"If you could feel my pulse right now, it would feel just like a sledgehammer.
If you could feel my heartbeat now, it would hit you like a sledgehammer."------------------------------
(Hey. It's Chardon who's in the media box.)
CHARDON
Pak!
Aray! Nakakainis naman. Di ko alam na may glass wall pala dito. Nauntog tuloy ako. Kung bakit kasi trinansfer pa ako dito sa school na 'to? Aaminin ko maganda ang facilities. As in lahat maganda. Yung mga ceilings na kahit mataas parang minuminuto paring linilinis, mga rooms na akala mong stadium dahil sa style nitong pataas ang mga upuan ng estudyante at nakatapat ang mga ito sa isang stage sa baba kung saan nakapwesto ang teacher, chandeliers na napakalaki, isang fountain sa gitna ng hall at glass walls na hindi mo mapapansin sa sobrang linis, na mauuntog ka na lang bigla. Pero siguro OA lang ako kasi nakikinig kasi ako ngayon ng song ni Kelly Clarkson, yung 'Heartbeat song' niya. (shameless plug, pasensya na po. Haha. *kumain ng cookies*) And at the same time, binabasa ko yung class schedule ko, kaya siguro di ko na napansing may wall sa unahan ko. Hayaan na natin, masasanay rin ako. Kaya 'to.
Room 10.... Room 10.... Nasaan na ba yun? Tinignan ko sa kaliwa pero wala, pati sa kanan. Mag tanong na kaya ako? Sige, magtatanong na 'ko.
Naglalakad ako sa hall, at nakita kong marami rami ring students na nasalabas pa ng rooms nila. I can't blame them, maaga pa naman. Hindi rin ako nagpapanic kasi may time pa ako maghanap kung saan ba 'yang Room 10 na yan. Teka nga, tignan ko nga ulit yung schedule sheet ko.
Pak!
Aray ko nanaman! Pero this time feeling ko hindi na siya glass wall. Tao na siya. Tao na.
"Sorry! I just didn't see you coming." Sabi ng lalaking nasa harap ko. Meztiso siya, blue-ish ang mata at kasing tangkad ko rin. Parehas kaming fit pero mas broader siya. Hmmm... May itsura siya. Gwapo. Gwapo..
Ha?! Teka! Ano nanaman to Chardon ha?
Bakit ano bang mali, hindi ba pwedeng naa-amaze ka lang? Oo nga, amazed ka lang sa itsura niya."No, It was completely my fault. I'm the one who's not watching my way." Sabi ko, totoo naman e. Binabasa ko kasi yung iba pang nakasulat sa sched. sheet ko.
"Nakikita kong parang may problema ka dyan sa sched. sheet mo? Transferee ka 'no?" Tinuro niya gamit yung nguso niya dito sa papel na hawak ko.
"Ayun naman pala e. Nagtatagalog ka naman pala, pinahirapan mo pa akong mag english." Bulyaw ko sa kaniya. Pero pabiro lang naman.
Napakamot siya ng ulo at napangiti.
"Sorry, akala ko kasi hindi ka marunong magtagalog. Mukha ka rin kasing may lahi." Sabi niya.Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya. "Ah oo. Meron nga, half Filipino and half Australian."
Napa-snap siyang bigla. "Sabi na eh!" At tuwang tuwa siya dun ha. Hindi na matanggal yung ngiti niya. "By the way, I'm Chester. Chester Waltsman." Inabot niya yung kamay niya para siguro makipag shake hands.
"Chardon Massey." Nakipag shake hands naman ako sa kaniya. "Teka, Waltsman? May lahi ka rin 'no? Hulaan ko, Fil-Am? Halata rin naman sa features mo."
"Yup." Pagmamalaki niya ng bahagya.
Mukhang magiging magkaibigan kami nito ha."Edi wow. Proud na proud ha?" Tumawa ako at pati rin naman siya.
"Oo nga pala, ano yung problema mo diyan sa sched. mo?" Tanong niya. Ako naman, muntik ko na ring makalimutan na may klase nga pala ako ngayon, at halos mag ta-time na rin para sa first subject pero hanggang ngayon hindi ko parin nahahanap si Room 10.
BINABASA MO ANG
Then Our Story Begins [boyxboy]
RomanceHave you encountered a person who's name was PAIN? Well, sa campus ni Chardon, meron. And no one in the campus knows what his real name is. He's not the typical person you would ever meet. He is arrogant, cocky, a bully and a homophobe. But at that...