Chapter 3
Investigation
Dahan dahan kong dinidikit ang tenga sa makinis na plywood nang sa ganun ay marinig ko at makakuwa ako ng inpormasyon sa kabilang kwarto.
"Gaano ba ito kakapal bakig wala akong naririnig!" Inis na bulong ko.
Bukod sa ingay ng electricfan wala na akong ibang naririnig. Diniin ko pa ang sarili sa fly wood para makasagap.
"What's wrong with you?!" Bulyaw ng babae sa kabilang kwarto.
"Just leave, I'm not in the move Shona." Wika ni Royce.
Lumunok ako. Isang malakas na pagsarado ng pintuan ang kumalambag bago muling tumahimik.
"Oh, Bakit nawala?" Sabi ko.
Agad akong tumayo para pumunta sa balcony. Hinawak ko ang parehas kong kamay sa kahoy at pasimpleng sinisilip ang loob ng kwarto niya.
Nilibot ko ang paningin sa loob bukas ang glass door kaya natatanaw ko siya sa loob. Ang kalat ng kwarto niya ang ilang damit at towel ay nakakalat sa lapag meron din bag sa tabi niya. Nakaupo siya sa kama habang nakaharap sa loptop nakatalikod siya sa'kin kaya hindi niya nakikitang sumusilip.
Umiinit bigla ang pisngi ko at namilog ang dalawang mata ng mapagtantong nakatopless siya ang meron lang ay ang kanyang ipangbaba. Mula dito sa kinakatayuan ko kitang kita ko ang pagflecks ng braso't likod niya.
"G-grabe..." Mariin akong umiling at dahan dahan muling nag angat ng tingin. "N-na sakanya ang ang definition ng isang engkantong nabasa ko sa libro!"
Napatalikod ako dali-daling pumasok sa kwarto ng makita ang paggalaw nang ulo niya sa gawi ko. Dahan dahan kong inayos ang kurtina. Tumatakbo sa kaba ang puso kong umupo sa kama habang pinapakaramdaman ang labas.
Hindi naman niya ko nakita diba? Or naramdaman man lang?
"Hindi 'yan! Gosh! Dapat lang hindi niya ko makita dahil hindi pa ako tapos sakanya!" Habol ko nang hininga. "Kalma kalma Isha, chill ka lang."
Dahan dahan akong tumayo naglakad muli sa balcony. Pinakaramdaman ko muna ang paligid kung nandoon ba siya. Maingat akong lumabas para muli siyang silipin. Unting unti kong sinilip ang ulo ko sa glass door.
"Ahhhh!!" Maagang akong napatili dahil sa isang matang lawin na agad na tumama sa paningin ko.
"How are you doing?" Malamig niyang tanong. Nakakunot noo siya at naka cross arm habang nakayuko sa'kin.
Kabado akong tinitignan siya habang matalim ang tingin niya sa'kin.
"Nang bubuso ka ba-"
"Sir Royce, nandito na po yong pinapakuwa ninyo!"
Bumaling ako ng tingin sa pintuan niya nang marinig ang boses ni Angela sa labas. Sunod sunod akong lumunok ng lumingon siya doon. Bago pa man siya muling lumingon sa'kin ay ginawa ko na yong daan para matakbuhan siya.
"Hey-" Sigaw pa niya.
Pabagsak kong sinara ang glass door pati ang puting kurtina bago tumalon at nagtago sa kumot. Hawak hawak ko ang dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito.
"Agh! Bakit ba niya ako na huli!?"
Napasabunot ako sa'kin buhok at pinakalma ang sarili. Ilang minutong muling tumahimik ang katabing kwarto. Bumuntong hininga ako. Hindi mawala ang ediya sa'kin isip sa mga susunod kong mga plano.
"Mahuhili din kita! I sure that!" Sabi sa sarili.
Inaantok pa akong nagising kinaumagahan dahil sa sobrang ingay sa labas. Maliwanag na dahil sumisilip na ang araw sa bintana.
YOU ARE READING
The Paradise Under Leaves ( On Going )
Teen FictionWhile she healing, finds herself in the paradise she meet the only one guy feel hes vibes. What if she finds herself healing with another guy? Mababago kaya ang pananaw niya sa pagmamahal? Paano kung nahulog siya sa lalaking kakilala lang nang ilang...