*LABINGDALAWA*

184 28 0
                                    

Inaayos ko ang mga papeles nang may nahulog na isang pirasong papel. Isang medical records ito. Nakita ko nakapangalan ito sa kanya. Halos di ako makahinga sa nabasa ko. He has brain cancer. Umikot ang paningin at muntik na akong natumba, mabuti nalang nakahawak ako sa dulo ng office table niya.

It can't be! Habang iniisip ko ang kondisyon niya pumasok si Joan. "Ayos ka lang?" Tumango ako.

"Jo, pwede ako magtanong sayo?"

"Ano yun?" Natigilan ako sa sinabi ko at umiling nalang. "Huwag nalang,"pag-iiba ko nang usapan.

"Mukhang problemado ka dyan."

"Okay lang ako. Pagod lang siguro."
Hindi na nga ito nagtanong. Pagkatapos ko ayusin ang mga papeles sa opisina niya ay sabay kaming lumabas ni Joan.

Nadatnan ko itong kausap ang kapatid niya. Natatawa pa ito na parang wala siyang sakit. Bakit ang galing niya magtago? Lumingon ito sa gawi ko at tinitigan ako. Napaiwas ako agad.

Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig. Bigla kasing nanuyo ang lalamunan ko. Biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Are you avoiding me?"

Shit! Bakit siya nandito?! Ayaw niya yata patahimikin ang buhay ko. "Hindi naman. Nauhaw lang ako." Niyakap ako nito sa likuran. Nakaramdam ako ng kakaibang init. Para yata akong napapaso sa pagkakadikit niya.

"Baka may makakita sa atin."

"Then let them see it." Napaharap ako tuloy dito. Tama ba dinig ko?! Halos umakyat yata lahat ng dugo papunta sa mukha ko. "Just kidding,"natatawang sabi nito. Sarap niyang bugbugin!

Bumitaw ito sa akin. But his grin remain on his face. I suddenly felt warm seeing his smile. Sana ganito nalang siya palagi. "Stop staring. It's in the rules." Lalo ako nakaramdam nang pagkapahiya. Ganito ba talaga epekto niya sa akin?  Hindi ko maialis sa utak ko yung kanina.

"May, ipag-uutos ka ba?"

"Meron," sabi nito sa nakakalokong ngiti. Trip niya mang-asar ngayong araw.

"Ano yun,"ani ko kahit inis na ako. Lumapit naman ito sa akin at ninakawan ako ng halik. "Your so red like tomatoes." Kasalanan niya ito. Magnanakaw! Magnanakaw ng halik. Pero gusto naman sabi ng malandi kong utak.

"Anyway, can we have dinner tonight?"
Isa namang nakakagulat na sinabi niya. Ang tagal magproseso ng utak ko. Gusto ko nalang mawala nalang bigla sa harapan nito.

"You can't say no."

"Do I have a choice?"

"See you later red tomatoes,"asar niya. Nakahinga ako ng maluwag pagkaalis nito.

Kaya ko pa ba manatili dito kung ganito siya palagi pero ramdam ko na masaya din pala. Kung pag-ibig man itong nararamdaman ko sa kanya, sana hindi ko ito pagsisihan.

****************************************

Alas sais na nang gabi at inaayos ko ang sarili sa harap ng salamin. Makailang ulit din akong nagpalit dahil hindi ako kuntento sa suot ko. Napagdesisyunan ko magsuot nang kulay asul na dress at isinuot ang isang brown heels. Nang nakuntento ako, kinuha ko ang black pouch.

Pagkalabas ko sa kwarto, I saw him waiting impatiently. Ugali niya talaga.

"Sorry pinaghintay kita."

"It's fine,"nakangiting sabi niya. Kitang-kita ko ang perpektong ngipin niya. Nakasuot siya nang americana at kulay asul na v-neck shirt. Talagang terno kami sa kulay, mukha na ba kaming couple? Rugged jeans naman sa baba at white rubber shoes.

"Sàan ba tayo pupunta?"

"Secret." He surprises me for so many times just for today. Naglakad na kami palabas. Ipinagmaneho kami nang isa sa mga tauhan niya. Walang nagsalita sa amin nang ilang minuto sa loob ng sasakyan.

Narating namin ang isang maliit na kubo sa gilid ng dagat. Marami pang kubo dito. Iniwan na kami nang naghatid sa amin. Pagpasok namin sa loob sumalubong ang magandang ayos ng mesa. May candle light pa at nakahandang kubyertos.

Napakaromantic nang lugar dahil sa mumunting ilaw na nakasabit. Pagkalipas ng ilang sandali may dumating na sa tingin ko ay waiter. May dinala itong pagkain. Steak at spaghetti carbonara. Sosyal talaga. Dumating din ang isa pa at may dalang alak. Mukhang imported ito.

Iniwan na kaming dalawa nang waiter. Binuksan niya ang alak. "Mukhang mahal yan eh,"pagtatanong ko.

"Yeah. It's Beringer California Zinfandel Rose."

"Red horse lang alam ko eh."

Nilagyan ako nito sa isang glass wine at yung kanya din. Mas lalo akong namangha dahil sa kulay nito. Kulay pink.

"Cheers." Sabi pa nito. Nakipagcheers din ako. Nilagok niya ito pero di inubos. Nakisabay din ako. Lasang grapes.

Nagsimula na siyang hiwain ang steak. Pati paghihiwa mukhang expert. Mukha na akong tanga nakatitig rito. Napansin niya yata yun kaya tumitig ito pabalik sa akin.

"Don't you like the food?"

"Gusto ko naman." Naghiwa na din ako para makaiwas sa pagtitig. Sinubo ko agad ang steak. Masarap nga. Nasa Maynila ako puro korean dishes ang nakakain ko. Kumain na din ako nang spaghetti carbonara. Medyo pamilyar ako dito dahil niluto sa akin ni Rose noong umuwi siya.

Natapos ang dinner kahit medyo awkward ang feeling ko dahil panay sulyap ito sa akin. Nagsalita naman ito.

"May boyfriend ka sa Maynila,"napatingin naman agad ako dito. Bakit napaka-straightfoward niya? Paano ko ba sasabihin na wala akong boyfriend dahil busy ako sa buhay o talagang di ako namamansin sa manliligaw ko? Feeling ko hotseat agad ako.

"Wala akong boyfriend dahil wala pa sa isipan ko,"ang galing ko talaga dahil napakapangit nang lumabas sa bunganga ko. Gusto kong sapakin ang sariling mukha.

"Maybe you have higher standards."

"Hindi naman,"ani ko. Hindi yata ako nauutal. Bakit biglang curious ito sa buhay ko pagdating sa pag-ibig? Maybe his into you. Shut up self! Nakikipag-away na ako sa brain cells ko.

"Then, what if I say I like you?" Naubo ako sa sinabi niya. Hilig niya talagang magsorpresa sa akin.

"Are you okay?"

"Oo naman." Hindi na talaga makatingin nang tuluyan sa kanya.

"I'm serious Shahara,"first time he called my first name. Lord naman! I cannot think straight because of his sudden confession.

Sana tumawa nalang siya bigla at sabihing biro lamang pero hindi nangyari.

"I'm sorry if I say this to you. I just can't keep it. I don't know if it is just an affection or something more than that." Mukhang seryoso talaga siya. Sasabihin ko din ba na gusto ko siya? My goodness! This guy makes my head crazy.

"I will not ask, that you should like me too but I wanted you to stay no matter what. I'm just happy being with you. You make me feel just alive again. Can you wait for me?"

"Uhm,ano, I'll be with you no matter what,"dahil sa sinabi ko nagliwanag ang mukha niya. He give his most genuine smile.

Pagkatapos nang dinner, nagpasundo na siya. Nilamon ng katahimikan ang buong biyahe. Hindi na siya nagsalita pagdating namin. Diretso na lamang ito pumanhik sa hagdanan.

Pagpasok ko sa kwarto, ramdam ko ang kakaibang kabog ng puso ko. Kailangan ko na yata magpatingin o magshower nalang para makarelax ako. Pagpasok ko sa loob hinayaan ko munang malayang umagos ang tubig. Halos isa at kalahating oras ako sa loob. Paglabas ko, nakasuot lang ako ng robe. Tinuyo ko ang buhok at tumingin sa malaking salamin sa harapan ko.

Sobrang pagkalito ang pakiramdam ko sa araw na ito. Kailan lang pumunta dito yung ex niya. Naku! Unpredictable niya talaga promise.  Naghalungkat ako ng susuotin. Nakita ko ang simpleng shirt ko at nagsuot ako ng pajama. Tulog ang kailangan ko at hindi mag-isip ng confession niya. 

************************************

SALAMAT SA BUMASA👏

TAMING HIS HEART(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon