"This is my heartbeat song and I'm gonna play it, been so long I forgot how to turn in up, up, up, up all night long."------------------------------
(Yow. t's Pain Hanson who's in the multimedia box)PAIN
Nagising ako sa aking kama dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mata. Teka, anong oras na ba?
Tinignan ko ang orasan na nakapatong sa side table ng kama ko.Oh shit! 15 minutes na lang ang natitira. Kailangan ko nang pumasok, kaya ko bang magprepare ng ganon kabilis?
Dali dali akong pumunta sa banyo para maligo. Malungkot ako, hindi ko magagawa yung kailangan kong gawin sa banyo dahil kailangan ko nang bilisan ang pagkilos. Alam niyo na yun, lalo na kayong mga boys?
Pag tapos ko maligo ay nagbihis na ako ng uniform, nag ayos ng buhok at nang kung ano ano pa.
Tinignan ko ulit ang orasan at nakita kong 10 minutes ang naubos ko.Mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Ngunit napatigil ako sa aking hakbang ng nakita ko si Papa na nakatingin sa akin ng masama.
"Late ka nanaman! Napaka iresponsable mo!" Sigaw niya sa akin.
Sanay na ako. Pero hindi dahil sa lagi akong late. Kundi sa ugali ni Papa. Aaminin ko, takot ako sa kaniya. Nakaka-intimidate siya. Ang gusto niya lagi siyang tama. Wala naman akong magawa, takot ako sa ipapataw niya pag sumagot ako o pag di ako sumang-ayon sa kanya.
"Pasensya na po, Pa. Hindi na po mau..."
"Talagang hindi na mauulit kasi pag naulit yan, makakatikim ka nanaman sakin!"
"Thomas! Wag mong pagsalitaan ng ganyan ang anak mo!" Lumabas sa kusina si Mama. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.
"Okay lang po ako, Ma. Totoo naman po, iresponsable po ako. " Sabi ko ng nakatungo.
"Ano?! Wala ka bang balak pumasok ha?! Tatanga-tanga ka lang diyan!" Nakikita kong nagiging kamao na ang kamay niya kaya naman di na ako sumagot.
"Thomas! Tama na!" Tumingin sa akin si Mama. Nakikita ko ang naaawa niyang mga mata. "Mar-"
"Pain po Ma, Pain." Pinigilan ko agad si Mama na sabihin ang totoo kong pangalan. Ayoko na tinatawag ako sa totoo kong pangalan. It just makes me look and feel weak.
"Pain. Anak, pumasok ka na. Huwag mo na lang pansinin ang tatay mo. Nauna na nga pala ang ate mong pumasok." Niyakap ako ni Mama.
"Sige po ma, alis na po ako." Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala si Mama. Buti na lang at hindi niya nararanasan kung ano ang nararanasan ko sa kamay ni Papa.
Lumabas ako at nagpakalayo layo na sa pinaka kinakatakutan kong lugar kung saan nanduon din ang pinaka kinakatakutan kong tao. Gusto ko itong pakiramdam ko pag nasa labas na ako, I feel freedom. Walang pumipigil sa akin. At dito sa labas lalo na sa campus, hindi ako ang dapat matakot. Sila dapat ang matakot sa akin.
----
"Bro, ano sa tingin mo? Hindi ko talaga maintindihan e. Ano bang mali sa akin at hindi niya ako magustuhan?" Pangungulit sa akin ng kaibigan ko.
"Ewan ko! Wag mo kong guluhin!" Nagpatuloy ako sa pagsusulat sa notebook ko.
"Wag mo na kasi sulatin yang lecture. Intindihin mo naman ako!" Hinawakan niya ang balikat ko at inalog ito.
"Ano ba Dom?! Sabi kong wag mo akong guluhin diba? Ha?" Nakahanda na ang kamao ko pero tumawa siya ng pagkalakas lakas.
"Hanep ka naman boy. Ano nanaman bang problema mo? Chill ka lang. Sabihin mo na sige, handa akong makinig." Inakbayan niya ako.
BINABASA MO ANG
Then Our Story Begins [boyxboy]
RomanceHave you encountered a person who's name was PAIN? Well, sa campus ni Chardon, meron. And no one in the campus knows what his real name is. He's not the typical person you would ever meet. He is arrogant, cocky, a bully and a homophobe. But at that...