Chapter Ten

274 35 2
                                    



"NAGTANGKA siyang mag-suicide... Naglaslas siya ng pulso niya sa banyo ng apartment kung saan po siya nakatira. Isinugod siya dito ng nagpakilalang landlady niya. She's stable na pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay dahil sa pampakalma na itinurok namin sa kanya. Kapag po kasi nagigising siya ay nagwawala siya nang husto. Isang araw na po siya dito at kahit isang relatives or friends ay walang dumadalaw sa kanya. Kaya pinakialaman na namin ang phone niya ay isang number lang ang nakita namin... at iyon po ay ang number niyo, sir..."

Habang tumatakbo ako papasok sa hospital kung saan sinabi ng babae na naroon si Celestina ay umaalingawngaw pa rin sa isip ko ang sinabi sa akin kanina ng babae tungkol sa nangyari kay Celestina.

Nasa fourth floor daw ang kwarto nito. Inilagay sa private room dahil nagwawala kapag nagigising. Gusto daw magpakamatay. Pati daw ibang pasyente ay inaaway.

Narating ko na ang fourth floor at hinanap ko agad ang numero ng kwarto kung nasaan siya. Walang pagdadalawang isip na pumasok ako nang makita ko ang numero ng kwarto na hinahanap ko.

Nagulantang ako nang makita ko na nagwawala siya habang pinipigilan siya ng dalawang nurse na lalaki.

"Alisin niyo ako dito! Gusto ko nang mamatay! Kapag hindi niyo ako sinunod, kakagatin ko kayo isa-isa!" sigaw nito. Halos tumilapon na ang mga nurse na umaawat dito.

"C-celestina..." mahinang bulalas ko.

Naging matagumpay naman ang mga nurse na maturukan siya. Maya maya ay tila nanghihina na napahiga na lang siya sa higaan. Maya maya ay pumikit na si Celestina.

"Kayo po ba ang boyfriend ng pasyente, sir?"

"Ha?" Doon ko lang napansin na nasa harapan ko na pala ang dalawang nurse. Hindi ko sila namalayan dahil hindi pa rin ako makapaniwala na pagkalipas ng maraming taon ay nakita ko na uli siya... si Celestina.

"Boyfriend po kayo ng pasyente?" ulit ng nurse sa tanong nito.

Tumango ako. "O-oo. Ako nga..."

"Mabuti naman o at dinalaw niyo na siya. Sana, tumigil na siya sa pagwawala kapag nagigising siya. Nakakaawa nga po siya kasi akala namin wala nang dadalaw sa kanya, e."

"Ganoon ba? Maraming salamat nga pala."

"Sige po..."

Pagkaalis ng dalawa ay isinara ko ang pinto.

Nanginginig ang buong katawan ko habang humahakbang ako palapit sa kanya. Nang tuluyan ko na siyang malapitan ay doon ko nakita na siya nga talaga si Celestina. Humila ako ng isang upuan at umupo sa tabi ng kanyang kama. Napaluha ako nang makita ko ang benda sa kanyang pulso.

Inabot ko ang isa niyang kamay na walang benda. Mariin ko iyong hinalikan kasabay ng paglaglag ng aking luha. "Celestina... a-anong nangyari sa iyo?" tanong ko sa kanya kahit alam kong hindi naman siya sasagot dahil sa itinurok sa kanya ng mga nurse.

Pinagmasdan ko ang mukha niya na matagal kong hindi nakita. Titig na titig ako doon dahil natatakot ako na baka isa lang itong panaginip tapos bigla na naman siyang mawala. Kahit medyo nagmature ang kanyang hitsura ay maganda pa rin siya. Medyo namayat nga lang siya at umitim ng kaunti. Tapos, gumaspang na rin ang kamay niya. Kahit tulog siya ay kita ko sa mukha niya ang hirap na pinagdaanan niya sa mga taong wala akong balita sa kanya.

"Hinding-hindi na ako makakapayag na magkahiwalay pa tayo, Celestina..." Pangako ko sa kanya habang siya ay natutulog. Muli kong hinalikan ang kanyang mga kamay.

Sana lang ay magising na si Celestina dahil alam kong magiging masaya siya kapag nakita niya ako na nasa tabi niya.

-----ooo-----

My Suicidal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon