#TUSOTM01
Guy in Dark Green Chinos
Orientation day ngayon. Maaga akong gumising at naligo. I wear the uniform provided to me by the school. Three pairs 'yun along with a breakfast tray and a flyer for the orientation. I touch my chest with my hand and whisper, "Thank you" to God. I feel so lucky and blessed to be given this kind of opportunity. Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako. Ganito siguro 'pag sobrang nipis ng mga mata mo.
I take a final look at myself in the mirror. Medyo may kahabaan na 'yung buhok ko kaya tinatali ko 'yun. I arranged my eyeglasses and smiled at myself which revealed my braces. I was an awkward type of person in everyone's eyes. Lalo na sa past school ko. I was bullied for being like this; very soft and feminine kahit na biologically, I was born male. Sometimes my identity is used against me. But their negative opinions on me didn't matter at all. I love me and that's all that matters.
Matapos akong mag-ayos ng sarili, kinuha ko na 'yung mga gamit ko. I scan the entire place baka may nakalimutan pa ako, at muli ko ring chineck 'yung tote bag ko. Sa tingin ko dala ko naman na lahat ng kailangan ko ngayong araw.
Naisip kong i-message si Trover para sabihin na I am all set to go. Sinabi niya kasi sa 'kin kahapon bago siya umalis na sasabayan niya raw ako today sa orientation at ililibot sa buong university para maging pamilyar sa 'kin ang lugar. Wala raw siyang klase kaya okay lang sa 'kin na sabayan niya ako. Kasi makakatikim talaga siya sa 'kin kung meron, at a-absent lang siya para samahan ako.
"Ay kalabaw!" gulat akong napaurong pagkabukas ko ng pinto nang tumambad na sa harapan ko si Trover. Inangat niya 'yung cellphone niya para ipakita sa 'kin 'yung chat ko sa kanya.
"Wow, dugong Flash!" manghang sambit ko.
"Naman!" pagyayabang niya.
"Papunta na ako rito when I received your chat. Tara?" I nod at him. 8 a.m magsisimula ang orientation para sa mga first-year scholars na Medicine students. 7:30 a.m na nasa 4th floor pa kami at sabi ni Trover nasa 8th floor pa 'yung sky room kung saan gaganapin ang orientation.
"Huy, pwede bang bilis-bilisan natin? Huwag tayong mag dilly-dally malapit na magsisimula ang orientation oh!" pang-aapura ko kay Trover nang mapansin kong bumabagal ang mga hakbang niya. Tahimik lang ito at hindi na nagsasalita.
"Masakit ba itlog mo?" Gulat naman napatingin sa 'kin si Trover at napa-halakhak sa huli.
"Oh my God!" reaksyon niya pero hindi ko na pinansin 'yun. "Ang concern ko, bilisan na natin. Ayaw kong ma-late."
"Shi.."
Ting!
"Uy! Bumukas na 'yung elevator dun oh! Bilis na!" hihilahin ko na sana siya patakbo dun, pero napabalik ako sa puwesto ko nang pigilan niya ako.
"Porjuporsanto naman, Trover! Ano na naman--?"
Ops. Napamulagat ako nang may kung ano akong narinig na kakatwang tunog sa hangin. Nagpipigil akong tumawa at huminga dahil ayokong malanghap 'yun.
BINABASA MO ANG
The Unseen Side of the Moon (BL STORY)
DragosteNagbago ang takbo ng buhay ni Shisu nang makapasa siya sa entrance exam para sa isang scholarship program sa Paramount University. Doon niya natutunang tumayo sa sariling mga paa. Kahit pa sabihin na kaya niyang makapasok sa prestihiyosong unibersid...