"Alam mo Roni, hiniling ko sadya kay Borj ang sandaling ito.'Yung makausap man lang kita bago ako umalis" simula ni Tricia sa kanya.
"Alam ko kasi Roni, naguguilt ka sa nangyari samin ni Borj.Pero ganun siguro talaga.Kailangang tanggapin kung ano 'yung kapalaran ko" nakangiti subalit halata sa tinig ni Tricia ang labis na kalungkutan.
"Roni,aalis ako.Iiwan ko na si Borj sayo.Sana lang huwag mo na siyang pakawalan pa, dahil napakasuwerte mo dahil may isang Borj na sobra-sobrang nagmamahal sayo.at tuluyan nang gumaralgal ang boses ni Tricia.
" Sorry Tricia."'yun lang ang tanging naisagot niya sa babae.
Mapait na ngumiti si Tricia.
" Don't say sorry Roni.Alam ko naman na kayo ang tunay na nagmamahalan noon pa man.At ito namang si Borj, hindi magawang makamove-on sayo" sabay siko nito sa lalaki.
" So, a-anong balak mo ngayon Tricia.?"tanong niyang muli dito.
" Heto.Going back to America.'Dun kasi mas mabilis makalimot?Hindi ba Borj" at ngumiti ito sa binata.
" Si Borj lang ang nakilala ko na hindi nakalimot.Kasi, 'yung katawan ay nasa ibang bansa.Pero 'yung isip at puso, naiwan dito sa Pinas." Saad muli nito.
" Roni, seryoso ako."hinawakan nito ang kamay ni Roni.
" Hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa.Huwag mo na sanang sayangin ang pagkakataon dahil pinalalaya ko na siya."naiiyak na wika ni Tricia.
Naramdaman ni Roni ang bigat ng kalooban ni Tricia.Kaya mabilis niya itong niyakap at saka nagpasalamat .
Maya-maya ay muli itong bumaling kay Borj.
"At ikaw naman Borj, napakaganda na ng pagkakataon, huwag mo na sanang pakawalan pa." Wika nito kay Borj.Hindi na napigilan pa ni Tricia ang sakit na kinikimkim.Tuluyan nang napaluha ito, subalit mabilis rin niyang pinawi ang mga luhang 'yun.
Matagal at mahigpit din itong yumakap sa binata.Narinig pa ni Roni na may ibinubulong ito sa dating kasintahan.
"Paano Borj, huwag mo naman akong kalilimutang i-invite sa araw ng kasal ninyo ha.At, huwag na huwag mo din akong kalilimutang kuning ninang ng magiging baby ninyo." Mahigpit na nagyakapan ang dalawa.Nakita niya ang mahigpit na yakap ni Borj kay Tricia.Subalit, hindi na yun masakit para sa kanya.Dahil alam niya, siya lang ang babaeng tanging nasa puso ni Borj, mula noon hanggang ngayon.
Sa halip, lungkot ang nararamdaman niya sa pag-alis ni Tricia.Pero desisyon nila ang maghiwalay at hindi niya ginusto 'yun.Hindi rin naman niya gustong makasira ng relasyon.
Pagkatapos ng usapan na iyon.Nagdesisyon silang dalawa na umuwi na lang .
Tahimik lang sila sa loob ng kotse at parang nagkakailangan.Hapon na rin ng nakabalik sila sa bahay at nagulat sila dahil naroon sina Tonzy, Junjun at Jelai, Yuan at Missy.
"Oh, guys...anong meron?buti naman napasyal kayo." Wika ni Roni.
"Eh kasi naman sis.Kukumustahin lang naman sana kita.Ang dami ko nang hindi alam sayo eh" at makahulugan itong ngumiti sabay sulyap kay Borj.
"Oo nga,itong si Borj hindi rin nagkukuwento samin eh.Di ba mga pare" dugtong din naman agad ni Junjun.
"Alam ninyo kasi, Borj,Roni,alam na namin na umalis na si Tricia, at magkaibigan na lang kayo ngayon ni Basti, so ano pang hinihintay ninyo ngayon?" Nakangiting tudyo naman ni Tonzy.
" Oo nga naman Sis, si Borj naman 'yan.Kilala na natin.Alam naman natin na seryosong magmahal ang isang Borj?"nakangiting segunda naman ni Missy.
" Ehem..ehem..."sabay tindig ni Yuan at umalakbay pa kay Borj.
" Saka alam mo Roni, si Borj 'to eh,bestfriend ko 'to..Alam na alam nito na masakit akong manapak,kaya alam kong hindi ka masasaktan dito.Kaya boto ako sayo pare"sabay tapik pa nito sa balikat ng binata.
Napangiti si Borj dahil sa mga narinig sa kaibigan.
" Guys,thank you ha..Mabuti naman at may tiwala kayo sakin.Alam ninyo naman na hindi ko magagawang saktan at lokohin si Roni.Nagawa ko nga siyang ipaubaya sa iba noon kung doon siya magiging masaya.Pero, narealized din naman namin, na hindi rin pala sapat 'yun para maging masaya si Roni.
Humarap ito sa ma kaibigan at tumabi kay Roni.
"Roni, sa harap ng buong tropa,aaminin ko na mahal na mahal pa rin kita" bungad ni Borj.
" Ayiiiieee"pumapalakpak na reaksyon nina Jelai at Missy sa sinabing 'yun ni Borj.
Bagama't ramdam ni Roni na nag-iinit ang mukha niya dahil sa pagkapahiya,hindi naman niya maiitanggi sa sarili na kinikilig siya.
"Roni, ang gusto ko, malaman ng lahat,at marinig ng lahat, kung ano 'yung magiging sagot mo" bahagyang tumigil si Borj sa pagsasalita.Halatang nag-ipon ng lakas ng loob bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Will you be my girlfriend?" Sa wakas ay naidugtong ni Borj ang nais nitong sabihin.
Tahimik at nakangiting naghihintay lang ang mga kaibigan niya sa magiging sagot niya.
Hindi rin agad makapagsalita si Roni.Tiningnan lamang niya ang kamay ni Borj na nakalahad sa harapan niya.Pinag-iisipan niyang mabuti kung dapat na ba niyang tanggapin si Borj sa buhay niya.
Humugot din siya ng malalim na buntong-hininga at dahan-dahang nag-angat ng mukha saka direktang tumingin kay Borj.
"Yes" sabay abot nito sa nakalahad na kamay ng binata.
Sigawan at palakpakan ang narinig sa lahat.Masayang-masaya sila dahil sa wakas, alam nilang magiging masaya na din ang dalawang taong naudlot ang pag-iibigan dahil lamang sa naging maling desisyon.
Mahigpit na napayakap si Borj kay Roni.Ramdam na ramdam ng dalaga kung gaano kahigpit ang yakap na 'yun.'Yung yakap na tila ba ayaw ka na siyang pakawalan pa.
"I love You, Roni" narinig niyang bulong ni Borj habang mahigpit na nakayakap sa kanya.
"I love you,too.Borj" sagot naman niya dito.
Naluluha na talaga si Roni sa sobrang saya.Buong akala talaga niya, hindi na niyang makikita pa si Borj.Buti na lang pala, si Borj ang ginawang bestman ng kuya Yuan niya,kaya hayun,muling nagkrus ang mga landas nila.At sa.muling pagkikitang 'yun, sila pa rin ang naging magkatadhana.
Hello mga sissy..Enjoy reading😍
Please leave your comments ang hint the 🌟 button...Proud StefCam fan😍
BINABASA MO ANG
💖Borj 2💖
FanfictionAng kwentong ito ay iikot sa naudlot na pag-iibigan nina Borj at Roni. Kung sa "Borj 1" ay kinilig kayo at natuwa sa kwento nila, dito matutunghayan natin kung paano kaya kung si Roni naman ang maghahabol at aasa kay Borj.Magkaroon pa rin kaya ng h...