Ipinarada ni Roni ang sariling kotse sa harapan ng kanilang bahay. Pero hindi agad niya magawang bumaba ng kotse dahil sa labis na pagkairita. Nag-away na naman sila ni Basti. Humugot siya nang malalim na buntong-hininga saka bumaba na ng kotse. Inayos niya ang sarili bago binuksan ang pinto papasok sa kanilang bahay.
Nagulat siya sa nabungaran. Kumpleto ang barkada.Naroon sina Junjun at Jelai, sina Borj at Tonzy, at ang kanyang Kuya Yuan at Missy.
Kahit masama ang mood niya, sinikap niyang ngumiti sa mga ito. Nagtataka lang siya kung bakit parang hindi rin maipinta ang mukha ng mga ito.
"Hi guys, nandito pala kayo. Ahmmm.. Kuya bakit hindi mo sila ipaghanda ng pagkain? " Wika ni Roni na nagpumilit pa ring ngumiti upang maipakita sa mga kaibigan na ok kang siya.
" Naku Roni, ok lang, huwag na kayong mag-abala. May pinag-usapan lang naman kami. Pero Roni, pasensiya ka na ha. Kailangan na kasi naming umuwi eh. Guys, maiwan na namin kayo, uuwi na kami ni Junjun.
Sabay tindig ni Jelai at sabay hila kay Junjun."Junjun, Jelai, sasabay na rin ako palabas." Sabay tindig din Tonzy sa kinauupuan nito.
" Ang daya ninyo naman, kadaratinh ko lang tapos aalis naman kayo" Hindi na napigilan ni Roni ang maghimutok.
" Sorry ha, next time Roni, kanina pa kami dito eh"Paalam ni Jelai at masuyong humalik pa sa pisngi ng pinakamatalik na kaibigan.
"Ahm.. Roni, nagtext na din si Kuya ko eh, kaya kailangan ko na ring umalis. Pwede ba akong magpahatid kay Yuan" Paalam din ni Missy sabay tindig na din sa kinauupuan.
"Ok.. ok lang" Nagtataka lang na tumango si Roni.
" Roni, ihahatid ko lang si Missy. Nandiyan naman si Borj, may maka kasama ka. Borj, dito ka muna ha, huwag mong iiwan si Roni hangga't hindi ako bumabalik"narinig pa niyang utos ng kuya niya sa bestfriend nito.
" Sige pare! "-maikling tugon naman ni Borj.
Naiwan silang dalawa sa loob ng bahay. Pasalampak siyang naupo sa sofa at saka naglabas ng himutok .
"Ano ba naman sila, dumating lang ako nag-uwian agad sila" naiiling na wika ni Roni.
Noon lang niya tiningnan si Borj. Napansin niya na malungkot ito at tila hindi mapakali sa kinauupuan.
"Uy Borj, Bakit? Anong problema mo?" Sabay tapik pa niya sa balikan nito.
"Huh" halatang nagulat si Borj sa ginawa ni Roni.
"Ahm.. Roni, kasi.. sinadya nilang umalis para makapag-usap tayo" narinig niyang wika ni Borj.
"Usap.. bakit, anong pag-uusapan natin" kunot-noong tanong ni Roni.
Umayos sa pagkakaupo si Borj, saka direktang tumingin sa dalaga.
"Kasi Roni, nagpaalam na ako sa kanilang lahat. Pasensiya ka na kung ikaw yung pinakahuling tao na makakaalam ng plano ko? "Malungkot pa ring wika ni Borj. Damang-dama sa anyo at pagsasalita nito ang bigat ng kalooban.
"Teka Borj ha, hindi ko maintindihan eh.. Anong nagpaalam? Saka anong plano ang sinasabi mo? "Ungkat niya sa binata.
Humugot nang malalim na buntong-hininga ang binata saka muling nagsalita.
" Roni, alam mo naman na hindi madali ang pinagdadaanan ko ngayon di ba. Nag-usap na kami nina Lolo at Lola. N-Nagkasundo kami na sumunod na lang kay Mommy sa America" kahit putol-putol, naitawid ni Borj ang gusto nitong sabihin sa kanya.
Natahimik si Roni. Hindi agad siya makahagilap ng tamang sasabihin.
" Roni, alam ko naman na masaya ka na ngayon kay Basti. Kaya siguro, or dapat lang talaga na bigyan ko muna ng pagkakataon ang sarili ko na mag-isip-isip, dun sa lugar na malayo sayo. Malayo sa inyong lahat, baka sakaling mawawala yung sakit na nararamdaman ko"Malungkot na wika ni Borj.
Hindi pa rin makapagsalita si Roni. Pero naramdaman niya ang biglang pag-agos ng luha niya sa pisngi.
"Borj.. Borj hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano kita pipigilan" umiiyak na wika ni Roni.
Mapait na ngiti ang ibinigay ni Borj. Hinawakan nito ang kamay ng dalaga.
"Roni, makinig ka. Hindi mo ko kailangang pigilan. Desisyon ko ito. Noon, alam ko may Roni na pwedeng pumigil sakin. Pero ngayon, nandiyan na si Basti, di ba, kaya alam ko, hindi mo na ako kailangang pigilan. "
" Hanggang kelan ka dun"tanong ni Roni.
Nagkibit balikat si Borj.
" Hindi ko alam Roni, 2 years, 3 years, four or five years.. hindi ko masabi. Pero babalik ako kapag kaya ko na kayong harapin na magksama ni Basti. "
Tuluyan pang umagos ang mga luha ni Roni. Hindi niya alam kung para saan ang mga luhang iyon. Kung dahil ba sa malulungkot at mamimiss niya si Borj sa pag-alis nito, oh dahil, ayaw niya lang umalis talaga ang binata.
"Roni, sana pag umalis na ako. Maging ok at masaya kayo ni Basti. Wala akong ibang hangad kundi ang maging masaya kayong dalawa."
Hindi na napigilan ni Roni ang sarili.Napatindig siya sa kinauupuan at mahigpit na niyakap si Borj.
" Mag-iingat ka lagi Borj ha"naiiyak na bulong pa ni Roni sa binata.
Naramdaman din ng dalaga ang ganting yakap ni Borj sa kanya.
Kung pwede lang niyang sabihin kay Borj, na huwag na lang siyang umalis dahil lagi naman silang nag-aaway ni Basti.Pero, bakit naman niya sasabihin yun.Pinili na niya si Basti over Borj di ba,kaya nasaktan ang binata.At ngayon nga ay nagdesisyon itong lumayo para magpahilom ng sugatang puso. Kailangang panindigan niya ang desisyon niya, at kung desidido din naman si Borj na umalis, wala rin naman siyang magagawa para pigilan ito.
Iyon na yata ang pinakamalungkot na sandali sa kanilang dalawa nina Roni at Borj ...
Saan kaya sila dadalhin ng tadhana?
Anong kapalaran ang naghihintay sa buhay-pag-ibig nilang dalawa?Haiiist..Paano sila magkakatuluyan,kung kinakailangang magpakalayo-layo ang isa para buuin ang wasak na puso?at ang isa naman ay kailangang maiwan para bumuo ng mas magandang mundo?
Hello mga sissy..Enjoy reading😍
Please leave your comments ang hint the 🌟 button...Proud StefCam fan😍
BINABASA MO ANG
💖Borj 2💖
FanfictionAng kwentong ito ay iikot sa naudlot na pag-iibigan nina Borj at Roni. Kung sa "Borj 1" ay kinilig kayo at natuwa sa kwento nila, dito matutunghayan natin kung paano kaya kung si Roni naman ang maghahabol at aasa kay Borj.Magkaroon pa rin kaya ng h...