Chapter Nine

273 29 8
                                    



HINDI madaling makalimutan ang first love. Iyan ang napatunayan ko makalipas ang apat na taon simula nang makilala ko si Celestina at bigla siyang mawala nang hindi nagpapaalam.

Apat na mabilis na taon ang lumipas... Sa loob ng mga taong iyon ay ginawa kong busy ang aking sarili sa pag-aaral at ngayon ay natapos ko na ang aking kurso na Information Technology. Dalawang taon lang ang kinuha ko. Gusto ko kasi na makapagtrabaho na upang makatulong sa aking nanay at tatay. Bago kasi ako matapos sa high school ay naaksidente ang tatay ko. Naputol kasi ang isa niyang paa nang mabangga ito ng isang truck. Simula niyon ay hindi na siya nakapagtrabaho. Medyo bumagsak ang aming buhay ngunit patuloy pa rin kaming lumalaban. Ginamit namin ang perang ibinigay ng dating company ni tatay para magtayo ng isang maliit na tindahan ng bigas sa harapan ng aming bahay. Sa pamamagitan ng maliit na negosyong iyon ay nakapagtaas ako kahit two-year course lamang.

Si Kevin naman, halos hindi na rin kami nagkikita. Sa ibang lugar na kasi siya nag-college at hanggang ngayon ay nag-aaral pa rin siya. Mas may kaya kasi sa buhay sina Kevin kaya kayang-kaya nitong mag-aral ng gusto talaga nitong kurso. Paminsan-minsan, kapag hindi ito busy ay nagkikita pa rin naman kami pero maswerte na siguro ang isa o dalawang beses sa isang buwan. Naiintindihan ko naman iyon dahil alam kong abala siya sa pag-aaral.

Ngayon, abala naman ako sa paghahanap ng trabaho. Iba't ibang kumpanya na ang pinag-applyan ko pero hindi pa rin ako sinuswerte. Halos araw-araw ay umaalis ako ng bahay para mag-apply. Way ko iyon para maging abala ako kahit hindi na ako nag-aaral. Kapag kasi mag-isa lang ako at walang iniisip, doon bumabaha ang sakit ng aking nakaraan dahil kay Celestina.

Celestina. Celestina...

Ano ba itong ginawa mo sa akin? Bakit hanggang ngayon ay masakit pa rin? Bakit hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang nasa puso ko? Bakit hindi kita kayang kalimutan?

Palagi ko pa rin siyang naiisip lalo na kapag bago ako matulog. Kung ano na ba ang nangyari sa kanya at kung nasaan na ba siya ngayon.

Gaya na lang ngayon. May interview pa ako bukas pero siya pa rin ang iniisip ko imbes na matulog na ako. Nakabukas ang radio ng aking cellphone at nakikinig lang ako ng mga nakakaantok na music na ipini-play ng isang radio station.

Mas lalo akong nalungkot nang biglang patugtugin ang kanta ng Eraserheads na Ang Huling El Bimbo. Natatandaan ko na iyang ang paboritong kanta ni Celestina. Tuwang-tuwa siya nang tinugtog iyan noon sa acquaintance party. Inaya pa nga niya akong sumayaw noon at tinuruan pa niya ako kasi hindi naman ako marunong sumayaw. Haay... ang sarap naman sariwain ng sandaling iyon namin ni Celestina!

Lumipas ang maraming taon 'di na tayo nagkita.

Balita ko'y may anak ka na ngunit walang asawa...

Bigla akong napabangon sa parteng iyon ng kanta. Hindi naman kaya... may asawa na ngayon si Celestina? Baka nga totoong nakipagtanan ito! Pero, ilan na kaya ang anak niya ngayon? Baka naman binubugbog siya ng asawa niya. Huwag naman sana dahil kung binubugbog siya, handa akong agawin siya sa kung sino mang asawa niya ngayon. Hinding-hindi pa rin ako pumapayag na may nananakit sa kanya!

Taga-hugas ka raw ng pinggan sa may Ermita.

At isang gabi, nasagasaan sa isang madilim na eskinita...

Sandali, baka naman... patay na siya! Baka katulad sa kanta ay nasagasaan siya o hindi kaya ay naholdap at sinaksak! Diyos ko! 'Wag naman sana!

Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw...

Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw.

Ginulo ko ang buhok ko sabay kuyumos ng mukha.

My Suicidal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon