Chapter 21

1 1 0
                                    

Chapter 21

Bar

"H-humarap ka." Kabang sabi ko.

Dahan dahan siyang humarap nang nakabahagi ang dalawang binti. Napapunas ako ng pawis. Init na init ako kahit malakas ang aircon sa loob.

Tahimik kong sinusukat ang leeg niya, kili kili at muscle hanggang braso.

Hindi puwedeng mapanganga na lang ako dahil pinapanood niya ng madilim ang bawat ginagawa ko. Apaw na apaw ang init ng pakiramdam ko dahil doon.

"Tse!" Asik niya.

Nag-angat ako ng paningin habang sinusulat ang numero sa papel ko. Nag-iwan ako ng tingin nang makita muli ang masungit at naiirita niyang tingin sa'kin.

"Matagal pa ba?" Muryot niyang tanong.

Napatayo ako ng maayos at sabay lunok.

"Malapit na..." Muli akong lumapit sakanya para sukatan siya sa ibabang ng pants niya.

Sa bawat dampi ng kamay ko sa balat niya ay ang pagbuntong hininga niya ng malalalim kaya mas lalo kong binilisan.

Hindi ako komportable.

Inuna ko ang hips niya tapos sa magkabilang gilid tapos yung malapit sa paa at napatigil ako ng makarating ako sa belly botton niya. Napatitig ako sa kamay kong nanginginig bago ako nag-angat ng tingin.

Nakapikit siya habang nakatingala kaya mas lalo akong kinabahan at pinagpawisan. Inalog ko muna ang dalawang kamay ko para pigilan ang panginginig ng mga 'yon.

Ipinewespwesto ko pa lang ang kamay ko nang magulat ng bigla niya itong saluhin. Napatalon ako sa gulat at kabadong nag-angat ng paningin sakanya. Walang maski reaksyon ang mukha niya.

"Let's it end here, hindi ko naman kailangan ng formal, so I decide na pants na lang susuotin ko." Sambit niya ng walang lingon lingon. "You can leave."

Laglag ang kamay ko sa eri nang iwan niya ako doon. Ilan minuto muna akong tinignan ang lamesa niya bago ako lumabas ng opisina.

Anong problema niya? Bakit mas mukha pa siyang galit kaysa sa'kin?

Ako dapat ang magalit samin dalawa dahil iniwan niya ko matapos akong angkinin.

Padabog akong lumabas ng opisina. Paglabas ko wala nang anino niya tanging yung babae nasa lang looby ang nandoon.

"Ang init yata ng ulo ni Sir?" Dinig kong bulong ng kasama ng babae bago ako nakasakay ng elevator.

Tulala akong sa loob nang elevator dahil iniisip ko ang naging reaksyon niya kanina. Wala naman akong ginawang mali at biglang na lang nagbago ang mood niya. Malayo pa lang kung saan nakapart ang sasakyan ko ng malas na nagring ang cellphone.

"Where are you?"

"Pababa na ako ng building."

"Tumawag pala si Ryan sunduin ka daw niya kaso sabi ko may dala kang–"

"This is the wrong decision I made in my life." Walang sa sariling sabi ko.

"W-what? Anong ibig mong sabihin?"

I sigh.

"Susunod ako diyan in a minute Diva, saan nga 'yan?"

"Sa BGC nandito na kaming lahat, wait kita here."

"Okay."

Pinatay ko ang tawag at nagdrive na patungo sa BGC nang makarating ay agad na akong pumasok sa loob. Maingay ang buong lugar dahil halos lasing na ang iba. Marami na din tao sa dance floor. Hirap akong naglibot ng tingin dahil sa neon lang ang tanging ilaw at ang gulo gulo pa nang lugar kung saan ako nakatayo ngayon.

"Where are you?" Si Dive habang sa likod ng linya.

"Nasan kayo? I'm here in front of the dance floor?" Sigaw na sabi ko dahil hindi ko naririnig.

Simula ng makabalik ako ng manila ito na ulit ang unang tungtong ko ng bar kaya halos manibago ako. Sa tagal ko sa probinsya hindi na yata ako sanay. Tila isa na ulit akong inosenteng nilalang na ngayon na lang ulit ako nakapagbar.

"Nandito kami sa second floor! Wait stay there! Pinuntahan ka na nang ex mo!"

Kumunot ang ilong kong tinitignan ang screen ng cellphone ko. May dumaan waitress sa harapan kong may dalang dala mga iba ibang kulay ng alak.

"Thanks." Usal ko nang makauwa. Tango ang ngiti lang ang ginanti niya.

Agad kong ininom 'yon at inubos. Agad na naghangad pa ng alak ang lalamunan ko. Lumingalinga ako sa paligid para hanapin ang waitress kanina.

"Isha."

Nag-angat ako ng tingin sa humarang sa harap ko. Mukha ni Ryan ang nakikita ko ngumiti agad ako ng walang halong peke.

"Nasan sila Diva?!"

"Nasa taas sila kasama sila Gio, akala ko hindi ka makakapunta kaya balak ko na sanang umuwi–"

Tumango ako at muling pekeng ngumiti sakanya.

"Let's go, naghihintay sila sayo."

Lumandas ang kamay niya sa bwewang ko habang tinutungo namin ang second floor. Hinayaan ko ang kamay niya doon dahil ganun na siya simula noon. Ilan beses na din kami nagbar sa kung saan lumapalop ng Manila. Halos sakanya ako natotoong makihalabihilo sa ibang tao.

Palapit kami nang palapit sa sofa kung nasan ang mga kaibigan ganun din ang pagbilis ng tibok ng puso ko na halos makisabay sa beat ng musika.

"Happy Birthday! Av." Halik ko sa gilid ng pisngi niya.

"Thanks, beshi! Akala ko hindi ka makarating? Na miss pa naman kita!!"

Ngumiti ako. Sa Av ang pangalawang bestfriend ko simula high school hanggang college. Lumawak lang ng mas makilala ko si Ryan at Diva na mahilig sa ganitong event ng buhay.

"Puwede ba kong hindi makarating! Kailan ako hindi nagpunta?" Ngisi ko.

"Kailan nga ba kasi Hon?" Sabay ng asawa niya na si Gio.

Sa circle of friends namin sila ang unang nagpakasal dahil kay Jasper na anak nilang dalawa ngayon. Hanggang nasundan ng dalawa sa circle of friends na din ang nagpakasal. Halos lahat high school lover. Tatlo na lang siguro sa mga barkada ang hindi pa nagkakasal.

"How is our life? Kayo pa din?" Tanong ni Gio.

Napalagok ng alak dahil sa tinanong niya. Nagkatinginan kami ni Ryan.

"I got a plan dude!" Birong sabi niya sa kaibigan.

"Oo nga? May date na ba uli para sa kasal ninyo?"

Natigil ako at napaawang ang labi hindi dahil sa sinabi ni Av hindi din dahil sa kamay ni Ryan na hawak ang kamay ko.

Kundi sa matang nakapukay samin. Nanginig ang kalamnan ko nang marealize na tama ang nakikita ko ngayon.

"If she yes again, bakit hindi at bakit papatagil ko pa?" Sambit ni Ryan.

Nasa likudan lang ng sofa si Royce kung saan likod ni Gio. Nakatayo siya at matalim ang tingin sa'kin. Halos hindi na ako napapikit dahil sa galit na nakikita ko sa mga mata niya. Sa madilim niyang awra.

"Ayiuiee!" Tilian ng mga kasama.

Hindi nawawala ang paningin ko sa lalaking malamig ang awra. Napalunok ako at napakuyom ang dalawang palad nang umikot at lumapit siya sa sofa namin.

The Paradise Under Leaves ( On Going )Where stories live. Discover now