*DALAWA*

417 59 0
                                    

Nagising ako sa isang katok. Kinabahan ako bigla kaya bago ko buksan ang pintuan ay tinanong ko muna ito.

"Iha, ako si Aling Salud. Landlady," sabi ng isang babae. Binuksan ko ito. Bumungad sa akin ang nasa mga 50 taon na ginang.

"Bakit po?"
May nakaipit na yosi sa bibig nito pero nakapatay na ito.

"Pagkain iha. Sabi kase ni Joan, dapat alagaan ka namin dahil malalagot kami kay Mayor."

Iniabot nito ang dalawang piraso ng pinggan na may pagkain at ulam. Ang mabangong amoy nito ay nakakatakam. Beef Caldereta ito.

"Naku, salamat po."

"Walang anuman. Isusunod na namin ang panulak mo. Ano ba gusto mo? May soft drinks din kami."

"Tubig lang po."

"Wala ng iba?" Umiling ako. Bumaba na ulit ito para kunin daw ang tubig.

Nilagay ko sa mesa ang pagkain. At tahimik na nagdasal at nagpasalamat. Habang sumusubo ako dumating si Aling Salud. Dala ang isang baso at maliit na pitsel na may tubig . May yelo pa ito.

"Padadalhan kita ng upuan iha. Baka mapagod ka sa pag-upo sa lapag."

"Okay lang po. Sanay naman ako."

Iniwan na ako nito . Napapamura nalang ako sa isip sa sarap  ng ulam ko.

Pagkatapos kumain ay nagdesisyon ako bumaba para maihatid ito. Nakita ko sa kusina si Aling Salud.

"Aling Salud." Lumingon agad ito sa akin. Nakita niya na dala ko ang pinagkainan ko. "Akin na iha." Nahihiya man ay iniabot ko ito.

"Iha, pwede ka naman maupo dyan. " Nakakita ako ng maliit na upuan. Umupo naman ako.

"Aling Salud, pwede naman po ako tumulong sa pagluluto? Nakakahiya naman po kung ililibre niyo ako palage"

" Wala yun iha. Basta sinabi ni Mayor, kailangan namin gawin dahil na rin sa kabutihang loob na binigay niya sa amin. Kakaiba naman siya kasi di gaano mahigpit."

"Pwede naman po ako magtanong? Aling Salud."

Tumango ito kahit nakatalikod.

"Yung si Mayor, mabait po ba yun?"

"Yung totoo, si Mayor, napakabait niya pero masamang kaaway yan."

Makilala ko naman siya bukas. Ano kaya mangyayari?

"Aling Salud, pahinga na po ako. Maaga pa kasi ako bukas. "

"Sige iha. Pahinga ka na. "

Umakyat na ako ulit. May isang babae kumausap s aakin bago pa ako makapasok sa loob.

"Ikaw ba yung bago? " Tumango ako. Maputi ang babaeng ito at balingkinitan ang katawan nito.

"Pwede makipagkaibigan sayo?" Napatingin ako dito.

"Promise, mabait ako pero madaldal."

Not bad for my first day here. May gusto agad makipagkaibigan sa akin.

"Oo naman" Bigla nalang ako nito kinaladkad pababa.

"Halika sa baba. Libre Ko. Nakabingwit ako ng maraming pera."

Wala akong choice kundi sumama. Dinala niya ako sa isang lugar. May videoke dito at may iilang alak. Yung probinsya ang istilo ng lugar. Gawa sa kawayan ang upuan at may iilang maliit na mesa dito.

"Ako nga pala si Cathy. Ikaw ano pangalan mo,"tanong niya. "Shahara" maikling sabi ko.

"Ano gusto mo? Sabihin mo."

"Kahit ano lang."

"Umiinom ka ba? Wag mong sabihing hindi dahil galing ka Maynila."

"May pasok ako bukas. First day ko."

Tanggi ko. Baka di ako makabangon.

"Kwentuhan nalang tayo."

Nakipagkwentuhan nga ito sa akin. Halos mga 1 oras din ang inabot nito. Nagpaalam na ako dahil malalim na din ang gabi.

"Sige na Shahara, sa susunod nalang tayo mag inuman. " Tuluyan na itong nawala sa paningin ko. Pumasok na din ako.

Natulog na din ako dahil baka mahuli ako sa trabaho. Nilagyan ko ng alarm ang cellphone ko para magising agad ako. Sana maging okay ako bukas. Di sana ako dagain ng kaba.

------

Suportahan niyo po ang istoryang ito. Salamat po.

TAMING HIS HEART(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon