TUSOTM- 06.2

57 4 19
                                    

#TUSOTM06

Taksil


Alas tres na ng umaga, pero hindi pa rin ako dinalaw ng antok. Nakaupo ako sa study table ko at tanging 'yung lampshade lang ang nagbibigay ng ilaw sa 'kin ngayon. May mga materials pa kasi ako sa biochemistry na kailangan kong aralin. Sinubukan kong mag-pokus sa ginagawa ko pero sa huli napapasandal lang ako sa upuan ko at nag-aangat ng tingin sa kisame. Bukod sa lumilipad ang utak ko ngayon kay Trover, hindi rin ako mapakali dahil pakiramdam ko may mga matang nagmamasid sa 'kin. Pinaka ayaw ko 'yung may tumitingin sa 'kin kapag may ginagawa ako. Nasa sistema ko na 'yun na kapag ino-obserbahan ako ay bigla-bigla na lang akong nawawala sa pokus.


Sumulyap ako sa direksyon ni Jeru na noo'y payapang natutulog sa sofa malapit sa kama ko. Naka-posisyon ang katawan nito paharap sa 'kin. Wala itong pang-ibabaw na suot dahil basa 'yun at pinatuyo pa niya. Tanging maong sa pang-ibaba niya ang naiwan na suot-suot niya dahil katamtaman lang nabasa 'yun. Binigyan ko siya ng kumot pero hindi naman niya 'yun ginamit. Hindi raw niya kailangan. Napansin ko mayamaya ang maliliit na panginginig niya kaya tumayo ako at lumapit sa kanya para kumutan siya. Saglit akong napatitig sa mukha niya. Naka-side view siya at doon mas na-emphasize kung gaano siya ka-perpektong nilalang pagdating sa hitsura.


Pagkatapos ay bumalik na ako sa study table ko. I looked at the side and I saw an empty plate. Muli kasi akong kumain dahil hindi sapat 'yung tatlong doughnuts na kinain ko. Nagluto ako para sa 'ming dalawa ni Jeru kanina. Patutsada ng lalaki hindi raw siya makatulog dahil nagutom daw siya. Wala namang isyu sa 'kin 'yun. Ibinalik ko lang sa kanya 'yung pagtulong niya sa 'min ni Trover kahit sa simpleng paraan. Biyaya na ring maituturing para sa 'kin 'yung pagdating niya nung mga oras na 'yun. It was one thing that I couldn't just disregard.


Nagpatuloy ako sa pag-aaral. At aaminin kong minu-minutong sumasakit ang ulo ko dahil may ibang terminolohiya na hindi pamilyar sa 'kin at nang hanapin ko ang mga ito sa Google ay hindi ko rin maintindihan ang ibig sabihin niyon. Sinikap kong panoorin ang mga video materials na 'binigay sa 'min at ilang sandali ay unti-unti ko nang nasasaulo ang mga binabasa ko dahil malinaw na agad sa 'kin 'yun.


Nasa kalalim-laliman ako ng pagbabasa ko nang may maramdaman ako na biglan tumayo sa gilid ko dahilan para mapabalikwas ako sa inuupuan ko. "Oh, gosh!" halos hindi ko matitigan ang lalaki na nakatayo ngayon sa harapan ko dahil wala itong shirt!


"Ano'ng kailangan mo ba't nagising ka pa?!" mabilis na sabi ko habang nakatitig sa mesa ko! For a second, I didn't know about calm and the right words to say!


"May efficascent ka?" doon lang ako tumingin sa kanya at saka pinandidilatan siya ng mata. "Sumakit tiyan ko." he moved his right hand to touch his hurt part and I suddenly found my eyes following it! There I saw his six-pack abs and his well-detailed chest!


Agad akong nag-iwas ng tingin at mabilis na naglakad patungo sa drawer ko para kunin 'yung efficascent oil! Nang makuha ko 'yun ay muli akong bumalik sa harapan niya at ini-abot sa kanya 'yun habang nakatingin pa rin sa mesa ko! Matapos niyang kunin 'yun ay kumuha ako ng oversized sweater ko para ipasuot sa kanya!


"Oh!" abot ko rito habang nakatitig sa gilid ng tenga niya.


"Mag-aamoy efficascent 'yan."


"Bahala na! Magbihis ka!" mariing sabi ko!

The Unseen Side of the Moon (BL STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon