dress.
I chuckled then continued putting my eyeliner. Ngayon na ang binyag ni Yulo at naghahanda na kaming lahat para pumunta sa simbahan. I'm also wearing a white dress pero mas maikli ang sa akin kaysa kay Ate though hindi naman sobang ikli.
Nakita ko sa salamin na lumapit siya sa akin. She sat on the couch. "Nasa baba si Papa, kadarating niya lang."
"Si Mommy?" tanong ko agad. Mom and Dad is not in good terms.
"Nasa baba rin, magkausap sila."
"Pero--"
"I think magkakasundo na sila ngayon.. well, feeling ko lang." Ngumiti siya sa akin. "Cass... Thank you."
"For what, Ate?" I sprayed perfume for my final output.
"For accepting me.. kayo ni Mama, hindi kayo galit sa akin kahit na anak lang ako ni Papa sa ibang babae."
I smiled at her. "Ate naman, magkadugo pa rin tayo 'no at saka, wala kang kasalanan sa panloloko ni Daddy kay Mommy, okay? Pamilya pa rin tayo."
Her eyes watered then hugged me. Ilang minuto pa kaming nagdrama ni Ate bago tumigil.
"Wag ka ngang umiyak, Ate, mabubura ang make-up mo oh, baka matakot sa 'yo si Yulo!" sabi ko pero tinawanan niya lang.
Nang ready na ang lahat ay pumunta na kami sa simbahan. Nagligalig pa si Yulo nang bubuhusan na siya sa ulo kaya medyo natagalan pa ang seremonya. After that, bumalik na kami sa bahay para sa handaan.
Kumakain ako habang nasa lap ko si Yulo nakaupo at nasa tabi ko naman si Gordon na kumakain din.
"Akin na muna si Yulo, hindi ka makakakain nang maayos nyan." Kinuha niya sa akin si Yulo na tuwang tuwa naman.
Hinayaan ko na lang din at nagpatuloy sa pagkain.
"Cass!" Napalingon ako sa tumawag. It's Rina and Miguel.
"Hi!" Pinalapit ko sila. "Kumain na kayo?"
"Hindi pa nga e," sagot ni Rina at natigilan nang makita ang lalaking nasa tabi ko. "Sino siya? Boyfriend mo?"
Natawa ako. "Hindi pa pero malapit na," sagot ko na nakapagpalingon kay Gordon sa amin.
Si Rina naman ay biglang napatingin kay Miguel na nag-iba ang ekspresyon.
"May.. may pupuntahan pa pala ako." Tinalikuran kami ni Miguel at naglakad pa alis.
"Uh, sundan ko lang ah?" Sumunod si Rina sa kaibigan namin.
"Wait! Kumain na muna kayo!" Pahabol ko sa kanila ngunit mabilis na silang nakaalis.
Napakibit balikat na lang ako at pinagpatuloy na ang pagkain.
"What do you mean malapit na?" Kay Gordon naman ako napalingon.
Nginitian ko lang siya. "Secret!"
"Tiket!" panggagaya sa akin ni Yulo kaya pareho kaming natawa.
Nang sumapit ang gabi, nagsimula na ang tunay na kasiyahan ng mga matatanda, ang inuman. Maagang pinatulog ni Ate si Yulo dahil hindi naman siya pwede sa ganap ngayong gabi.
"Bakit kaya wala pa rin sina Rina? Hay, sinabi kong pumunta sila e.." bulong ko sa sarili habang iniinom ang Soju na nasa baso ko.
Nasa isang table ako at mag-isa lang dahil hindi ko naman kaclose ang iba tao rito. Si Rina at Miguel lang naman kasi ang kaibigan ko sa lugar na 'to.