"Can I lay by your side, next to you, to you? And make sure you're alright. I'll take care of you. I don't want to be here if I can't be with you tonight."
------------------------------
(Dominic Lopez in the multimedia box) [I will edit the image soon]CHARDON
Urrrgggh, naiinis ako! Ang lakas ng loob niyang subakan akong takutin nung isang araw sa cafeteria! Sa titig niya? Matatakot ako? No way! Sino ba siya sa akala niya? So, dahil gumawa lang siya ng skandalo niya ibig sabihin kailangan ko nang matakot sa kanya? Gwapo lang siya, pero hindi siya kagalang galang.
Hoy, Chardon. Anong gwapo ka diyan ha?
Sinubukan ko na lang tanggalin sa isipan ko ang hambog na 'yun. I can't think of a single reason of why he should react so rudely to a gay man. There's nothing wrong with them. Sa ginawa niya nung isang araw? Mas siya pa ang nagmukang masama. Hindi ba siya nagiisip?
"Hey, C! Kanina ka pa tulala diyan. Para ka nang ewan. Ano bang iniisip mo?" Bigla na lang nagsalita si Chester sa tabi ko.
Yup, 'C'. Nickname ko yun. At dahil feeling kong close na kami. Pinayagan ko na siyang tawagin ako sa nickname ko.
"Ah.. Eh.. Wala. Hindi ko kasi maintindihan yung pinagsasasabi ni Ma'am sa harapan e. I'm trying to comprehend."
"Ganito na lang. Gusto mo mamaya magkape tayo? Tapos dun, ieexplain ko na lang sayo yung tinuro ni Ma'am" sabi niya sakin na nagaantay talaga ng sagot. Bakas sa kanyang mga ngiti na excite na excite na siya na dalhin ako sa coffee shop na yun.
Nag akto akong nagiisip kunwari. Tapos pinalitan ko ang expression ko ng napaka saya.
"Sige, para malaman ko kung ano ang pinagpuputok ng butsi ni Ma'am." Patawa kong sabi sa kaniya. "Pero sa isang kundisyon ha?"
Nakita kong napalitan ang ekspresyon niya na sobrang nagtataka. "A..ano yun?"
"Libre mo!" Sabi ko sa kaniya tapos tinusok ko ang braso niya gamit ang aking hintuturo.
Halata ang pamumula ng mukha niya nung ginawa ko yun. "Ah.. Sige. Oo naman, ako naman ang nag alok e."
"Good." Sabi ko. Tapos ibinaling ko na ang tingin ko sa harapan. Kitang kita ko naman siya sa peripheral vision ko na nakatungo at naka-ngiti. May kakaiba talaga kay Chester ngayon, napapadalas na ang pag ngiti niya. Wala namang mali sa pagngiti pero minsan kasi biglaan na lang ang pag ngiti niya. Nawiwirdohan na 'ko.
---
Ang bilis ng oras. Natapos na kami sa pang-apat naming subject ngayong araw. Naglalakad na kami ngayon ng kaibigan ko papunta sa next room namin. Halos hindi mahulugang karayom ang hall ngayon. Kitang kita ang pagsisiksikan ng tao.
"Hindi ba tayo malelate nito?" Medyo malakas na tanong ko kay Chester. Linaksan ko talaga kasi hindi na rin kami magkarinigan dahil sa ingay ng mga tao, atsaka para marealize ng mga nasa harap ko na nagmamadali kami at kailangan na nila kaming padaanin at paunahin. Para-paraan lang yan.
"Yun nga e, late na tayo." Sabi sakin ni Chester habang nakatingin sa relos niya. Halata rin ang pagkabahala sa mukha niya.
"Uhhmm. Guys, parang alalang alala na kayo diyan ha?" Sabi ng nasa likod ko, hinarap ko ito at nakita ang dalawang pamilyar na lalaki. Tandang tanda ko ang pagmumukha nung Pain na yun, nakatingin ulit siya sakin ngayon na para bang sinisipat talaga ako. Kaibigan ni Pain ang nagsalita sa likod namin. Sa pagkakaalam ko, Dominic ang pangalan niya. Nakilala ko siya dahil naririnig rinig ko narin siya mula sa mga estudyante dito sa campus.
BINABASA MO ANG
Then Our Story Begins [boyxboy]
RomanceHave you encountered a person who's name was PAIN? Well, sa campus ni Chardon, meron. And no one in the campus knows what his real name is. He's not the typical person you would ever meet. He is arrogant, cocky, a bully and a homophobe. But at that...