This story contains boyxboy actions. (You've been warned XD) If you are not in favor of the "third sexes", then I guess you are in the wrong story. But if you intended to read my story even you knew that this is a boyxboy story, then Welcome! I am TheBoyInTheCloset. Nice to meet you! Haha. Magandang buhay!
___
P R O L O G U E
CHARDON MASSEY
"Bakla!" Isinigaw niya sakin na para bang kaming dalawa lang ang nasa hall ngayon sa campus. Hawak niya ng mahigpit ang magkabila kong balikat. Sobrang higpit na halos magmamanhid narin ito.
"Pain! Nasasaktan si Chardon. Bitawan mo siya!" Narinig ko naman na palapit na si Chester papunta sa amin.
"Bakit? Diba bakla ka naman talaga? Kaya ka nga lang ata pumapasok sa Campus kasi mamamapak ka lang ng mga lalaki." At doon na nagsi-tawanan ang mga ususero at dahilan pa upang tumawag ng atensyon ng iba. Nakikita ko na ang mga ekspresyon ng mga tao. Yung iba natatawa, may iba na nag bubulungan, at yung iba naman hindi na maipinta ang mukha. I am not going to cry, I am not going to cry like a baby.
Chardon, you can take this.
Wala akong magawa, hindi ko alam kung bakit hindi ako makasagot. Madali lang naman sumagot ng Hindi! Bakit hindi ko magawa?! Bakit may pumipigil na sa loob ko?!
Hindi lang ang isasagot mo Chardon pero ano? Nakatunganga ka lang diyan na parang tanga?"Nasasaktan na siya Pain!" Galit na sinabi ni Chester kay Pain sabay tulak dito upang mabitawan ako.
Hindi naman maitatanggi na mas lalo pang nabuo ang galit ni Pain. Inabot niya ang kwelyo ni Chester at agad itong hinila.
"Bakit ka ba nangingi-alam? Bakit may gusto ka ba sa kaniya? Bakla ka rin 'no?" Maririnig ang napaka ma-dominateng boses nito. Ngunit hindi nagpakita ng takot si Chester dito at agad namang sinubukan tanggalin ang kamay ni Pain sa kwelyo niya. At dala nalang rin nang galit nito sa sinabi niya ay sinuntok niya ito sa kaliwang pisngi dahilan naman ng pag-atras ng bahagya ni Pain. Hindi maitatanggi na nakaramdam siya ng sakit at makikita rin namumula at nagdudugo na ang labi niya.
Akma na sana niyang susugurin at bibigyan ng suntok si Chester ngunit humarang ako sa daanan niya para hindi siya makalapit pa kay Chester. Pero dahil din dito ay natumba kami sa sahig.
Naramdaman kong bumigat ang aking dibdib, sa literal pati na ang pangalawang ibig sabihin nito. Mabigat ang nararamdaman ko dahil nakapatong sa akin ang katawan ni Pain, at bumigat din naman ang aking dibdib dahil sa tibok ng puso ko. Nakatingin ako sa magagandang mata niya at siya naman ay nakatingin din sakin. Unti unting napapalitan ang mga ekspresyon nito, mula sa pagiging galit ay nagbago ito na para bang nakatitig lang siya sa akin. Iba ang nararamdaman ko, ibang iba. At ngayon alam ko na ang sagot sa lahat ng itinatanong ko sa sarili ko nitong mga nakaraang araw.
I can't, I can't take my eyes off him. Nakaramdam ako ng kaba. Nakikita ko ring bumababa ang tingin niya papunta sa aking labi. Dahilan naman nang aking pagkahiya ay kinagat ko ang lower lip ko. Unti unti na ring bumababa ang ulo niya papunta sakin, kaunti na lang ay magdidikit na ang mga ilong namin. Ilang segundo na rin kaming nandito sa sahig nang naramdaman kong biglang nawala ang bigat ni Pain dahil hinila ito ni Chester patayo ngunit may pagkairita nang kasama ang ekspresyon ni Pain.
Nakaramdam ako ng kaunting lungkot nang nawala bigla ang pagiging malapit ng aming katawan ni Pain. Ngunit sinantabi ko muna 'yon.
"Subukan mong lumapit pa kay Chardon at hindi lang 'yan ang matatanggap mo!" Sigaw nito kay Pain. Tumayo na rin ako mula sa sahig at tumabi kay Chester.
"Hindi ako natatakot sayo! Sino ka ba para pagsabihan ako? At sino ka ba sa buhay niya? Ha?" Hindi na ganon kagalit ang mukha niya.
"Ka..Kaibigan ko siya! At kaibigan niya ri..in ako! Yun lang yon!" Pautal utal naman na sagot ni Chester. Bakit nauutal pa 'to? Matagal tagal narin kaming magkasama pero hindi niya parin ba akong maituturing na kaibigan? Nainis ako ng konti dun ha! By the way...
"Enough! Tapusin na natin ang komosyong 'to. Tara na Chester. People like him? Hindi na dapat pinag aaksayahan ng panahon ang mga ganyan." Sinabi ko habang nakatingin kay Pain, hinawakan ko na lang ang braso ni Chester akmang patatalikurin siya. Ngunit nakita kong nakatingin si Pain sakin tapos sa kamay kong hawak ang braso ni Chester. Ngunit hindi galit ang nakita ko kundi parang blanko pero mayroon ding nakatago doon na hindi ko mawari kung ano ang ibig sabihin. At dahil doon, parang gusto ko na lang bawiin ulit lahat ng sinabi ko.
Tumalikod na lang si Pain at dumaan sa kumpol ng mga nanonood na tao. At habang dumadaan siya ay itinutulak niya ang mga ito. Hindi ko alam kung bakit nagalit siyang bigla. Naglakad na lang rin kami ni Chester palayo.
PAIN HANSON
Pagkatapos kong makalayo sa komosyon ay nagtago ako sa tabi ng isang locker. Agad ko naman itong sinuntok dahilan upang magkaroon ng kaunting yupi.
Bakit?! Ano yung naramdaman ko. Sa mga pagkakataong nakatingin at nakatitig ako sa mga mata niya ay nakakalimutan ko lahat. Hindi ko pa akalaing muntik ko na siyang halikan!
Pain ano ba?!
Sinuntok ko na lang ulit yung locker.Alam kong hindi lang iyon ang dahilan noon. Alam kong may malalim pang dahilan, and I don't know how to figure and solve that out. I guess.
CHARDON and PAIN
Alam kong dito na magsisimula ang tunay kong kwento.
_____________________________________________________________________________
Hi Guys. Matagal ko nang gusto magsulat ng kwentong boyxboy. Sorry po sa mga typos. Nagustuhan niyo ba yung Prologue? Maghahanda na ako agad ng Chapter 1 nito.
Pero kailangan muna nating ma-reach yung goal natin: 20+ views. 15+ votes. 15+ comments.
Pagnareach na yan, ipa-publish ko na yung Chapter 1.
Pero before that, Vote and Comment muna kayo. Let me know what do you think of this. Should I continue or not?
I'll wait for your responses guys! XD
xxx. TheBoyInTheCloset
BINABASA MO ANG
Then Our Story Begins [boyxboy]
RomantizmHave you encountered a person who's name was PAIN? Well, sa campus ni Chardon, meron. And no one in the campus knows what his real name is. He's not the typical person you would ever meet. He is arrogant, cocky, a bully and a homophobe. But at that...