#TUSOTM04
His Anger
Isang linggo na ang nakalipas at paulit-ulit lang ang nangyari sa mga nagdaang araw na 'yun. Palaging tumatambay si Trover sa kwarto ko kapag wala siyang klase o pagkatapos ng klase niya. Madalas dinadalhan niya ako ng mga snacks at minsan naman 'pinagluluto niya ako ng paborito ko. Nanonood din kami ng mga movies sa gabi, at nagkukwentuhan din bago matulog na laging nauuwi sa pagtatalo.
Ganoon lang 'yung palagi naming ginagawa kapag kasama ko siya sa kwarto ko. Kahit sabihin kong kaya kong mag-isa at masaya ako kahit mag-isa, iba pa rin kapag nararamdaman ko ang presensya ni Trover sa paligid ko. Walang dull moments o dead air. Ang dami niya kasi kayang gawin at hindi siya nauubusan ng kabalbalan.
Madalas sa kwarto ko na siya natutulog pagdating ng gabi dahil palusot niya, gabi na at baka raw pag-aagawan siya sa labas. Kaya hinahayaan ko na lang siya sa huli tutal malawak naman 'yung kama ko at kasyang-kasya kaming dalawa roon. Sanay na akong makatabi matulog si Trover. Kahit noong high school pa lang kami palagi na siyang pumupunta sa bahay at doon na madalas natutulog. My parents and his are best friends kaya siguro na-emulate din namin 'yun.
Pero, isang beses kinausap ako ni mama at sinabi sa 'kin na iwasan ko na raw si Trover at 'di ko alam ang rason kung bakit. Nasa college na siya nun kaya hindi ko na siya madalas nakakasama at hindi na rin siya pumupunta sa bahay namin. Aniya lagi sa tuwing nakakausap ko siya sa Messenger ay marami siyang ginagawa. Bukod sa masyadong kumplikado raw ang kursong pinasok niya, isa rin siyang active student leader.
Malimit ding nagko-cross ang landas namin ni Peter kasama ang ibang seniors na kaibigan niya. Sila kasi 'yung inatasan na mag-guide sa mga freshman scholars sa Medicine Faculty sa lahat ng gagawin. Katulad nung Friday, Peter chatted me to meet him at the President's office para mag-organize ng mga files. I didn't tell Trover about it because for sure, he would tail around. And to add the fact na mainit ang dugo niya kay Peter kaya pinili kong ilihim na lang sa kanya ang tungkol doon. But if ever malaman niya, sa isip ko, parte ito ng responsibilidad ko bilang scholar at hindi ko maikakaila na may parte rin si Peter dito. Wala siyang dapat ikagagalit.
Malapit na mag-lunch time nung muli akong tinawagan ni Peter sa Messenger para papuntahin sa Office of the Student Affairs.
"Pwede mo na akong iwan dito." pagkatapos kasi akong turuan ni Peter kung paano i-organisa ang mga nakakalat na files dito sa office at kung saan-saan ang mga lalagyan nito ay umupo ito sa isa sa mga foamed seats doon at pinagmamasdan ako. Hindi lang kasi ako komportable na may nagmamasid sa ginagawa ko.
"Wala kang kasama rito," tugon nito. Gusto ko sanang sabihin dito na mas gusto kong wala akong kasama at nagmamasid sa ginagawa ko, pero wala akong maisatinig ni isang salita.
Ewan. Madaldal naman ako 'pag kasama ko si Trover. Hindi ko maintindihan kung bakit umuurong ang dila ko 'pag napapalibutan ako ng ibang tao.
"Did I make you feel uncomfortable?" mayamaya ay tanong nito sa 'kin. Pinalampas ko lang 'yun sa kabilang tenga ko at saka nagpatuloy sa pag-aayos ng mga files. Pero nagulat ako nang bigla na lang niya akong sinabayan umupo sa sahig.
"You need to get used to my presence. Madalas mo na akong makakasama," kaswal na sabi niya sabay kuha sa mga files na hawak-hawak ko at saka siya na ang nag-ayos ng mga ito sa lalagyan.
BINABASA MO ANG
The Unseen Side of the Moon (BL STORY)
RomanceNagbago ang takbo ng buhay ni Shisu nang makapasa siya sa entrance exam para sa isang scholarship program sa Paramount University. Doon niya natutunang tumayo sa sariling mga paa. Kahit pa sabihin na kaya niyang makapasok sa prestihiyosong unibersid...