Chapter 15

198 9 0
                                    

Cassandra's POV

"TAPOS NA ANG EXAM, DAGAT TAYO!"

Naghiyawan ang mga kaklase ko sa sinabi ni Ashley. Tapos na ang stressful days namin at masaya nga namang magdagat.

"Kailan ba?" tanong ng isa kong kaklase.

"Bukas na agad!" sagot ng isa.

"Oh sige, lahat magdadala ng pagkain ah!"

"Ako na sa spaghetti!"

"Dadala ako ng shanghai!"

"Akin na sa drinks!"

Nagpaplano silang lahat habang ako ay nakatutok naman sa phone ko. Katext ko si Gordon.

Ako:

Nagpaplano sila para sa outing.

Gordon:

Are you going with them?

Ako:

Oo naman hehe

Gordon:

Can I come?

Ako:

Sure! Much better
Para may guardian kami 😁🫶

Charing ko lang 'yang guardian-guardian na 'yan. Gusto ko lang siyang kasama.

Gordon:

Guardian?

Ako:

Char lang, sama ka ha? Bukas daw 'yon.

Gordon:

Alright. Sabay ka sa 'kin.

Ako:

Oki!

****

Nagising ako kinabukasan na may ngiti sa labi. Oh, sino ka d'yan anteh? Charing.

Bumangon ako at ginawa na ang morning routine ko. Saktong pagkatapos ko mag-ayos ay dumating na ang sundo ko. On time talaga lagi ha.

Pagkapasok ko sa kotse niya ay nagmaneho na siya paalis.

"Saan nga ulit 'yung outing?" tanong niya habang nagdadrive. He's wearing a white t-shirt and a shorts. Nakasuot din siya ng sunglasses.

Damn. Ang hot niya!

"Sa Abanzur Elotica. You know that place?"

"Hm, familiar." Sandali niya akong pinasadahan nang tingin.

I'm wearing a one piece body suit sa panloob at sa panlabas naman ay maong shorts and a cardigan on top.

Sandaling pumorma ang ngiti sa labi niya bago magfocus sa daan.

"Bakit? May mali ba sa itsura ko?" tanong ko at tinignan ang suot ko.

Umiling siya. "Nah. You look perfect." Lumingon siya sandali sa akin at kumindat. Pinamulahan tuloy ako.

"Dadaan muna tayo sa grocery store para bumili ng mga chips," aniya habang naghahanap ng maipapark-ingan ng sasakyan niya.

Nang makaparking ay sabay na kaming pumasok sa loob. Kumuha kami ng iba't-ibang chichirya. Bumili na rin kami ng ilang soju.

Pagkatapos naming mamili ay bumyahe na kaming muli papunta sa Abanzur Elotica.

Nang makarating sa aming destinasyon ay sinalubong agad kami ng sariwang hangin dito.

"Haaay, nakakamiss!" untag ko at napapikit, hinayaang yakapin ako ng hangin. Matagal na akong nakapunta dito dahil ang nagmamay-ari nito ay Tita ng kaibigan ko na si Samantha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Claiming HerWhere stories live. Discover now