Chapter 9

380 27 0
                                    

Tok!Tok!Tok!

Marahang sunod-sunod na katok ang ginawa ni Borj.Maya-maya ay bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Tricia.

"Babe,hello" tila nasurpresang wika ng dalaga nang makita ang kasintahan.

"Halika Babe,pasok ka" nakangiting bati niya sa kasintahan.

"Babe,wait,i'll get some drinks" at mabilis itong nagtungo sa kusina ng bahay para kumuha ng maihahanda sa binata.

Tahimik lang na naupo si Borj.At hinintay na muli ang pagbabalik ni Tricia.

"Babe,here..uminom ka muna" sabay lapag nito sa pitsel na may lamang jiuce.

Tahimik na ngumiti lang si Borj.Naging kapuna-puna kay Trisha ang pananahimik na 'yun ng binata.

"Babe,kanina ko pa napapansin, tahimik ka.May problema ba?" Tanong nito.

Hindi nagsalita si Borj .Blangko ang ekspresyon nito na tumingin sa kasintahan.

"Borj, alam ko,nararamdaman ko, may gumugulo sa'yo ngayon...Ano ba 'yun?"kulit na tanong ni Tricia.

" Babe,naalala ko nung nagkita tayong muli sa America.Ganyang-ganyan ang hitsura mo .Tulala, seryoso, tahimik.So, sabihin mo na sakin kung ano yung gumugulo sayo"pamimilit pa rin ni Tricia kay Borj na tila wala yatang balak basagin ang pananahimik.

" Alam ko na.Si Yuan ba, kasi nag-pakasal na siya at mahirap nang hagilapin ang bestfriend mo" marahang iling ang isinagot nang binata sa halip na magsalita.

" Ok kung hindi si Yuan, baka naman sina Junjun o Tonzy.Kasi namimiss mo na silang makabonding.Am i right babe" tila pangungulit pa ring wika ni Tricia.

Sunod-sunod na iling lang ang itinugon ni Borj ngunit nanatili pa ring tahimik.

"Ok..Kung hindi si Yuan,Junjun at Tonzy,baka naman si Roni" napipikon na wika ni Tricia.Noon lamang kumibo si Borj at sumulyap sa kasintahan.

"So, tama ako.It's about Roni" nalungkot bigla ang tinig ni Tricia at nawala ang ngiti sa labi.

"So after all these years, si Roni pa rin pala" tumabang ang mood ni Tricia.

"Babe,makinig ka sakin" at hinawakan ni Borj ang kamay ng kasintahan.

" Mahal kita alam mo yan" seryong wika muli ni Borj.

" Pero si Roni pa rin di ba!Borj, hindi ako manhid.Nararamdaman ko 'yun.Alam ko nasasakatan ka pa rin sa tuwing nakikita mo sina Roni at Basti."umiiyak na si Tricia.

" Minsan,tinatanong ko ang sarili ko.Ano bang meron si Roni na wala ako?" Umiiyak pa ring wika ni Tricia.

" Babe,i'm sorry.Pero gusto kong maging honest sayo.Mas magiging mahirap para sa ating dalawa kung patatagalin natin ito"malungkot ding wika ni Borj.

" Paano na ang kasal natin?"tila nanunumbat na tanong ni Tricia.

Hindi sumagot si Borj.Malungkot lang itong napatungo subalit nanatili pa ring tahimik.

Tumayo si Tricia upang akmang tumakbo palayo kay Borj,subalit, maagap itong napigilan ng binata.

" Tricia,i'm sorry"bulong niya sa dalaga.

"Malungkot siyang hinarap ng dalaga.Umiiyak pa rin ito.

"Borj,kapag tinalikuran na kita, huwag mo na akong tatawagin pa.Huwag mo na rin akong susundan.Hayaan mo lang na iwan kita dito, Borj." umiiyak pa ring wika ni Tricia at saka masuyong humalik sa pisngi ng binata.At tumalikod na sa dating kasintahan at malalaki ang hakbang na tinungo ang sariling kuwarto.

Napakuyom ang palad ni Borj.Tama ba ang ginagawa niya ngayon?Tama bang sirain niya pati ang relasyon nila ni Tricia.

Si Tricia ang ex-girlfriend niya.Muli silang nagkita sa Amerika noong nagkaroon ng pagkakataon .Kasalukuyan siyang nagpapahilom ng sugat sa puso noon nang muli ngang magtagpo ang landas nila noon.Buong akala niya, tuluyan na niyang nakalimutan si Roni, akala niya, nakapag-move-on na nga siya .Pero akala lang pala niya ang lahat.Dahil ngayon, na realized niya na si Roni pa rin ang nag-iisang espesyal na babae sa buhay niya.

Malungkot siyang lumabas ng bahay nina Tricia. Bago siya tuluyang sumakay ng kotse, naisipan niyang lingunin ang kuwarto ni Tricia.Hindi nga siya nagkamali.Nakasilip pa rin si Tricia at malungkot na kumaway sa kanya.Akmang kakaway din siya dito subalit mabilis na nitong ibinaba ang kurtinang nakatabing sa bintana ng kuwarto nito.

Wala na siyang nagawa kundi ang sumakay sa kotse.Magulo ang utak niya.At sa sandaling iyon hindi niya alam kung sino ang dapat puntahan at kausapin...

Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho ng kotse.Hanggang sa sumapit siya sa subdibisyon kung saan nakatira sina Yuan at Missy.

Kailangan niyang makausap si Yuan.At kailangan niyang mailabas ang lahat ng nasa loob niya.Dahil hindi niya kayang sarilinin ang lahat.Bumaba siya ng kotse at kumatok sa bahay ng pinakamatalik na kaibigan.

"Borj" si Missy ang bumungad sa kanya.

"Missy.Nandiyan ba si Yuan?" Seryosong tanong nito.

"Oo Borj,nandito siya.Pasok ka" at binuksan nito nang maluwang ang pintuan para papasukin siya.

"Salamat" nakangiting tugon niya .

"Hon, nandito si Borj" tawag ni Missy sa asawa.

Maya-maya nga ay bumaba na ng silid si Yuan.

"Uy pare,mabuti napasyal ka?kumusta?" Tanong ni Yuan sa bestfriend nito.Sabay tapik pa sa balikat nito.

"Hindi ok pare!" Matapat na sagot ni Borj.

" Huh..teka,anong ibig mong sabihin na hindi ka ok" takang tanong ni Yuan.

" Naghiwalay na kami ni Tricia"saad naman agad ni Borj.

" Ano, bakit?teka anong dahilan"sunod-sunod na tanong ni Yuan sa kaibigan.

" Pare, akala ko kasi si Tricia ang mahal ko eh,pero hindi pala.Iisang babae pa rin pala 'yung minamahal ko ng sobra-sobra"salaysay ni Borj.

" Eh, kung hindi si Tricia, sino yun?"kunot noong tanong ni Yuan.

" Pare, alam mo naman.Si Roni lang ang babaeng 'yun"direktang sagot nito kay Yuan.

Napakamot sa ulo si Yuan.

" Teka,teka 'tol ha.Alam mo namang may Basti na si Roni di ba"

" Hindi pare, matagal na silang hiwalay ni Roni. At kung papayagan mo ako, nakahanda akong patunayan sa kapatid mo, kung gaano ko siya kamahal" walang gatol na wika nito.

Nagkatinginan sina Missy at Yuan.

" Borj,pare, nasa tamang edad na ang kapatid ko.Siya lang ang magdedesisyon pagdating sa bagay na yan" at tinapik nito ang balikat ng kaibigan.

" Salamat pare"nakangiting wika ni Borj.

At bukod doon,kung saan-saan pa nadako ang usapan nilang magkaibigan.At naikuwento na rin ni Borj kay Yuan ang napag-usapan nila ni Basti noon tungkol kay Roni.

Hello mga sissy..Enjoy reading😍
Please leave your comments ang hint the 🌟 button...

Proud StefCam fan😍

💖Borj 2💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon