4. Confessions

45 1 1
                                    

"Take me to church. I'll worship like a dog at the shrine of your lies. I'll tell you my sins and you can sharpen your knife. Offer me that deathless death. Good God, let me give you my life."

------------------------------

(At dahil may bagong PoV, ayan si Chester Waltsman sa multimedia box)

CHESTER WALTSMAN

Sa unang pagkikita pa lang namin ni Chardon, hindi ko na maitatanggi na gusto ko talaga siya. Sa totoo lang, sinadya ko talaga siyang banggain nung unang pagkikita namin. Nakikita ko pa lamang siya sa malayo ay nabighani na agad ako ng napakama-amo niyang mukha. Hindi ko inakalang magiging kaibigan ko pa siya simula nung binangga ko siya. Akala ko magagalit siya sa akto kong 'yon. Natakot pa nga ako na baka isa rin siyang klase ng taong katulad ni Pain, isang homophobe. Pero ano? Ito kami ngayon, nakasakay ng kotse ko papuntang Starbucks.

Kung hindi niyo parin gets, I am gay. Pero a closeted one. Hindi ko rin kasi talaga makayang mag out. Lalo na dahil marami diyang katulad ni Pain sa campus. Hindi naman sa galit ako sa kaniya, pero siguro sabihin na nating, I'm just trying to avoid any conflicts between me and those homophobes like him. Nagtataka lang talaga ako kung bakit ayaw nila sa amin. Wala namang mali sa amin. Wala namang iba, ang iba lang talaga e yung naa-attract kami sa same sex.

Ngayon. Ngayon ko na balak aminin kay C na may gusto ako sa kaniya. Oo, kinakabahan ako pero alam kong kakayanin ko. Kahit na hindi ko man alam kung anong consequences .
Hindi ko na mapigilan ang sarili kong maitago pa sa kaniya ang nararamdaman ko. Everytime na mapapatingin ako sa mga mata niya, para bang nakakakita ako ng isang mala-asul na dagat na unti unti akong ilinulubog at binibighani nito. Everytime na tumingin ako sa mga mapupula niyang labi, hindi ko mapigilang mamula. Minsan pa nga'y pinipigilan ko na rin yun halikan. Dumadating na talaga sa point na nawawala na ako sa katinuan at maiisip na lang na halikan siya. Ilang araw pa lamang kaming nagsasama at magkaibigan pero masasabi kong malakas na ang tama ko sa kaniya.

Hindi ko na palalagpasin 'to. Once na nakahanap na ako ng tyempo mamaya, sasabihin ko na talaga sa kaniya.

Nagpark na ako sa parking lot ng Starbucks. At nakikita ko na sa likod ng mga salaming pader nang shop na iyon na wala namang masyandong tao. Napaka gandang pagkakataon 'to para magconfess.

Bumaba na kami sa kotse at sabay na binuksan ang glass door ng shop. Bumungad sa amin ang napaka sarap na amoy at aroma ng kape na nakakalat sa atmospera ng lugar. Napaka relaxing ng amoy at scenery ng buong lugar. Couches, wood tables, mga sosyal na machineries at iba pa na nagpapaganda ng atmosphere ng place. Paulit ulit na lang ako sa pagmamalaki sa kaniya, sobrang napakasakto lang kasi ng venue para maging kalmado habang magcoconfess.

"Ang bango." At ayun na, sinabi na ni C ang dapat ay sasabihin ko rin. Nakangiti siya habang nakapikit at umaamoy sa kawalan.

Hindi ko mapigilang mamula kaya ibinaling ko na lang ang tingin ko sa counter. "Oo nga e. Sakto..."

Tumingin siya sa akin at nagkaroon ng napaka confuse na expression. "Sakto? Anong sakto?"

Muntik ko nang masabi ng aloud yung iniisip ko! Kinabahan akong bigla. Nag-isip agad ako ng madadahilan ko. " Ah... Eh... Ano... Sakto 'tong lugar para magturo ako sayo kasi tahimik at relaxing."

"Ah..." Nagrelax ang mukha niya.

"Ano tara na? Order na tayo."

"Sige, tara na. Nagke-crave narin ako." Excited na sabi ni C.

Pumunta na kami sa counter. Hinihintay naming humarap sa amin yung magte-take ng order namin. Ayan siya, sobrang busy dahil gumagawa ng kape. Pagkaharap nito ay nag register rin ang isang pamilyar na mukha sa aking utak, nakasuot ng white poloshirt na may nakapatong na green na apron at may green din na head cap. Teka, namamalik mata ba ako? Pain?! Ang na iba lang sa kaniya ay ang napaka welcoming niyang mukha, siguro dahil ganun naman talaga dapat ang salubong sa costumers. Ito siguro yung sinasabi niyang duty niya. Akala ko nung una ang part time job niya ay ang pagiging sundalo, mula dun sa salitang 'duty'. Haha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Then Our Story Begins [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon