Chapter 10
Balcony
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Mayabang siyang ngumiti sa'kin.
"Ano?!"
"Utang mo sa'kin ang buhay mo nang maraming beses... Kaya dapat lang bayaran mo 'yon." Yabang niya.
Seryoso ba siya?
Malaking ang pasasalamat ko pa sakanya dahil niligtas niya ako at hindi pinabayaan kahit iritang irita na siya sa'kin noon araw na 'yon. Nangyari 'yon dahil hindi niya ko hintay.Sa lahat ba nangyari sakanya ay utang ko 'yon?
Noong una dahil nagpakamalan ko siyang manyakis, engkanto at suspects sa mga nangyaring crime dito tapos itong huling sinagip niya ang buhay ko.
"Utang? Laking pasasalamat ko pa naman sayo dahil hindi mo ako iniwan tapos binibilang mo lahat ng 'yon!?"
"Exactly! You just have to pay because my life is also at stake there."
"Grabe! Kung hindi mo ako iniwan at nagpasensya ka sa kaingay ko! Edi sana ayos ang mgs paa at kamay ko ngayon." Sumbat ko.
"Ano ba 'yan!? Mula dito hanggang labas dinig ang boses ninyong dalawa!" Biglang pasok ni Nanay sa kwarto kasama niya ang kanyang asawa na sumang-ayon din dahil sa bangayan namin dalawa ni Royce.
"Kamusta ka Iha? Masakit pa din ba ang paa mo?" Tanong ni Tatay Lito.
"Masakit po kapag nabibiglang nagagalaw." Sabi ko.
Lumapit siya at dahan dahan niyang inangat ang kaliwang paa ko para tignan ang kalagayan non. Agad akong nakaramdaman ng kirot nang hawakan niya para alisin ang dahon na nandoon. Nakita ko ang malaking sugat na may bakas pa ng dugo sa gilid ng sugat.
"Mamaga ito ng ilang araw dahil sa sugat kaya mabutihan mong manatili muna dito." Sabi niya at binigay kay Nanay ang dahon na. "Lalabas muna ko at kukuwa ng halaman gamot."
I nodded.
"Sige po.""Mag-ingat ka magpasama ka sa anak mo, Lito." Habol ni Nanay Bininda sa asawa bago ito bumaling sa'kin at umupo sa tabi ko. "Nag-alala ako kung anong nangyari sainyo, kamusta masakit pa ba? Bukas nang umaga ay tutungo kami sa bayan gusto mo bang ipatawag ko sa magulang mo ang kalagayan mo?" Pag-alalang niya.
Umiling ako dahil ayoko silang mag-alala pa sa katangahan ko.
"H-hindi na Nanay, maliit na galos lang naman ito para sa'kin..."
Royce chuckled. Kaya nag-angat ako ng tingin sakanya. Nagtaas ako ng kilay. Nagkabit balikat siya bago lumabas nang kwarto.
"Talaga bang ayaw mo ipaalam sa pamilya o kaibigan man lang?" Muling tanong ni Nanay.
Muli akong ngumiti ng matamis kanya upang maniwala siya sa'kin na ayos lang.
"Wag po kayong mag-alala okay lang po talaga ko saka wala naman silang pakialam sa'kin."
Kumunot ang noo ni Nanay sa sinabi ko kaya tumawa ko para isipin niyang biro lang ang sinasabi ko dahil totoo naman wala na silang pakialam sa'kin. Matanda na ko at kaya ko ng buhayin ang sarili ko.
Iyon ang sabi ng Nanay ko matapos maka-graduate ng college. Tapos na siya sa'kin at ako na ang bahala sa buhay ko. Simula ng maghiwalay sila ni Papa nagbago siya nang nagbago. Ni hindi ko magawang magalit sakanila pero hindi sapat ang perang binibigay nila para sabihin lang na mahal nila ako.
Hindi matatapatan ng pera ang pagmamahal at pag aaruga ng magulang.
Lumabas si Nanay matapos akong pakiinin dahil hindi kaya ng kanang kamay kong humawak ng kutsara kaya kahit nahihiya at bago sa'kin sinubuan ako ni Nanay Bininda. Na kwento din sa'kin ni Nanay ang buhay nila dito.
"Madalas mahirap at masagana, mahirap tuwing may bagyo dahil halos ng mga daan ay nasisira, masagana at masaya tuwing tag araw... Ngunit masaya kaming lahat dito kahit problemado basta sama-sama." Ngiting sabi ni Nanay.
Nahawa ako sa ngiti niya dahil nakikita kong totoo ang sinasabi niya. Ganun naman kapag sama-sama ang buong pamilya. Mahirap at masagana. Nagsasama sa ano man problema.
Ang swerte lang dahil kahit anong hirap magkakasama pa din sila. Nakakaingit dahil wala akong pamilya matuturing masagana.
Tinulog ko ang buong maghapon dahil bukod sa masakit ang buong katawan ko na parang binugbog. Kailangan kong magpalakas dahil malayo ako sa mga taong alam kong maasahan ko. Napalingon ako sa labas ng may kumatok doon.
Ikang-ika akong lumapit sa bolcany ng may kumatok doon. Hinawi ko ang kurtina at laking gulat ng makita si Royce. May hawak siyang dalawang tasa at sininyas niya ang mga 'yon. Nagtaka man ay pinagbuksan ko siya ng pintuan.
"Coffee?" He said.
Tumawa ako at tinanggap 'yon.
"Nag iba yata ang ihip ng hangin ah?!"
"Tss."
Sumadal siya sa railing ng bolcany habang humihigop ng kape. Umiwas ako nang tingin at gumaya sakanya. Nakaharap ako sa madilim na langit. I sigh deeply na parang nandoon sa dulo ng paghinga ang pahinga ko.
Kay tahimik nang probinsya ibang iba sa Manila na lahat yata ng sulok ay maingay.
"How's your foot?" Basag niya ng katahimikan.
"Nakakabit pa naman–"
"Tss," Ngiting singal niya habang umiiling.
I turned to him and opened my lips slightly as I saw him smile. Umiwas ako bago siya lumingon.
"Medyo mahapdi kapag nilalakad pero at least nakakabit pa din diba?" Biro ko.
Mabait siya hindi lang halata dahil lagi siyang nakakunot ang noo na parang handa laging makipag-away. Daig pa ng yelo ang ugali niya o bulkan sa sobrang init ng ulo niya.
Sobrang lamig ng awra niya at masama ang ugali niya. Kahit alam kong utang lang ang pagligtas niya ng buhay ko niligtas niya pa rin ako sa tiyak na kamatayan.
Na kahit alam kong nakakairita at sobra na ang istorbong nagawa ko sa lalaking ito tinulungan niya pa din ako. Sapat na para malaman kong mabuti siyang tao. Alam kong hindi ako magaling kumalatis ng ibang tao pero alam kong tama ako dahil sa nakikita ko sakanya.
Nahuli niya ang tingin ko kaya ngumiti akong hindi iniwasan. Nakita ko agad ang pagbago ng awra niya kung paano magkasalubong ang dalawang kilay niya hanggang sa pagkunot ng noo.
"Royce." I deeply call his name.
He looking at me with no emotion but his lip is deep open. For the first time, I call his name.
"Salamat huh, baka kung hindi mo ko tinulungan patay na ko ngayon o hinahanap na ang katawan ko sa bangin... Salamat hindi ko alam kung ano ibabayad ko sa utang ko." Sinserong sabi ko sa kanya.
He chuckled and signed. Muli niyang binalik ang tingin sa'kin. Ngumiti ako bago ako umiwas ng tingin.
"Ang totoo na niyan... Sobrang takot na takot ako kanina... Pakiramdan ko nga kahit sa panaginap nangyari sa'kin 'yon... Sobrang takot na takot ako sa mataas na lugar ngayon lang ulit ako natakot ng ganun." Ngisi ko habang inaalala ang nangyari. "Ito ang unang beses na umakyat ng hindi na siya ang kasama ko, unang pagkakataon naulit ang nangyari noon bata ako."
Lumingon ako sakanya. Nakatitig lang siya sa'kin kaya natuwa akong pinapakinggan niya ako.
"Akala ko mamatay na ako... Pero... Dahil sayo buhay pa din ako... Hindi ko alam paano kita mababayaran ngunit mababayaran kita sa ibang paraan na alam ko." Titig ko sa mata niya. "Royce."
Matamis na ngiting ko banggit ko sa pangalan niya.
YOU ARE READING
The Paradise Under Leaves ( On Going )
Teen FictionWhile she healing, finds herself in the paradise she meet the only one guy feel hes vibes. What if she finds herself healing with another guy? Mababago kaya ang pananaw niya sa pagmamahal? Paano kung nahulog siya sa lalaking kakilala lang nang ilang...