Matapos ang mahabang usapan at masayang salo-salo ng magkakaibigan ay nagkayayaan na ding umuwi. Tahimik at mabibigat ang mga paang humakbang si Roni palabas ng kinainang restaurant.
"Roni,sandali.Ihahatid na lang kita pauwi" Pahabol na wika ni Basti.
Malungkot na humarap si Roni sa binata.
" Ok lang Basti kaya ko namang umuwi nang mag-isa.Saka may dala akong sariling kotse."seryosong wika nito.
" Kelan mo balak sabihin sa kanila?" Malungkot na tinig ni Basti.
Sunod-sunod na iling ang itinugon ng dalaga.
"H-hindi ko alam Basti.Pwede bang huwag na lang muna. Parang ang hirap-hirap sabihin sa kanila eh.Lalo na ngayon uuwi si Borj"
" Kung yan ang desisyon mo Roni,ikaw ang bahala.Pero, alam mo naman na narito lang ako lagi para sayo" seryosong wika nito.
Matipid siyang ngumiti sa binata.Maya-maya pa ay binuksan na nito ang pintuan ng sariling kotse at tahimik na sumakay.
"Goodbye Roni,ingat ka ha"
"Thank you Basti".
----------------------------------------------------------
Pagdating sa bahay, hindi dalawin ng antok si Roni. Naka ilang beses na siyang nagpabali-balikwas sa malambot na kama subalit hindi pa rin siya dalawin ng antok.Iisa ang tumatakbo sa isipan niya.
Si Borj.Uuwi si Borj at magkikita na muli silang dalawa.Hindi man niya tahasang aminin, subalit ang katotohanan ay nasasabik siyang muli na makita ang binata.Ilang taon din silang hindi nagkita ni Borj. Lumayo ang binata para kalimutan ang sugat sa puso na walang ibang nagdulot kundi siya.Pinili niya si Basti. Nasaktan niya si Borj. Lumayo si Borj para magpaubaya kay Basti.At nangakong babalik kapag handa nang muli silang magkaharap.
So,yun na nga.Nalaman niya na uuwi na ang dating manliligaw na nagkaroon din naman ng malaking puwang sa puso niya.Malamang, nakamove-on na ito.
Tumingin siya sa relong nasa dingding.Alas-onse na ng gabi subalit ang diwa niya ay patuloy pa rin sa paglalakbay.Patuloy sa pag-iisip.Noon, ganung oras ay tulog na dapat siya.Subalit ngayon, talagang napupuyat siya sa pag-iisip kay Borj.
Bumangon siya sa higaang kama. Binuklat ang mga lumang photo album kung saan naroon ang mga larawan nilang magkakaibigan noong mga bata hanggang magdalaga sila at magbinata naman ang iba.
Nangingiti niyang pinagmasdan ang larawan ni Borj.
Agad-agad ay nagflashback sa kanya ang nakakakilig na eksena at mga hirit ni Borj noong panahong nanliligaw pa ito sa kanya.
Naalala niya noong wedding day nina Lolo Miyong at Lola Seling, yun ang unang pagkakataon na umamin sa kanya si Borj na "crush" daw siya nito.Noon din niya napagtanto na may special feelings din pala siya para sa binata.Pero, hindi pwedeng maging sila.Mga bata pa sila noon at mahigpit na tinutulan ng Kuya Yuan niya ang sana'y balak na panliligaw sa kanya ni Borj noon.Nauwi pa nga sa pag-aaway at suntukan ang isyung 'yun.Pero, mas matimbang kay Borj ang pagkakaibigan.Mas pinili nitong makipag-ayos kay Kuya Yuan at magkasundo na hindi na siya liligawan maibalik lang ang dating pagkakaibigan ng kuya niya.
Isa pang eksena ang hindi niya malimutan sa school.Sobrang na-aapreciate niya ang ginawa noon ni Borj.Pagsabayin ba naman ang practice ng basketball at ang meeting sa balak nilang pagsali sa role play.Kahit pagod na pagod na si Borj noon,pinilit nitong pagsabayin ang dalawang mahalagang activities sa buhay niya, para lang lagi daw niyang makita at makasama si Roni.
Naalala din niya noon, umamin din sa kanya si Borj na mahal siya nito.Pero dahil Romeo and Juliet ang peg ng lovestory nila noon,hindi naging sila.
Minsan pa nga ay tinanong siya ni Borj kung ni minsan ba ay hindi siya nagkagusto sa lalaki.Magaan sa kalooban nung aminin niya rito na nagustuhan din naman niya si Borj.Kaya lang hindi pa talaga siya ready magka boyfriend noon dahil bata pa sila at isa pang dahilan "Borj and Roni against the world" ang naging sitwasyon nila noon.Naunawaan naman iyon ni Borj.Kaya nangako pa nga itong " kahit daw tumanda pa sila,eh,hihintayin pa din daw siya nito".
Dahil hindi pwedeng maging sila noon, nagkaroon si Borj ng pagkakataong manligaw at makakilala ng ibang babae.Si Tricia 'yun.Ang matibay na Borj at Roni loveteam, ay napalitan ng
" Borj-Tricia".Noon niya naramdaman sa kauna-unahang pagkakataon ang masaktan. Masakit dahil nabaling sa iba ang atensyon ni Borj.Pero, hindi pala talaga tuluyang mabubuwag ang marubdob na pagmamahal ni Borj sa kanya.Dahil hindi nagtagal ang relasyong Borj-Tricia.At nang ungkatin niya kung bakit sila naghiwalay ng ganung kabilis, seryoso at punong-puno ng sensiridad na inamin nito na iisa lang talaga ang babaeng mahal niya.At sa ikalawang pagkakataon,sinabing muli ni Borj sa kanya, na siya pa rin ang mahal nito.Buong akala niya noon,may magandang patutunguhan ang tungkol sa kanila ni Borj.Pero, hindi niya alam na magbabago ang lahat dahil nakilala niya si Basti.
Malaki ang naging papel ni Basti sa buhay niya.At noon, pinili niya si Basti kumpara kay Borj.
Iyon ang naging pinakamabigat at napakamakasariling desisyong ginawa niya.Ang piliin niya si Basti at masaktan si Borj. Dahil sa desisyon niyang iyon, nagawang magpakalayo-layo ni Borj para lumimot.Para iayos ang buhay.Para buuin ang nawasak na puso.Nagpaubaya si Borj kay Basti.Pero, ang hindi alam ni Borj, at ng kanyang mga kaibigan, na hindi rin nagiging maganda ang takbo ng relasyon nilang dalawa.
Lumilipad pa ang isipan ni Roni sa pag-alala sa nakaraan ng maramdaman niyang mabilis na palang umaagos ang mga luha niya.Mabilis niyang pinahid ang mga luhang iyon at muli nang isinara ang lumang photo album.
Muli siyang nagtungo sa kama at mariing ipinikit ang mga mata.
Sa wakas, dala marahil ng matinding kalungkutan, dinalaw din siya ng antok at tuluyan nang namigat ang kanyang mga mata.
Hello mga sissy..Enjoy reading😍
Please leave your comments ang hint the 🌟 button...Proud StefCam fan😍
BINABASA MO ANG
💖Borj 2💖
Fiksi PenggemarAng kwentong ito ay iikot sa naudlot na pag-iibigan nina Borj at Roni. Kung sa "Borj 1" ay kinilig kayo at natuwa sa kwento nila, dito matutunghayan natin kung paano kaya kung si Roni naman ang maghahabol at aasa kay Borj.Magkaroon pa rin kaya ng h...