Chapter 6

372 26 1
                                    

"Kriiiinnngggg!"
Agad na dinampot ni Roni ang telepono sa kanyang resto.

"Hello" sagot niya sa kabilang linya.

"Roni, si Kuya Yuan mo ito" sagot sa kabilang linya.

"Oh kuya,kumusta..Ano,magkakapamangkin na ba ako?" Natatawang tanong niya sa kapatid.

" Ano ka ba naman Roni, hindi naman ganun kabilis 'yun.Nandito kami sa bahay"sagot ng kuya niya.

" Talaga.Kasama mo si Missy?"sabik na tanong niya.

" Hindi nagpaiwan muna siya kina Lola, pero susunduin ko din mamaya" paliwanag ng kapatid.

" Eh sinong kasama mo?"kunot noong tanong niya.

" Nandito kami sa bahay.Kasama ko si Junjun,Tonzy at Borj"

Agad naramdaman ni Roni ang pagbilis ng tibok ng puso niya nang marinig pa lang ang pangalan ni Borj.

"So anong ginagawa ninyo diyan sa bahay?" Tanong ni Roni.

" Well,ipagpapaalam ko sana sayo Roni na pakikialaman ko muna yung nga drums ko ha.Tutugtog lang kami.Medyo namimiss lang namin yung tumugtog."mahabang paliwanag ng kapatid.

" Ok sige kuya, sayo naman yun eh,bakit ipagpapaalam mo pa sakin"natatawang sagot naman niya.

" Eh kasi, baka magalit ka kapag kinibo ko 'yung stock room.Alam ko naman na ikaw lang ang masipag maglinis nun"natatawang sagit ng kapatid.

" Sus..nambola pa Sige..sige kuya..madami ng costumers dito.Have fun"sabay baba na niya ng telepono.

Pagkababa niya ng telepono. Umandar ang pilyong utak niya.Nasa bahay si Borj.Kailangang makauwi siya sa bahay para makita niya ang binata.Tiyak na magtataka naman ang kuya niya.Ano ba ang pwedeng idahilan o gawing rason kung bakit siya uuwi nang maaga?

Wala pang matinong dahilan na naiisip si Roni pero agad na siyang tumayo at lumapit sa manager ng resto.Nagbilin na lamang siya dito at maya-maya nga ay lumabas na ng restaurant.Bahala na lamang kung ano ang maiisip niyang dahilan kung sakaling may magtatanong.

Sumakay na siya ng kotse at desididong pinaandar ang kotse pauwi ng bahay para lamang makita si Borj.

Ilang sandali pa ay nakapark na ang kanyang kotse sa tapat ng bahay nila.Nasa labas pa siya ng gate ay naririnig na niya ang malakas na kalampagan ng gitara at tambol ng kuya niya.

Tila nga nagulat si Yuan nang makita ang kapatid na maagang umuwi ng bahay.

"Oh Roni, bakit ang aga mong umuwi?" Takang tanong ng kuya niya pagkakita sa kanya.

Nakaramdam siya ng pagkailang.Sa kanya kasi nakatuon ang atensyon ng apat na lalaki. si Kuya Yuan, Junjun,Tonzy at Borj.

"Ahm..." Hindi agad siya makaisip.nang magandang dahilan.

"Medyo sumama kasi yung pakiramdam ko kuya, kaya umuwi na lang ako" sa wakas ay naisip niyang dahilan.

"Ganun ba.Oh mabuti naman at naisipan mong umuwi nang makapagpahinga ka na Roni" sagot ng kuya niya.

"Guys,guys, mabuti pa siguro, next time na lang ulit tayo tumugtog para makapagpahinga ng ayos si Roni" wika ni Borj.

Halos mangiti ang puso ni Roni dahil sa naramdamang concern sa kanya ni Borj.Pero ayaw niyang umalis ang mga ito kaya pinigilan niya ang mga ito.

"Ok lang naman, Borj..Ituloy ninyo na yang ginagawa ninyo.Magiging ok din ako kapag nakapagpahinga" nakangiting wika ng dalaga habang diretsong nakatingin sa mata ng binata.

"Sige kuya, guys, sa loob na lang ako" paalam niya sa mga kapatid at kaibigan.

Binuksan niya ang pintuan para pumasok sa loob nang muli niyang marinig ang tinig ni Borj.

"Ahm Roni, uminom ka ng gamot ha para maging ok ka.Alam mo naman na kapag ok ka..Eh..ok na rin ako"hirit pa ni Borj.

Napangiti si Roni sa winikang yun ni Borj pero alam niya na nagbibiro lang ito.Dahil alam naman ng lahat na si Borj ay nakatali na rin sa iba .

Bago pa man niya lubusang maisara ang pintuan ng kanilang bahay.Malinaw na narinig niya ang biro ni Junjun kay Borj.

"Move-on Borj...move-on" narinig niyang tudyo ni Junjun.

At narinig din niya ang sagot ng binata.

"Pare, nakamove-on na ako" sagot naman ni Borj sa biro ni Junjun.

Narinig niya at napakalinaw sa pandinig niya ang sinabing yun ni Borj.At saka niya tuluyang isinara ang pintuan.Mariin siyang napapikit.Tunay naman nga pala, na ang salita ng tao ay nakakasakit. Dahil sa mga narinig niya kay Borj,wala man itong hawak na tabak subalit, napakasakit ng naidulot na sugat.Noon niya namalayan na umaagos na palang muli ang kanyang luha.Hindi niya namalayan na nasa harapan na pala niya ang kanyang mommy.

"Oh Roni, ano bang nangyayari sayo?" Takang tanong ng mommy niya.

Mabilis niyang pinahid ang mga luhang umaagos sa pisngi.

"Wala mommy.Medyo masama lang 'yung pakiramdam ko.Kaya umuwi na po ako para magpahinga.Sige Mommy ha..aakyat lang ako sa kuwarto ko"--at mabilis ang mga hakbang na tinungo na niya ang sariling kuwarto para doon ilabas ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman.Maya-maya ay naisipan niyang kumontak sa telepono.Matapos ang ilang pagriring..sa wakas ay may sumagot din sa tawag niya.
Kahit pa gumagaralgal ang boses niya ay pinilit niyang magsalita.

"Hello Basti"

Hello mga sissy..Enjoy reading😍
Please leave your comments ang hint the 🌟 button...

Proud StefCam fan😍

💖Borj 2💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon