#TUSOTM02
Messenger
Nang makapasok na kami sa food hall, una kong napansin ang detalye at magarbo na disenyo sa palibot. Kaunti lang ang estudyante na nakikita ko, pero malawak 'yung kapasidad ng lugar to accomodate a large population. Pansin kong may conservatory garden din sa kabilang banda sa dulo at may iilang fountain din ang nandoon. Nahahati 'yung lugar sa dalawang parte. May komportableng lugar para kumain at may area na rin para sa recreation o pwede sightseeing na rin. Napaka-prestigious ng university na 'to. Pati mga pasilidad dito hindi basta-basta sa opinyon ko. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit isa mga top schools sa buong Pilipinas ang P.U.
Pagkaraan ng ilang sandali, kumuha na kami ng tray at mga utensils at saka pumila. May mga nakahilera na na mga putahe sa counter at kailangan lang pumili at kumuha roon. Naunang kumuha 'yung apat na seniors at umupo sila sa pinakamalapit na pwesto. Kaming dalawa na lang ni Jeru ang naiwan sa pila at nagsasandok ng pagkain. Kada lumilipat ako sa ibang putahe, sinusuri ko muna 'yun bago kumuha kaya maya't maya akong nakakarinig ng reklamo mula kay Jeru na siyang kasunod ko.
"Hindi nakamamatay mga pagkain dito." I bite my lower lip sa narinig ko, pero hindi ko siya nilingon. Mababa ang pagkakasabi niya roon, pero mababakas ang sarkasmo sa tono ng pananalita niya. Kaya binilisan ko na lang ang pagsasandok ko para makaalis na rito.
Tahimik lang akong kumakain sa mesa habang masayang nagkukwentuhan ang mga seniors. Hindi ako nag-angat ng tingin at nag concentrate lang ako sa pagkain ko. Nakakahiya, wala akong maisip na pwedeng ibahagi sa kanila. Hindi ko naman sila ganoong ka-close pa para maging komportable na sumawsaw sa usapan nila. Isa pa, nasa tapat ko nakaupo ang Jeru na 'yun, at ayaw kong mag-angat ng tingin sa kaniya.
Lihim akong nagdasal na sana huwag nila akong pansinin. Na hayaan na lang ako sa ginagawa ko at magpatuloy lang sila sa pag-uusap nila hanggang sa matapos ako rito. Mas gusto ko 'yung hindi nila ako pinapansin o kinakausap. Pero, sadyang mapang-asar talaga ang langit dahil binigo agad ang dasal ko.
"Ah, Shisu?" napamulagat ako at hindi ko na malunok-lunok ang huling pagkain na sinubo ko dahil sa pagtawag sa pangalan ko. Inangat ko ang ulo ko at saka itinuro ang mala-lobong pisngi ko. Natawa si Peter sa ginawa ko. Sa kanilang lima, ito talaga 'yung pala-tawa at pala-salita.
"Sige, tapusin mo muna 'yang kinakain mo." sa huli ay sabi nito. Nagpatuloy sila sa pag-uusap at aksidente kong na-sulyapan ang pagngiti ni Jeru, pero mabilis din 'yun napawi. I tilt my head out of confusion sa nakita ko. Siguro namamalikmata lang ako.
"Wala ka yatang sushi sa plate mo ngayon, Jeru," puna ni Alice habang nakatingin sa plato ni Jeru. Mayamaya ay nag-pout ito. "Gusto ko pa naman 'yung lasa ng sushi from your plate."
"Wohoho smooth!" kant'yaw ni Logan na katabi lang din ni Alice.
"Iba talaga mga banat mo, lods. Paturo naman!" sabat ni Levi.
Madali kong natatandaan ang mga pangalan nila kahit isang beses lang sila nagpakilala kanina sa orientation. At pansin ko na hindi mahirap kaibiganin ang mga ito.
"I'm done. I have to leave." except dun sa isa na kakaalis lang. Hinabol ito ni Alice at saka kumapit sa balikat nito na tila ayaw nang mahiwalay pa. Nagkibikit-balikat lang 'yung tatlong seniors na naiwan dito sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
The Unseen Side of the Moon (BL STORY)
RomansaNagbago ang takbo ng buhay ni Shisu nang makapasa siya sa entrance exam para sa isang scholarship program sa Paramount University. Doon niya natutunang tumayo sa sariling mga paa. Kahit pa sabihin na kaya niyang makapasok sa prestihiyosong unibersid...