Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat.Ang "Yuan and Missy" Wedding Day.Ilang beses niyang sinimpat ang sarili sa salamin kung maganda na ba siya sa suot niyang gown. Kailangan kasing maging maganda siya sa paningin ng lahat lalong-lalo na sa paningin ni Borj. Siya kasi ang maid of Honor ni Missy, at si Borj naman ang Bestman ng kuya Yuan niya.
Pagdating sa simbahan,ay agad hinagilap ng kanyang paningin si Borj.Sa may di-kalayuan ay naroon si Borj subalit hindi ito nag-iisa.Naroon at kasama si Tricia na abala sa pag-aayos ng damit ng binata.
Napahugot na naman siya ng malalim na buntong-hininga. Parang sinisipa na naman ang dibdib niya dahil sa sobrang selos.Subalit sinikap niyang balewalain ang nararamdaman.Minabuti na lamang niyang pumunta sa isang sulok at hintayin na lamang ang pagdating ni Basti.
Ilang sandali pa ay pinapila na ang lahat ng kasali sa wedding entourage.Kinakabahan si Roni sa hindi niya malamang dahilan.
Maya-maya ay nagsimula na ang seremonya.Sinimulan ito sa paglakad ni Borj.Maya-maya ay sumunod na ang kanyang kuya Yuan kasama ang kanilang mommy at daddy.Sunod-sunod namang lumakad ang mga principal sponsors kasunod ang mga secondary sponsors.Maya-maya ay si Roni na ang susunod na maglalakad.Mas tumindi pa ang kaba sa kanyang dibdib.Pinilit niyang ngumiti sa lahat.Dahan-dahan siyang naglakad at maingat na tinungo ang lugar kung saan siya uupo. Tumingin siya sa kanyang kuya yuan na napakasaya at napakaganda ng ngiti.Hindi sinasadya ay nabaling ang tingin niya sa nasa tabi ng kuya niya.Si Borj.Nakita niyang nakatingin sa kanya si Borj.At nakita niya na ngumiti ito sa kanya.Kahit naiilang ay ngumiti din siya sa binata.Tinungo niya ang kanyang upuan at tahimik na naupo doon.
Narinig niya ang malakas na palakpakan ng lumabas na si Missy.Napakaganda nito sa suot nitong Wedding Gown.
Hindi alam ni Roni kung bakit bigla siyang naging emosyonal.Nangilid ang luha niya habang pinagmamasdan ang paglalakad ng kanyang kaibigan.
Muli siyang tumingin sa kanyang Kuya Yuan .Hindi pa rin napapawi ang ngiti sa labi nito. At hindi sinasadya ay muling naagaw ni Borj ang atensyon niya. Hindi niya akalain na nakatingin rin pala sa kanya ang binata.Tinitigan niya si Borj.Nilabanan din ni Borj ang mga tingin niya..Subalit siya ang unang sumuko.Hindi niya kayang labanan ng ganung katagal ang tingin ng lalaki.
Makalipas ang ilang sandali ay natapos din ang seremonya ng kasalang 'yun.Sa wakas, bahagi na ng pamilya nila si Missy.Masaya siya subalit hindi niya alam kung bakit tila ba hungkag ang kanyang kalooban.May kulang.At kailangan na niyang tanggapin na hindi na siya mabubuo.Dahil hindi na kailanman mapapa sakanya ang lalaking inaasahan niyang muling bubuo sa kanyang puso.
Kasunod ng kasalang 'yun ay picture taking naman.Mula sa pamilya ni Missy,pamilya Salcedo ang sumunod.Hanggang silang magkakaibigan naman ang sama-samang nagpicturan.
Maya-maya at nakita niyang nagyakapan si Borj at ang kanyang Kuya Yuan.
"Congrats pare" narinig niyang wika ni Borj.
"Salamat pare.Oh, ikaw ha..Huwag mo nang patagalin at baka mauntog pa si Tricia." Narinig niyang humalakhak na biro naman ng kuya Yuan niya sa bestfriend nito.
Lihim siyang nasasaktan sa ganoong biruan.Ang hirap sumabay sa halakhakan ng iba niyang kaibigan.Hanggang sa maramdaman niya na may humawak sa braso niya.
Nagulat siya at agad na lumingon."Basti" tila dismayadong Wika niya.
"Gusto mo ba sakin ka na lang sumabay papunta sa reception"
Nakangiting alok ng binata.
" Ok sige Basti.Tara"at humawak na siya sa braso ng binata at sumama nang lumabas ng simbahan.
Ang hindi alam ni Roni.Nakahabol nang tingin sa kanila si Borj.
" Hey, babe, tara na sa labas.Dun na lang natin hintayin sina Yuan at Missy."Noon lang din namalayan ni Borj na nasa tabi na pala niya si Tricia.
" Ok" tila nalilitong sagot naman ng binata at tahimik na ring lumabas ng simbahan.
Pagdating sa reception ay lubos kang hahanga sa ayos nito. Halatang ginastusan.Kahit maikli lang ang panahon ng paghahanda halatang napagplanuhan at hindi tinipid.Naaaliw si Roni sa pagmamasid ng paligid. Maya-maya nga ay sinimulan na ang kainan at pagkatapos ay nagkaroon ng sayawan.Mula sa kanyang kinauupuan ay tanaw na tanaw ni Roni ang sweetness nina Tricia at Borj.Nakita rin niyang tumayo ang dalawa at tinungo ang dance floor para magsayaw.
Nalungkot na naman si Roni.Napatungo na lamang siya sa labis na pagseselos.
"Roni, gusto mo, sumayaw din tayo?" Narinig niyang offer ni Basti sa kanya.
Pinilit niyang ngumiti sa binata.Maya-maya ay tiningnan niya ang nakalahad na kamay ni Basti.Dapat pa ba niyang pag-isipan kung tatanggapin o dapat bang tanggihan ang palad na 'yun ni Basti.
"Sige na Roni,halika na" nakangiting aya muli ni Basti sa kanya.
Wala na ngang nagawa si Roni kundi ang sumama sa binata at tinungo na rin ang dancefloor upang magsayaw.
Nakaramdam siya ng pagkailang kay Basti.Ramdam niya ang paghapit nito sa bewang niya at napakalapit ng mukha nito.
"Roni,nakatingin si Borj" mahina lang ang bulong na yun ni Basti subalit narinig yun ni Roni.
"Huh" tila nagulat niyang tanong.
"Ikaw naman.Basta usaping Borj, natataranta ka?" May himig pananampong wika ni Basti sa kanya.
"H-hindi naman.Sorry Basti ha" hinging paumanhin niya dito.
"It's ok" at nagfocus na sila sa pagsasayaw.At nagkuwentuhan tungkol sa ibang bagay.
Hello mga sissy..Enjoy reading😍
Please leave your comments ang hint the 🌟 button...Proud StefCam fan😍
BINABASA MO ANG
💖Borj 2💖
FanfictionAng kwentong ito ay iikot sa naudlot na pag-iibigan nina Borj at Roni. Kung sa "Borj 1" ay kinilig kayo at natuwa sa kwento nila, dito matutunghayan natin kung paano kaya kung si Roni naman ang maghahabol at aasa kay Borj.Magkaroon pa rin kaya ng h...