*UNA*

668 64 0
                                    

(But before we start guys, iisang point of view lamang ito. At babae po ang magnanarrate. Don't expect too much please)

Nakasakay ako ngayon sa bus papuntang San Leonardo. Sabi naman ng aking pinsan may matitirhan din ako doon. Isang paupahang bahay pero kargo ng mayor. Dinala ko lahat ng gamit. Mula sa damit, pambahay at panlakad. Ilang gamit din panligo. At syempre allowance galing sa tiyahin ko. Ayaw ko tanggapin pero pinilit ako eh.

"Iha, gumising ka na, lahat halos bumaba na."

Naalimpungatan ako dahil sa isang boses. Ito pala ang konduktor.

"Patawad kuya. Sige po, salamat sa paggising."

Nakakahiya kay kuyang konduktor. Tinulungan din niya akong magbaba ng gamit. Sabi din ng pinsan ko may sasalubong sa akin. Baka naghihintay na nga yun.

"Ikaw si Shahara Garcia?" Tanong ng isang babae. Mga 30 taon na ito. Nakasuot ito ng asul na blusa at paldang itin na di gaanong maikli.

"Opo. Kayo ba sundo ko?"

Tumango ito sa akin.

"Patawad kung natagalan. Kanina ka pa yata naghihintay."

"Hindi naman. Ako pala si Joan. Ang ganda mo pala sa personal."

Nakipagkamay ito sa akin habang sinasabi iyon. Ngiti nalang ang itinugon.

"Sumakay na tayo sa kotse at ihahatid na kita sa tutuluyan mo. Doon na rin kita tuturuan sa dapat mong gawin."

Marunong pala ito magmaneho . Ilang oras pa ang lumipas  narating namin ang barangay Burgos. Malapit lang daw ito sa munisipyo.

Tahimik ang barangay. Amoy ko ang probinsya. Presko ang hangin. Tumigil kami sa isang paupahang bahay. Bumaba si Joan at sumunod na rin ako.

"Ito ang paupahang bahay na titirhan mo. Ibaba natin gamit mo."

Nagtulungan kaming ibaba ang mga ito. Sinalubong kami ng lalaking nasa 50 taon na siguro.

"Aba! kay Mayor ba ito" Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi. Tunog bastos.

"Kuya Alfredo naman. Susumbong kita kay Mayor. Huwag kang magkakamali. Baka mawalan ka ng paupahan at babaeng boarders dito."

"Ikaw naman Joan. Basta kay Mayor, kanya lang talaga."

"Saan ba si Aling Salud?"

Ramdam ko na kilala na ito ni Joan dahil sa kanilang pag-uusap.

"Ayun, nagsusugal siya. Hinayaan ko nalang dahil di naman ako inabala sa panchichixx ko eh."

Nginitian na lang ito ni Joan. Inakyat na nito ang gamit ko patungo sa kwarto. Napapadaan kami sa ibang kwarto. Halos babae ang nakikita ko dito.

Narating namin ang kwarto.

" Ito ang magiging kwarto mo iha, talagang pinalinis namin yan  at malambot ang kama." Nakangising sabi nito. Umiwas nalang ako ng tingin.

"Iwan mo na kami Kuya Alfredo. May pag-uusapan kaming dalawa." Umalis na agad ito. Nakahinga ako ng maluwag.

"Hay naku, pumasok na tayo. Magrelax ka lang dyan Shahara. Huwag mo siyang pansinin. "

Malinis na ang kabuuan ng kwarto. May maliit mesa at lalagyan ng damit.

"Yung banyo pala, pero pwede kitang tawaging Hara dahil nakakabulol ang pangalan mo?" Tumango ako. "Ah, yung banyo pala nasa baba yun.At yung paliguan na din sa baba din."

"Ano pala magiging trabaho ko rito? Sabi kasi ng pinsan ko na kapalit niya ako sa trabaho niya dati."

"Sa Totoo lang, hindi pagiging admin staff ang trabaho mo. Meron ng kapalit si Rose, yung pinsan mo. Ang trabaho mo ay personal assistant ni Mayor. Ikaw ang sasama sa kanya sa imprtanteng lakad Niya."

"Pero? Bakit ganun? Akala ko Kasi." Pagrereklamo ko.

"Hara, si Mayor ang kusang nagdesisyon nun. Kanina Niya lang sinabi sa akin. Ang mga salita ni Mayor hindi na yun pwedeng ibahin. Huwag kang mag alala galante siya magpasahod."

Tatawagan ko talaga si Rose para linawin ito.

"Naiintindihan ko."

"Huwag kang malungkot dahil si Mayor gwapo yun . Talagang di ka magsasawa tingnan siya."

Napagaan ang loob ko sa sinabi nito. Napaisip tuloy ako ano ba hitsura ng mayor na yun.

"Susunduin Kita bukas para pumunta sa mansion nila. Sa ngayon, ipahinga mo yang utak at puso mo. Tomorrow is a big day for you."

Umalis na nga ito pero kinawayan pa ako.
Nagsimula akong maglabas ng gamit ko sa malaking bag ko. Inayos ko ito sa maliit na lagayan. At mga personal kong gamit. Pagtapos nito ay tumawag ako sa pinsan ko. Sinagot naman agad niya.

"So, how was the trip to San Leonardo?"

"Pakipaliwanag nga babae kung nabudol yata ako dito. " Hindi muna ito nagsalita. Hay naku! Makukurot ko sition ba need mo?"

She has no idea kung ano napasok ko.

onal assistant? Akala ko ba papalit ako sayo "

"Ano? wala akong alam dyan. Sino nagsabi sayo"

"Si Joan. Sabi daw ni Mayor."

Nanahimik naman ito ulit.

"Rose , huwag kang tumahimik dyan. Sabihin mo ang totoo. Balak mo akong patayin?"

"Sus, patay agad." Bahagya pa itong natawa. Nainis tuloy ako. "Swerte mo pinsan dahil matitigan mo ang gwapo niyang mukha araw-araw."

"Tumigil ka dyan. Magpapakasal ka lalandi ka pa. "

Mas lalo itong natawa . Galing mang goodtime. "Ayaw mo nun, araw-araw mong makikita ang gwapo niyang mukha. Best of luck!"
Nagpaalam na ito.

Nahiga na ako sa kama. Sàan ba ako maghahapunan ? Yun ang pinagtataka ko. May kainan ba sa baba? Iidlip muna ako dahil nakakapagod.

=UNANG KABANATA MGA MADAM/SIR!

TAMING HIS HEART(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon