*LABINGPITO*

154 14 0
                                    

"Where is Calix?! Are you hiding him from me?!"

Isang boses ang umalingawngaw sa loob ng mansyon. Wala yatang manners yun. Bumaba na ako para alamin kung sino ang bastos na sumisigaw.

Pagdating sa baba nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Kaharap nito si Joan.

"Miss, wala dito si Mayor. At saka wag ka pong sumigaw dahil sobrang aga pa."

Napalingon sa akin si Joan. Humihingi ng pasensya. "Oh, baka ikaw alam mo kung nasaan siya?"

"Hindi ko din alam."

Nakatingin ito ng masama sa akin. Sarap nitong sapakin. Ano ba ikinagagalit niya? Umalis ito sa harapan ko at umupo sa sala.
"I'll wait for him here."

"Miss, baka maumay ka sa paghihintay?"

"It's fine."

Hinayaan nalang namin siyang umupo doon dahil kagustuhan naman niya. Dumiretso ako sa kusina para kumain ng agahan. Hindi pa din mawala ang inis ko sa babaeng yun. I know he hurt Calix but she has really the guts to look for him.

"Pasensya ka na Hara. Parang kabute ang babaeng yan dahil pasulpot-sulpot. Kumain ka nalang para mawala ang bad vibes sayo,"napangiti ako sa sinabi niya. Kailangan ko magpakabusog para sa baby ko. Ayaw ko siyang lumabas na sakitin. 

She stayed there just like what she said. Nakaupo ito na salubong ang kilay. Panay tingin ito sa cellphone niya na parang may text o tawag na hinihintay. Biglang tumunog ang cellphone ko. It's him calling.
Nagpunta ako sa kwarto para kausapin siya at wala akong balak ipaalam ito sa bruhang naghihintay.

"Hello Mayor, may kailangan kayo?"

"I just called you to know if everything is okay there. Have you eaten your breakfast?"

Deep inside I feel butterflies again. He start being sweet again.

"Are you there?" Nakatulala na pala ako dahil sa sinabi niya.

"Oo. Anong oras ka uuwi?" Nagmumukha na akong atat na asawa. Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa kaba.

"I'll be home if I'm done dealing with problem here."

"Okay sige." Yan lang ang nasabi ko dahil sa kahihiyan.

"Don't worry, I'll be there as early as possible."

"Wala ka bang ipagbibilin na ipapagawa?"
Bumuntong hininga muna ito bago ako sagutin.

"Just eat okay. I'll talk to you later okay. Bye,"paalam nito. He ended the call and a smile escape my lips. Nagpagulong-gulong ako sa kama just like a teenager na tinawagan ng crush niya.

May kumatok sa pintuan ko. Pinagbuksan ko ito. Si Julie ang bumungad sa akin. Nakataas pa rin ang kilay nito pero pinapasok ko siya. Mabait naman akong tao.

"It used to be my room or should I say our room." Inaasar ba ako nito? Well, ayoko magpadaig. Hinayaan ko lang libutin ng mata niya ang kwarto. Nagsalita na rin ako dahil hindi ko matagalan ang presensya niya.

"Ano ba ang pakay mo at naisipan mo akong kausapin?"

"I just want to remind you all over again."

Ano akala niya kay Calix? Isang pag-aari niya. Pag talaga hindi ako nakapagtimpi, sasapakin ko na ito.

"Hindi ako tanga para di ko maintindihan ang tinutukoy mo pero paalala ko din sayo huwag mo ibunton ang isyu mo sa buhay sa akin."

"I want to be civil here."

"Civil? Okay sinabi mo eh. Pwede lumabas ka na sa kwarto KO,"paglilinaw ko dito. Hindi ko na talaga kaya dahil anytime sasabog ako.

Nagwalk out naman agad ito. Mabuti naman ginawa niya dahil baka masabunutan ko na siya. Sinira niya ang magandang mood ko. Napaupo ako ulit sa kama.

Nagising ako sa isang tapik sa mukha. Isang mukha ang sumalubong sa akin. His staring at me with his two beautiful eyes. Bakit ba ang gwapo niya? Napapako tuloy ang mata ko dito.

"Are you gonna stare at me the whole time?"

Napaiwas tuloy ako ng tingin. Nakakahiya ka Shahara! Saway ko sa sarili.

"It's already 6:30 pm, but your not eating dinner."

Shit!

"Nakatulog kasi ako."

"Get up, we will eat dinner." Naninibago pa rin ako sa kilos niya. Masyado siyang maalaga sa akin baka hanap-hanapin ko.

Sumunod ako dito palabas. Pagpunta namin sa kusina walang tao doon pero may nakahaing masasarap na pagkain. Natakam ako bigla. Pinaupo naman agad ako nito. Sumandok agad ako ng adobo at kanin. Favorite ko ito ngunit pagsubo ko parang gusto ko isuka. Ano ba problema ng sikmura ko?

"Are you alright? Hindi masarap?"

"Wala lang siguro akong gana." Sinubukan ko naman kumuha ng sinigang. I taste it first. Masarap naman. Actually natatakam ako tuloy.

Halos walang natira sa sinigang dahil sinagad ko ang pagkain. Napatingin tuloy siya sa akin pero tinuloy din niya ang pagkain.

Halos isang oras kaming kumain at heto ako sobrang busog. Inutusan niya ang mga katulong para magligpit at maghugas. Kasalukuyang nakaupo kami sa labas. Sa harap ng napakalaking pool. Malayo ang tingin. Napapàyakap ako sa sarili dahil medyo lumalamig na ang paligid.

Nagulat nalang ako ng may dalawang braso ang nakayakap sa akin. His backhugging me and my heart start to beat faster.

"You eat like a pig but I love seeing you like that." Mas lalo tuloy bumilis ang pintig ng puso ko. Bakit ba ang galing na niyang bumanat?

"Why did you don't like adobo? It's your favorite right?"

"Hindi ko alam baka nag-iba na ang gusto ko."

"You seem to be pregnant. Pregnant women sometimes hate food they like and like food they don't want."

Natigilan ako sa sinabi niya. Alam na ba niya? Hindi pa ako handa.

"But if your pregnant, you would tell me right?" Tumango naman ako. Mas lalo nitong hinigpitan ang pagyakap sa akin.

"I don't know what to do if I got you pregnant." I suddenly feel the pain in my heart. Hindi nga siya handa. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng pagkalito.

"If you became mother of my child, can you please be strong? Will you allow him/her get my family name?"

"Oo naman. Karapatan ng bata ang madala ang apilyido ng tatay niya."

Bumitaw na ito sa akin. Bigla ako nakaramdam ng dismaya pero nagsalita ito.

"Let's go inside. It's getting cold."

Sabay kami naglakad pero naglakad ito papunta sa kwarto niya pagdating namin sa taas. Isasarado ko na sana ang pinto pero pinigil niya.

"Let me cuddle with you."

Pinapasok ko agad siya dahil gusto ko din ang ideya niya. Nahiga na ito sa kabilang part ng kama at ako din. Nakatalikod ako sa kanya.

"Can you face me?"

Sumunod ako dito at humarap ako sa kanya. Halos ilang pulgada ang agwat ng aming mukha. Hinalikan nito ang labi ko pero mabilis lang.

"Good night Baby"
Niyakap ako nito na halos wala ng espasyo sa pagitan namin. Yumakap ako pabalik sa kanya at sinimulang ipikit ang mata. Magiging maganda ang panaginip ko nito.

Authors note:

#CuddlewithCalix

Isang kabanata na naman mga madam/sir!

TAMING HIS HEART(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon