Chapter III

8.3K 428 87
                                    

Chapter 3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 3. End or Beginning

Napabuga na lang ako ng hangin at saka hinilot ang aking sentido. Cassia is so stupid for falling in love to someone like the a-hole two-faced crown prince.

Bakit ba kasi sa tulad pa niya nagkagusto si Cassia? Kung hindi sana siya nagkagusto sa lalaking iyon edi sana hindi siya namatay.

Pero teka nga. Bakit ba ako agitated at nagpapaka-stress dahil lang kay Cassia? If an avid reader of that novel hear me defending the side of the main villainess and talking shit about the male lead, I would have to receive lots of hate. Geez.

But really, why can't I stop myself from thinking about Cassia? She's the main villainess of the novel. Is it because we are somehow similar in a way that we both seek the feeling of being loved?

Tch. Yeah, whatever. But that's only it. I'm not like Cassia who's stupid on choosing a guy who had less interest and acts cold towards me.

Like, sinong tanga ang ipagpipilitan ang sarili nila sa taong harap-harapan kung ipakita ang pagka disgusto nila sa'yo?

Hindi ka lang tanga. Kundi isa ka ring saksakan ng pagka-martyr.

Who in the world would even want to be a laughingstock of the whole empire? None, right?

I snapped back nang marinig ko ang tunog ng pagkatok ng pinto. Napabaling ako doon at nakita si Belle na pumasok sa loob. Bumangon naman ako sa pagkakahiga at umupo ng naka-indian sit.

"Ari, uhm . . . Pwede bang ikaw na muna ang bumili ng ulam natin for dinner? Hindi ko pa rin kasi tapos 'yong thesis ko eh."

Nahihiyang sabi ni Belle habang pinaglalaruan ang kaniyang mga daliri. Ang cute cute niya talaga.

Hindi pa ganoon katagal na naging dorm mate ko si Belle. She's a sophomore who just transferred to Benison University just this semester. Kaya mag-po-four months pa lamang kaming magkasama.

"Sure. Ako na ang bibili," pagsagot ko. "Hmm . . . Then how about barbeque for dinner? I heard the new store just across the campus main gate just opened."

Nakita ko naman ang pagkinang ng mata niya nang banggitin ko ang barbeque. Mukhang gusto niya iyon.

"Kol! Barbeque na lang ang ulamin natin. Waaah! I can't remember when was the last time I ate barbeque, last last month pa ata iyon."

"Then barbeque it is," I smiled as I went down from my bed. I went to the cabinet to get some clothes, magpapalit muna ako ng damit. I pulled out my cream colored crop top, maong short, and my black jacket. I also reached my black cap from my study table.

"Belle, mag-saing ka na ng kanin sa rice cooker para kakain na lang tayo pagbalik ko, okay?" sigaw ko mula sa may pinto papasok ng CR. Nasa sala kasi bumalik si Belle para tapusin ang ginagawa nito.

Reborn : The Route to SurvivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon