Chapter 16
Ring
The next morning we ate early because we were going downtown and hanging out at his resort. Nasabi kong gusto kong sumakay ng bangka at umakyat ng parola.
Dinala niya ko sa malaking kwarto sa taas kung saan tamang pwesto kung saan kitang kita ang magandang tanawin sa labas.
Tirik na ang araw kanina pa ako handa para sa mga pupuntahan namin ngayon. Ito ang unang araw na lalabas kami ng hindi nagbabangayan.
Abala ako sa cellphone ko dahil minimessage ko si Diva hindi niya kasi sinasagot ang tawag ko. Ang huling tawag niya sa'kin ay nasa bar siya kasama ang mga ka-works at ilang close friends.
"Bakit hindi niya ako nire-reply!" Muryot ko.
"Anong problema?"
Gulat akong lumingon sa pintuan ng marinig ang boses ni Royce. Nakasuot siya ng suit dahil may meeting siyang tinapos kanina.
I wondering hindi lang paghilom ang ginawa niya dito pati na din ang pagtrabaho. I smiled as he sat next to me.
"What's the problem? Mahina ba ang signal?" Muling tanong niya.
Natawa ko. Malakas ang signal dahil may wifi at nasa baba kami ng bundok. Pinagtaasan niya ko ng kilay.
Until now I still can't get over what happened to us today if we used to almost argue, now we are close to each other.
"Wala, ano tara na ba?" Anyaya ko at tumayo ngunit napabalik lang sakanya nang hilahin niya ang kamay ko para iupo sa hita niya.
Halos umuusok ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.
"Hoy! Tyangsing toh! Ikaw huh!"
"Ano ngayon?" Pinanglakihan niya ko ng mata.
"Wala nga! Halika na gusto ko na maghiking." Nguso ko at tumayo ngunit inihiga niya lang ang sarili sa kama. "Hoy! Away mo? Sige ako na lang!!"
Agad siyang napabalikwas kaya natawa ako ng malakas. Biniro ko siyang tinignan.
"Alam mo, hindi pa din ako maka-get over na may gusto ka na sa'kin! Noon parang gusto mo na akong patayin sa sobrang pagkainis mo." Biro ko.
"Tss! Kumain muna tayo bago tayo lumabas, nag-iingay ka na naman."
Isang halakhak lang ang binatawan ko habang palabas kami nang kwarto. Malayo ako ng ilang metro sakanya at minsan din gusto kong nasa likod lang niya ako.
Nakahanda na ang yate nagagamitin namin halos ngumuso ako dahil halos dalawa lang kami. Siya ang nagpapatakbo. Nilibang ko na lang ang sarili sa tanawin at naka ilang picture din kami doon.Nakakatuksong maligo.
Hawak na niya ang kamay ko habang tinatahak namin ang daan paakyat ng parola. Kumpara sa deck na inakyat namin maraming turistang umaakya't baba ng bundok kaya hindi nakakatakot dahil maraming mga kasabay at isa pa hindi niya binibitawan ang kamay ko.
Maganda ang natawin sa itaas maraming display para sa gustong mag pa-picture. Maganda ang natawanin dahil kita ang alon ng dagat sa ibaba. Iisipin mo nasa batenas ka dahil sa Philippine sea na natatanaw.
"Picture tayo doon dali!"
"Ang dami natin picture... Mula sa paakyat hanggang dito." Angal niya.
"Ano ka ba? Memories kaya ito! Ganto kaya ang ginawa namin ni Rya–" Natiklop ko ang labi ng mabanggit ang pangalan na 'yon.
"So, that's the name of your ex-fiance?" Biglang english niyang taas pa ng kilay.
"Huh?"
"Fine! Let's take a lot of pictures."
YOU ARE READING
The Paradise Under Leaves ( On Going )
Teen FictionWhile she healing, finds herself in the paradise she meet the only one guy feel hes vibes. What if she finds herself healing with another guy? Mababago kaya ang pananaw niya sa pagmamahal? Paano kung nahulog siya sa lalaking kakilala lang nang ilang...