Instead of choosing kung kaninong plato ako kukuha I decided to order for myself nalang para wala naman masabi yung isa if ever hindi ako kumuha sa plato niya.
I treated them with white peach tart narin for dessert. While waiting I checked my phone muna to see if there's new notifications or messages pero puro like lang iyong nakita ko.
Why I am scrolling I saw Diego staring at me. Medyo nailang ako kaya tumingin nalang ako ulit sa cellphone ko. Wait, Hindi ko pa na-confirm iyong follow request niya. I went to my notif and search for his name para ma-accept iyong follow request niya nakakahiya baka isipin niya na ayaw ko siya.
After I accepted his follow request saktong dumating narin iyong pagkain. My mouth watered because of the tart it looks so delicious.
After eating nagbayad na rin kami. Pinauna ko na silang bumalik dahil nag order pa ako ng isang tart iuuwi ko para kila manang. Sasakyan ni Alistaire iyong sinaksyan nila kaya wala siyang choice kung hindi ang sumabay narin sakanila. Diego was left with me para may sakyan ako pa-uwi.
After almost 20 minutes nakuha ko na iyong order. I thanked the staffs bago kami umalis.
Diego was quiet while driving kaya medyo awkward. Malinis iyong sasakyan niya mabango rin.
"Ah... Thank you pala," he said out of nowhere.
"Thank you for what?" I asked, wala naman kasi akong ginawa para pasalamatan niya.
"For accepting my follow request," he answered.
I just nodded before getting my tumbler dahil nauhaw ako bigla. I was drinking nang may madaaan kaming hump kaya nabuhos iyong tubig sa damit ko pati rin iyong upuan ng sasakyan niya.
"Oh my god, sorry, sorry," taranta kong sabi bago punasan iyong upuan ng sasakyan niya. My shirt is wet as well.
"It's okay, you don't have to worry matutuyo rin naman iyan," he said calmly while looking at me like he's assuring me that it's really okay.
"Your shirt is wet, do you have some extra clothes with you?" He asked while looking at my shirt.
"I don't have," I answered.
Inalis niya iyong seatbelt niya tsaka kinuha iyong bag niya sa backseat I thought naghahanap lang siya ng tissue para may maipunas ako sa damit ko dahil naubos na iyong tissue ko.
"Here," sabi niya habang inaabot saakin iyong white na polo shirt niya. Hindi ko sana kukunin kasi nahihiya ako pero wala akong choice. Hindi naman pwede na dadaan pa kami sa mall just for me to buy a new one kasi baka ma-late kami.
Kinuha ko iyon and I thanked him lalabhan ko nalang pagkatapos ko gamitin. Magtataka nanaman sila Ak kung bakit biglang ibang damit and suot ko pabalik ng school.
"Do you want to change here?" He asked.
"Can I?" I asked. Nahihiya akong magbihis sa harapan niya.
Napansin niya at na nag-aalangan akong mag-alis ng pang itaas na damit ko kaya lumabas muna siya. Nakakahiya naman. Libre na nga iyong pagsakay ko, nabasa ko pa iyong upuan ng sasakyan niya, tapos lumabas pa siya ang init pa naman sa labas.
I'll treat him anything nalng next time para makabawi sa abala.
Mabuti nalng at kauumpisa palang ng klase dahil kung hindi au takaw atensyon nanaman kami, ayoko ng ganoon.
I sat beside Ak and Diego sat behind.
"Ba't ang tagal niyo, tsaka bakit ibang damit n ang suot-suot mo?" Naguguluhang tanong ni Ak as expected I don't want to go into details kaya;
"There's a little accident lang," maikling sagot ko.
"Wait, are you wearing his shirt?" gulat na tanong niya na hindi parin makapaniwala kulang nalang mag hugis puso iyong mga mata niya nang dahil lang sa suot ko iyong damit ni Diego.
"Yes," sagot ko.
"OMG!!" Impit na sigaw nito bago kurutin iyong bewang ko. Dahil sa pagkgulat naitaas ko iyong kamay ko.
"Yes Mr. Fuji, what do you think is the answer?" Tanong saakin ni Sir Chad.
"Can you please repeat the question again sir?" I asked calmly.
"Maari ka bang tumakbo sa election kahit nakakulong ka?"
"If you are convicted with finality then you are barred for running sir," I answered before sitting down again.
"Correct, as what expected Mr. Fuji," he said before asking my another classmates another sets of questions.
Pahamak na Ak 'to mabuti nalang at nagbabasa ako kung hindi malalagyan ng mababng grade iyong index card ko.
"Pshh, easy question right Finlo?" pang-aasar saakin ni Ak.
"Pahamak ka, I don't even know if my answer is accurate or not, mabuti nalang at nag agree si sir," sabi ko sakanya bago makinig ulit.
After a hour or two natapos narin iyong class. We don't have any classes again until 2 pm kaya I decided to go home and changed my shirt para mailaba at maibalik ko na iyong damit ni Diego.
Aly and Lu decided to eat inside the campus sumama narin si Casper at Diego sakanila. Alistaire have another class kaya hindi na namin siya nakasama nang matagal bago kami umalis.
"Fin, can I go with you?" Ak asked me. It's been awhile narin since noong huli silang pumunta sa bahay. Maybe I should ask them to come over if I have time to prepare.
"Okay, what do you want to eat para masabihan ko na si Manang Lora?" I asked. Ak is not a picky eater naman pero maganda na iyong sure.
"Katatapos lang natin kumain kani-kanina lang tapos pagkain nanaman sinasabi mo, hindi ka ba nabubusog?" she asked like she's in disbelief.
"I love to eat, that's why," I answered.
"If what's available ayon nalang," sabi niya naman kaya nag agree nalang ako.
We're about to go to her car when I remembered the tart, naiwan ko pala iyon sa sasakyan ni Diego.
I decided to message him nalang para hindi na ako bumalik doon sa cafeteria.
'Hi I left the tart on your car earlier kasi sorry sa abala pero can I get it?"
'Oh okay wait, where are you?' Diego replied.
'We are at the parking lot'
'noted'
After a few moments I saw him running towards us.
"My car is over there, sasama ka pa ba?" He asked while pointing where his car is parked.
"Yes," nakakahiya naman pag hindi ako sasama eh ako ang may kailangan nung tart.
"Ak wait for me here," I said.
"Just take your time babe," she said before tapping my hand and winking.
It took almost 5 minutes bago kami makarating sa sasakyan niya.
"Here," he said bago i-abot saakin iyong box.
"By the way, lalabhan ko muna iyong shirt mo bago ko ibalik," I said.
"No need to return it, you can have it if you want," he said while giving me a shy smile.
"Okay, thanks for the shirt," I said.
"Ang tagal niyo naman, ano ginawa niyo doon?" Ak asked maliciously while driving.
"Shut up," I said dahil kung ano-ano nanaman ang pumapasok sa utak netong babaeng ito.
"By the way he said that I can have his shirt nalang," I said. Suddenly she stopped the car kaya muntik na akong malaglag sa upuan buti nalang naka seatbelt ako.
"Nice one Diego," she said before smiling widely.
"Ano ba meron bakit tuwang-tuwa ka?" nalilito kong tanong.
"Don't be so dense Finlo, he likes you," she said bago paandarin ulit yung sasakyan.
"He likes me pero hindi niya sinasabi saakin?"
