Cassandra's POV
Good mood na good mood ako kinabukasan. Hindi ko rin alam kung bakit, basta masaya lang ako. Pero hindi si Gordon ang dahilan non ha, hindi talaga.
Hindi nga ba?
Tumapat ako sa salamin upang makita ang aking kabuuan. I'm wearing my uniform, I look neat and clean, s'yempre nagmake-up din ako ng light lang.
Sinukbit ko na ang sling bag ko, pagkababa ko ay nakita ko si mommy na nasa kusina at naghahain ng umagahan.
"Good morning, My!" Lumapit ako sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi.
Ngumiti siya. "Good morning, gorgeous."
I giggled. Naupo na ako sa upuan para kumain, kinuhaan niya ako ng plato at sinandukan. Ganito talaga si Mommy, she's sweet and caring, love na love niya talaga ako because I'm her only child. Well, meron pa naman akong isang kapatid, pero anak 'yon ni Daddy sa ibang babae, doon na sila nagkalabuan. Hindi na rin masyadong umuuwi dito si Daddy, maybe he's with his new family.
Masakit para sa amin 'yon ni Mommy, unang pamilya pala 'yon ni Daddy, pangalawa lang kami. Tinatry ni Daddy na ireach out si Mommy kaso hindi pa siguro kayang tanggapin ni Mommy, buong akala kasi namin e kami lang. Hindi naman sana magkakaganito kami kung sinabi lang agad ni Daddy sa amin ang totoo, pero hindi e, mas pinili niyang itago 'yon sa amin.
Napailing-iling ako, hindi ko na dapat isipin 'yon.
"How's school, baby?" tanong ni Mommy habang nagsasalin ng juice sa isang baso.
"Nakatayo pa rin po," biro ko at nagpeace sign sa kaniya. "Joke lang, My. Ayos lang naman po, si Ashley lang ang kaclose ko pero ayos na rin 'yon, ayoko ng maraming kaibigan," sabi ko at nagsimula na akong kumain.
"Nako, you should make friends with your classmates, anak, para kapag may problema ay may matatakbuhan ka. Of course nandito rin naman ako pero iba pa rin 'yung marami kang kaibigan."
Ako? Makikipagkaibigan sa classmates ko? Eh unang araw pa lang nga ay may pumatid na sa akin!
"Yes, My," sabi ko na lang at tinapos na ang pag kain. "Alis na po ako, baka malate po ako sa unang klase," paalam ko sa kaniya nang matapos na, humalik pa muna ako sa pisngi niya at kumaway bago umalis.
Sa kagandahang palad na kasing ganda ko ay hindi naman ako nalate, may iilan na rin sa room pero ang mga 'yon ay pakikipagchismisan at pagse-selpon ang inaatupag. Naupo na ako sa upuan ko, wala pa si Ashley.
Sinalpak ko ang earphones sa tenga ko at nakinig ng kanta. It was Always Be My Baby by Mariah Carey, one of my fav song!
Sinasabayan ko pa ang pagkanta habang nakapikit nang may kumulbit sa balikat ko. Agad kong inalis ang earphones ko at nilingon ang nasa likod ko, si hapon.
Ngumiti ito dahilan para halos mawala ang kaniyang mata dahil singkit siya. "Timothy." Nilahad niya ang kaniyang kamay.
"Cassandra," pakilala ko rin at kinuha ang kamay niya, ginantihan ko siya ng ngiti.
"I don't have any friends here yet so.."
Mukhang gusto niyang makipagkaibigan. Well, there's nothing wrong with it.
"Sure! We can be friends," pinangunahan ko na siya. "Marunong ka bang magtagalog?"
Tumango siya. "My Lola is a Filipina, she taught me some Tagalog words so, yeah, kaunti lang?" aniya at may pagkaslang pa, napangiti ako.
"Ayan, mabuti, para hindi ako masyadong manosebleed sa English mo." We laughed, nag-usap pa kami doon. He's actually fun to be with. I like him, I mean, not romantically, I like him as a friend.