Chapter One

2.7K 102 16
                                    

WARNING: Ang kwentong ito ay tumatalakay sa isang suicidal na tao. Magiging sensitibo ang tema ng nobelang ito kaya pinapayuhan na ang may mahihina ang puso ay huwag nang magpatuloy sa pagbabasa. Inuunahan ko na rin kayo na isusumpa ninyo ako sa pagtatapos...










FIRST day of school. Usually kapag first day of school ay tinatamad ako pero wala akong choice kundi ang pumasok. Akala ko ay walang saya ang first day of school pero mali ako. Maling mali ako... Nakita ko siya at binihag niya agad ang aking puso. Ganito ba talaga ang inlove? Nagiging corny? Teka... inlove? Ako? Agad?


-----ooo-----


"NAINLOVE ka na naman!" Nagulat ako nang biglang sumulpot sa tabi ko ang bestfriend kong si Kevin. Sinamahan pa niya ang panggugulat niya ng batok. Natawa na lang siya sa akin nang masama ko siyang tignan.

Kakamot-kamot naman ako sa aking batok sabay sabi sa kanya ng "gago". Umayos ako ng pagkakaupo sa bench at hinawakan ang camera na nakasabit sa aking leeg. Isang babae na nakatayo sa gate ang kinunan ko ng litrato. Palihim. Stolen shot.

"Hoy, Alonzo! Pinapagamit sa iyo ng school ang camera na iyan para sa event dito sa school at hindi para kumuha ng picture ng crush mo! Petmalu ka rin, e. Sideline na 'yan, bro! Iba rin talaga ang galawan mo!" biro ni Kevin sa akin.

Inambahan ko siya ng suntok. "Tumigil ka nga. Hindi ko naman siya crush." Sinipat ko ulit ng camera ang babae at ilang beses na kinunan. Frame by frame.

"E, ano? Hindi daw crush pero kung kunan mo ng stolen grabe ka. Baka maubos ang memory ng camera na iyan. Lagot ka!" Napahinto siya sa pagsasalita at para akong suspek sa isang krimen tapos siya ang pulis na tinignan niya ako. " Teka, teka! 'Wag mong sabihing mahal mo na? Wow! Marunong ka nang magmahal. Binata ka na! Congrats!" Halos sakalin niya ako ng braso niya.

Marahas kong inalis ang pagkakasakal ng braso niya sa leeg ko. "Tumpak! Ganoon na nga." Muli kong kinunan ng picture ang babae. Iiling-iling na lang ako sa mga sinasabi ng aking bestfriend. Ang dami niya kasi agad nasabi.

Sabagay, ganoon naman talaga siya. Maingay. Ewan ko ba kung bakit kami naging magkaibigan ni Kevin gayong magkalayo ng ilang libong milya ang mga ugali namin. Mahiyain ako, makapal mukha niya. Maingay siya, silent-type naman ako. Magaling siyang dumiskarte sa mga babae habang ako ay isang dakilang torpe.

Ako nga pala ang nag-iisa at official na photographer dito sa school kaya binigyan ako ng school ng camera para kapag may event dito sa school ay may nagagamit ako. Tama naman si Kevin na para lang ito sa school pero hindi ko lang talaga mapigilan ang aking sarili na kunan ang babaeng iyon dahil sa ganda niya. Sobrang ganda niya sa aking mga mata. Madaming babaeng maganda dito sa school pero ang isang ito ay kakaiba. May something sa kanya na hindi ko ma-explain at nakuha niya ang aking atensiyon. At hindi ko talaga gawain ang kuhaan ng picture ang isang tao ng walang permiso nito. Ngayon lang talaga. Dahil sa babaeng iyon.

Last week ko lang siya nakita. First day of school noon. Obviously, transfer student. Parehas namin ni Kevin ay Grade 10 din siya. Nakita ko kasi siyang pumasok minsan sa room ng Grade 10 na katabi lang ng classroom namin. Nasa third section siya habang ako ay kasama si Kevin sa first section. Ang third section ay para sa medyo hindi marurunong na estudyante. Pero sa tingin ko ay hindi naman siya ganoon. Mukha naman siyang matalino. Siguro ay wala ng slot sa mga naunang section kaya doon siya inilagay. Sayang, sana naging magkaklase na lang sana kami para oras-oras ko siyang nakikita. Tapos malay mo, maging seatmate pa kaming dalawa. Mas nakaka-inspire mag-aral kapag ganoon. Nakikita mo palagi ang taong nakakapagpangiti ng puso mo. Naks! Corny ko na, a.

My Suicidal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon